Chapter 18

45 2 0
                                    

Chapter 18
I'm...

Nakatagilid ang ulo ko nang pumasok ako sa village namin. Kahit na binati ako ng guard ay hindi ko rin siya gaanong napansin dahil sa pagiging pre-occupied ko. At dahil doon ay hindi napansing may nakasunod pala sa aking lalaki. Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang nanggulat si Luke na kanina pa pala akong sinusundan.

"Sasakalin na kita sa susunod na gawin mo iyan!" inis kong sabi habang nakahawak pa rin sa dibdib ko dahil sa gulat. Natawa lang siya at sinabayan ako sa paglalakad.

Tahimik lang kami habang naglalakad. Patuloy ko pa ring iniisip ang nakita ko kanina tagpo nina Alex at Johann. Posible kayang siya iyong sinasabi ni Kuya na kasama nina Johann sa picture frame na nakita niya? Kung siya nga... posibleng... hindi naman siguro?

Napabalik ako sa wisyo ko nang biglang mag-snap si Luke sa harap ko. Hindi ko napansing napatigil pala ako sa paglalakad at pati siya ay nagtaka sa paghinto ko.

"Sa kabilang street ka pa, bakit tumigil ka dyan?" nagtatakang tanong sa akin ni Luke. Tiningnan niya ako na tila nananantya.

"Wala. Wala." sagot ko naman at nagpatuloy sa paglalakad. Naiwan naman si Luke na nakatayo doon dahil sa street na iyon siya nakatira. Napailing na lang ako para mawala ang lahat ng naiisip ko.

Nang makabalik ako sa bahay ay walang tao kaya nagdesisyon akong matulog na lamang kaysa magpakalunod sa pag-iisip tungkol sa nakita at mga hinala ko.

Nang sumapit ang Lunes ay tamad na tamad akong pumasok. Hindi ko alam kung bakit nawawalan na ako ng gana sa mga ginagawa ko. Kaninang umaga, nakailang tanong si Mama sa akin kung ayos lang daw ba ako. Ayos lang naman ako pero may kakaiba akong nararamdaman sa sarili ko.

"Ish!" ani ng katabi ko na nagpagulat sa akin. Napatingin ako kay Kae na tumatawa ngayon dahil siguro sa naging reaksyon ko. Napairap na lang ako at napabuntong-hininga.

"Bakit ba tulala ka? Girl, dumaan kanina si Ash. Sayang hindi mo nakita." aniya. Napalingon ako sa kanya at napasimangot. Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking puso. Parang may kirot at panghihinayang ang puso ko na hindi ko naman maintindihan.

"May problema ka ba, Aiesha? Ang tahimik mo. Nakakapagtaka." dagdag niya pa. Napailing na lang ako sa tanong niya.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase. Kanina pa akong kinakalabit ni Kenzie upang magtungo na kami sa gym para sa last class namin. Ang sabi niya'y mayroon daw kaming volleyball game ngayon para sa exam namin.

Pagkarating namin sa gym ay abala ang lahat sa pagbibihis. May mga ibang nagwawarm-up na sa tingin ko ay hindi naman namin kaklase. Sabay kaming napalingon ni Kenzie sa isang direksyon kung saan may mga nagkukumpulang mga lalaki. Napailing na lang kami nang makita ang isang nakatalikod na babae na tila pinagpipyestahan ng mga lalaki. Sabay kaming nagtungo sa locker room.

"Sabi ni Prof, we're going to have a volleyball tune up game with Professor Clark's class. At balita ko may magaling na player daw doon from States pa." dinig ko sa mga kaklase kong nag-uusap sa harap ng salamin. Napatingin naman sa akin ang kausap niya at nginitian ako tsaka lumapit sa akin.

"Don't worry, guys. Nandito naman si Aiesha. We can do this, right?" aniya at itinaas ang kamay na sinundan naman ng mga kaklase ko. Nakigaya na rin ako sa kanila at nginitian sila.

Ako ang tatayong team captain ng klase namin. At ayon sa mga naririnig ko, malaki raw ang incentives ng class na mananalo. Hindi ko pa alam kung ano iyon dahil na-late kami ng punta ni Kenzie dito sa gym.

"In fairness, ang tangkad nung new student. Balita ko, blocker at spiker daw iyan. Pero don't worry, bukod kay Marge na varsity ng RU at sa new student na iyon, wala naman na akon nakitang magaling maglaro. Marami naman magagaling sa atin." pagpapagaan ng loob ni Kenzie.

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon