Tati
"Buti bumalik ka na dito! Alam mo, halos araw araw dito kumakain yang si Jae. Lagi ko nga kinukulit na dalhin ka naman dito.."
Napatingin ako kay Jaehyun na biglang umubo at umiwas ng tingin.
Lagi siyang kumakain dito?
"Ahh.... nabusy na po kasi ako eh," I answered.
"Oo nga raw at busy ka sa pagaalaga ng anak niyo. Akalain mo nga naman at kayo talaga ang nagkatuluyan. Kailan ba kayo ikakasal?"
Ha?
"Po? Hind-"
"Mang Sol, upo na kami," biglang sabi ni Jaehyun at naglakad papunta sa isang lamesa, iyong malayo sa table na lagi namin inuupuan dati.
I gave an apologetic smile to Mang Sol before heading towards Jaehyun.
Nakatingin siya sakin kaya umirap ako bago umupo sa tapat niya.
"Matatanggal yang mata mo kakairap mo sakin," sabi niya.
"Ano ba kasing paguusapan natin? Pwede namang itext."
"Bakit? Ayaw mo akong makita?" he smirked.
Ang ugok na to.
Ano kayang nakain nito at akala niya close na ulit kami?
"Ano nga?"
Naiinis na ko ha, konti na lang, hahalikan ko na to.
Ano raw?
Gaga, anong hahalikan?!
"Bakit ganyan ka makatingin?" sabi niya.
Napakurap ako at patagong kinurot ang sarili ko.
Ano ba tong mga iniisip ko.
"Di ako nakatingin sayo, feeler," bulong ko.
Sumimangot siya at tumayo para umorder ng pagkain. Ni hindi man lang ako tinanong anong sakin!
Tatayo na sana ako para umorder ng pagkain ko nang bumalik siya na may dalang dalawang putahe.
BINABASA MO ANG
Co-Parenting (Jaehyun AU)
RomantizmThe young Tatiana or Tati had no other wish than to have a complete and happy family with her then boyfriend, Jaehyun. Not until he gave her Tami, until they decided to live together, until they started getting to know more of each other. It started...