Chapter 11

111 8 3
                                    

Chapter 11
Birthday

"30 minutes break, guys!" sigaw ni Erin, ang aming director sa musical play.

Despite of the weather, nagawa pa naming ituloy ang practice kahit na maulan. Nang lumabas ako sa bahay kanina ay sobrang lakas ng ulan. Narinig ko sa balita na may paparating na bagyo. Nakakapagtaka nga lang dahil September na, tsaka pa lamang dunating ang bagyo. Palagi kasing August ang dating ng mga bagyo. Hindi ko alam kung nay pinipili ba silang buwan o ano.

Kumakain kami ngayon ni Freya sa cafeteria ng school. Open ang cafeteria rito kaya rinig na rinig ko ang malalakas patak ng ulan.

"Kung wala lang practice, siguro mahimbing pa rin ang tulog ko ngayon." ani Freya at humikab. Totoo namang nakakaantok talaga at masarap matulog kapag malakas ang ulan.

After 20 minutes ay bumalik na rin kami sa auditorium. Saktong pagbalik namin ay nag-anunsyo na ulit si Erin na magsisimula na ulit ang practice.

Habang nagpapractice kami ay nawalan ng wisyo si Ash kaya naman ngayon ay nayayamot na si Erin. Nakailang ulit din kasi kami sa scene niya dahil nakakalimutan niya palagi ang gagawin at kakantahin niya. Nagsorry lamang siya bago napatingin sa akin. Kita ko sa mukha niya ang pagod. Naabutan ko kasi siya kaninang umaga pagkarating ko na nakasuot pa ng jersey shorts at may hawak na bola. Mukhang kagagaling lamang sa training nila. Napagtanto ko ring nagtraining nga siya nang makita ang iba pang Thundercats na pagala gala sa school kahit na malakas ang ulan.

Nang matapos ang practice ay nagtulong tulong kami sa pag-aayos ng mga gamit at costumes. May mga gumagawa pa rin ng props hanggang ngayon. Kukunin ko na ang isang may kalakihang props namin nang bigla itong hawakan din ni Ash. Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.

"Ako na. Halata sa'yong pagod ka." sabi ko bago ako nag-iwas ng tingin. Binuhat ko iyon pero kinuha niya sa akin. Nagkalapit ang mukha namin. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay naamoy ko na ang pabango niya pati ang hininga niyang amoy mint. Saglit kaming naging ganoon nang may tumawag sa kanya ng malakas.

"Ash!" napatingin kaming pareho sa entrance ng auditorium. Napailing ako at napapikit nang makita si Trisha na masama ang tingin sa akin. Kung magagalit siya at pagsasalitaan ako ng kung ano, wala ako sa mood.

"What are you doing?!" pasigaw na tanong ni Trisha at hinawakan ang braso ko para maiharap ako sa kanya. Walang reaksyon akong tumingin sa kanya.

"Are you seducing my boyfriend?!" pasigaw na tanong niya dahilan kung bakit napatingin ang iba naming kasamahan sa drama club. Agad na lumapit si Freya sa amin.

"Ask him if he's seduced." walang gana kong sabi at hinarap ang mga props na dinadala ko kanina. Binuhat ko iyong isang props na hawak namin kanina ni Ash at naglakad palayo sa kanilang dalawa.

"Aba't!" susugod pa sana siya kung hindi lang siya pinigilan ni Ash. There's no way I will seduce Ash. Alam ko kung saan ako lulugar.

"No. Don't stop me. Nilalandi ka niya! And what? Kung hindi pa ako dumating ay maghahalikan na kayo?!" inis na sigaw niya. Uminit ang ulo ko dahil sa narinig ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero nauubos na yung pasensya ko. Binitawan ko yung hawak ko at humarap sa kanya.

"Ayaw ko ng away, Trisha. Pero pwede ba? Wala ka dito kaya hindi mo alam ang nangyari atsaka alam ko kung saan ako lulugar! Hindi naman ako desperada para patulan ang isang lalaking alam kong may karelasyon na!" inis kong sabi sa kanya atsaka ko kinuha ang gamit ko at lumabas na sa auditorium. Iniwan ko na silang lahat doon. Magsosorry na lamang ako bukas sa inasta ko. I can't stand being with that immature girl! Naturingan siyang mas matanda sa akin pero napaka-immature.

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon