Chapter 2

411 57 181
                                    

Chapter 2
Music Org

Isang linggo na ang lumipas at hanggang ngayon, wala pa ring magandang nangyayari sa buhay kolehiyo ko. Marami akong nababasang kwento at marami rin akong naririnig na maaaring dumating sa buhay ng isang tao pagdating ng kolehiyo.

Tahimik ang lahat na nakikinig sa professor namin habang siya ay nagtuturo ng History. Lahat kami ay napalingon sa pinto nang may malakas na kumatok dito.

"Ms. Barb, may tao po." ani ng kaklase ko sa prof namin na tila walang narinig dahil diretso pa rin siya sa pagtuturo niya. Napalingon siya sa pinto at inis na binuksan ito.

"Excuse me, professor. May announcement lang po." nakangiting sabi ng isang lalaking nakasalamin. Napairap si Ms. Barb pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ng lalaki at nagpatuloy siya sa pagpasok.

"Good day! Gusto ko lamang i-announce na open na ang registration para sa mga sasali sa music org. Lahat ng interesado, pumunta mamaya sa auditorium para sa audition. Maraming salamat!" aniya sa isang masiglang tono. Narinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko. Pinag-isipan ko tuloy kung susubukan ko ba o hindi.

Kaya nang mag-break ay nagmensahe ako sa group chat namin kung free period ba nila ngayon. Malas nga lang ako dahil walang free kaya mag-isa ako ngayon na kakain.

Pinag-isipan ko kung sasali ba ako sa music org na iyon. Mahilig din kasi akong kumanta atsaka kaya kong tumugtog ng gitara, hindi nga lang ganoon kagaling. Pero masasabi kong marunong naman akong kumanta. Noong highschool ako ay sumasali ako sa mga contest ng school namin. Isinantabi ko muna ang topic na yun at tinitigan ang dala kong sketch pad. Nagdrawing lamang ako buong free period dito sa may garden malapit sa cafeteria.

Nang mapalingon ako sa may kabilang bench ay nakita ko si Luke kaya tinawag ko siya.

"Oh, Isha. Andito ka pala? Kanina ka pa?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Oo, nauna pa ata ako sa'yo. Busy eh." sagot ko at tumawa. Tiningnan niya lamang ito at nagpatuloy sa binabasa niyang libro.

"Luke, tutal, nakilala mo naman ako noon. Sa tingin mo, okay lang kung sasali ako sa music org? Random thought lang." biglang sabi ko sa kanya. Kanina pa talaga akong hindi mapakali sa org na yun at feeling ko kailangan kong sumali.

"Maganda ang boses mo, why don't you try it?" tanong niya. Napaisip ako ulit bago nagpatuloy sa drawing ko. Kaya nung uwian ay niyaya ko sina Kae, Kly, at Ren para mag-audition sa music org pero sadly, ayaw nila. Wala akong nagawa kundi pumunta doon mag-isa. Kaya ko naman mag-isa eh.

Ilang estudyante ang naroroon. Iba't ibang kurso at iba't ibang year. Tahimik lamang ako nung pumasok ako sa loob ng auditorium. Nakakabagot naman. Sana pala hindi na lang ako sumali. Pero since nandito na ako, hindi na ako aalis. Nagkaroon ng konting discussion tungkol sa background ng music org at pati na rin ang hilig sa music. Nagkaroon din ng mga intermission mula sa mga lumang miyembro ng org.

Dahil nasa may gilid ako ng auditorium, napansin ko agad ang isang lalaking kakarating lang na nag-aayos ng buhok. Naka-jersey ito at may hawak pang bola sa kaliwang kamay. Dumiretso lamang ito sa pwesto ng mga lumang miyembro at umupo na rin doon. Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga babae sa likod ko.

"Ang gwapo talaga ni Ash." bulong nung isa at sumang-ayon naman iyong katabi niya. Iyong lalaking kapapasok lang ba ang tinutukoy nila? Kasi kung iyon nga, sumasang-ayon ako. Malakas ang dating niya at parang suplado na mas nakakadagdag sa awra niya. Hindi na ako magtataka kung maraming babaeng may gusto sa kanya. The looks, plus the voice, paniguradong maganda yan, member ng music org eh.

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon