Chapter 6

192 12 7
                                    

Chapter 6
Intercepted Worlds

"Aiesha, right?" aniya pagkabitiw ko sa kanyang kamay. Tumango ako at yumuko. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata.

"Ihahatid na kita sa inyo." dagdag pa niya. Walang akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sumakay ako sa shotgun seat ng kotse niya at naghintay hanggang sa paandarin niya ito pero hindi niya ginawa.

"Do you usually go home late?" tanong niya at sinimulang patakbuhin ang engine ng sasakyan. Umiling ako sa tanong niya. Pagkatapos noon ay mabilis niyang pinatakbo ang kotse hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad akong bumaba at dumiretso sa loob. Naabutan ko si kuya na nakasandal sa pintuan at uminom ng tubig. Nilingon niya ako pero hindi ko siya pinansin.

"Bakit kasama mo ang kapatid ko?" tanong ni Kuya sa kaibigan niya nang makalapit ito. Hindi ko na nasundan pa ang sagot nito dahil umakyat kaagad ako. Sa sobrang takot at lungkot ay nakatulog agad ako. Hindi ko na nagawang i-practice ang kanta at mag-aral pa para bukas. Ilang plates din ang kailangan kong gawin pero hindi ko na ito nagawa.

Kinabukasan ay nagpasya akong magpahuli sa klase. Nang makarating ako sa school ay napagtanto kong 3rd subject ko na. Nagmamadali na ako sa paglalakad habang bitbit ang sandamakmak kong gamit nang makasalubong ko si Liam sa main campus ng school.

"Aiesha, Miko recommended you for our musical play on October. Bawal tumanggi. See you on our meeting later!" aniya at kumindat. Naiwan akong nakatulala at isinautak ang sinabi niya.

Kasali ako sa musical play? What?

"Ish! Kasali ka sa musical play ng drama club, right? I saw your name on the list ng mga kasali." bungad sa akin ni Freya nang mapadpad ako sa field. PE class pala nila ngayon. Ibinalita niya sa akin na kasali rin siya. Umalis agad ako doon nang matanto na malapit na akong ma-late sa next class ko. Tumakbo na ako hanggang sa marating ko ang last class ko. Mabuti na lang at hindi pa dumarating ang professor.

Pagkatapos ng last class ko ay dumiretso na agad ako sa auditorium ng drama club para sa sinasabing meeting. Nalaman ko kanina sa aking kaklase na miyembro ng drama club na Beauty and the Beast pala ang musical na ipeperform sa October. Mayroon pa kaming 2 months para magpractice. Hectic nga lang para sa mga member ng music org na kasali sa event next month.

"Hi." ani Liam sa microphone nang makumpleto at magsimula ang meeting.

"As some of you know, we will be performing Beauty and the Beast for the musical on October. Para sa meeting na ito, we will be assigning the casts based on the performance na ipapakita niyo ngayon hanggang bukas. Then later on, we'll give you the script." paliwanag ni Liam habang nakangiti. Nagkaroon ng bulungan ang mga taong naririto at napabuntong hininga naman ako. Bakit ba ako kasali dito?

"Aiesha, I'll nominate you for Belle." ani Freya at nagtaas ng kamay. Pinigilan ko siya nang mapatingin si Liam sa kanya. Sinenyasan ko itong walang ibig sabihin ang pagtataas ni Freya ng kamay.

"First things first. We'll do an audition for the casts. Any song will do. We'll give you three lines and you need to enact it. At bago ang lahat, we'll start with the Thundercats na narito." dagdag pa niya at napatingin ako sa likod. May Thundercats dito? Nahanap ng mga mata ko ang taong hinahanap ko. He's here.

Nakita ko ang pag-akyat ni Ash sa stage. Narinig ko ang mga tilian ng 'fans' niya. Natawa siya nang mapatingin sa crowd at nakipag-apir kay Liam bago pumunta sa gitna ng stage. Sinenyasan niya ang pianist kung anong kanta ang tutugtugin nito.

Walking down 29th and park

I saw you in another's arm

Only a month we've been apart

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon