Chapter 17

67 3 1
                                    

Chapter 17
Cold Johann

Tahimik ako nang pumasok sa loob ng kotse ni Johann. Sandali siyang naiwan sa labas habang nakangiti kay Ash na masama ang tingin sa kanya. Nakakunot ang noo ko nang umikot siya sa kotse para makapasok sa driver's seat. Mahina siyang tumawa pagkaupo.

"He's still the same." mahinang sabi niya ngunit sapat ang lakas para marinig ko bago siya umiling. Mas lalo akong napakunot noo ngunit hindi niya na rin naman dinugtungan ang sinabi niya. Sinimulan niyang patakbuhin ang kotse niya sa mabilis na paraan.

"What do you mean, 'he's still the same'?" tanong ko nang itigil niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hindi niya ako binigyan ng sagot bagkus ay ngumiti lang siya at iniwan akong naghihintay ng sagot mula sa kanya.

Nauna siyang pumasok sa bahay namin. Napatingin lamang si Mama sa akin nang pumasok ako kasunod ni Johann. Hindi na gaya noon na may duda ang mga tingin niya sa tuwing nagkakasabay kami ni Johann pumasok sa loob ng bahay. Siguro ay nasanay na rin siya. Para na rin kasi itong bahay ni Johann na inuuwian niya. Napapadalas na talaga siya dito sa bahay namin.

Dumiretso ako sa kwarto dahil wala ako sa mood na makipagkwentuhan sa baba. Napaisip ako sa inasta ni Ash kanina sa labas ng school. Matalim ang tingin niya kay Johann, ganoon din naman si Johann sa kanya. Matapos ang pataliman nila ng tingin ni Johann ay inilipat niya ang tingin sa akin na tila nagtataka. Sa kanyang mga mata ay may nakita akong kakaibang emosyon na bigla rin namang nawala. Nag-iwas siya ng tingin bago lumapit kay Johann. May ibinulong siya kay Johann dahil para sarcastic siyang napatawa. Hindi ko narinig iyon ngunit pagkatapos tumawa ni Johann ay umalis na rin agad si Ash at bumalik na sa sports car niya. Hinila na rin ako ni Johann pagkatapos.

"Bakit mukha siyang nagseselos kanina?" tanong ko sa sarili ko at pabagsak na humiga sa kama ko. I swear, nakita ko ang pagseselos sa mga mata niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero bakit naman siya magseselos?

Ginulo ko ang buhok ko at nagpapadyak dahilan para magtaka si Kuya sa akin nang pumasok siya sa kwarto. Hindi ko siya pinansin at dumapa na lang ako sa kama. Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga mata ni Ash ngunit kahit sa pagpikit ko ay iyon pa rin ang aking nakikita. Sa hindi malaman dahilan ay padabog akong napaupo sa kama. Gulong gulo na ang buhok ko at pati ang damit ko ay nagusot na rin dahil sa pagpapagulong-gulong ko. Napailing na lang si Kuya nang makita ako habang nakahiga siya sa kama niya.

"Wala na si Johann?" tanong ko sa kanya kaya ngayon ay naka-ngising aso siya. Nagtatanong lang eh.

"Nagtatanong lang ako. Masyado kang ano d'yan eh. Curious lang kasi ako sa isang bagay." depensa pero hindi pinansin ang pagpapaliwanag ko. Bahala na nga siya, dadaldalin ko na lang siya.

"Kilala mo naman siguro si Ash Reyes. Alam mo ba kung paano sila nagkakilala ni Johann?" tanong ko sa kanya ngunit niya ako pinansin. Tutok siya sa cellphone niya at seryoso ang mukha niya. Nainis ako dahil mukha lang akong nakikipag-usap sa wala kaya binato ko siya ng isang unan. Inis siyang napatingin sa akin bago binato pabalik ang unan. May itina-type siya sa cellphone niya bago niya ibinaling ang tingin sa akin.

"Childhood friends ata sila. Ewan ko, hindi niya naman nakukwento ang tungkol doon. Isang beses na napunta ako sa bahay nila, nakita ko yung isang picture frame noong bata pa sila kasama ang isang batang babae rin. Nakita ni Johann na tinitingnan ko iyon at pabiro niyang sinabi na si Ash Reyes daw ang kasama niya na parang isang malaking joke na nakasama niya sa picture si Ash." sagot niya habang nakatingin sa cellphone niya. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Saan kaya nakalagay ang picture frame na iyon? Bakit hindi ko nakita noong pumunta ako nung birthday ni Johann?

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon