"Hay! Salamat! It is a new day today!", ang medyo malakas na sigaw ni Dianne, habang bumabangon sa kanyang higaan. "Magdadasal muna ako at papasalamatan ko si Daddy God para sa isa pang second chance at isa pang araw na binigay niya sa akin.", dagdag pa nito.
Umalis ng higaan si Dianne, lumuhod at nagdasal. Habang nagdadasal ay nagising naman si Johanna.
"A new day! Thank you Daddy God!", sigaw ng kakagising at kagaya ng ginawa ni Dianne, lumuhod din si Johanna at nagdasal. Kaya lang, si Dianne ay nagdadasal malapit sa kama niya, habang si Johanna ay nakagawian na magdasal malapit sa bintana, pero hindi naman siya nakikita sa labas, dahil may makapal na kurtina na nakakabit sa bintana.
"Thank You Jesus. Ikaw na po bahala sa akin ngayong araw na ito. Guide me at tulungan po Ninyo ako. In Jesus Name. Amen!" Malambing ang pagkakasabi ni Dianne ng mga katagang iyon. Tinapos niya ang prayer with a big Amen and, of course, with a big smile, because she knows that God will help her throughout the day.
Unang natapos si Dianne na magpray at pagkatapos ay inayos ang kanyang hinigaan at tsaka pa lamang bumaba para kumain ng breakfast. Sumunod sa kanya si Johanna na tumayo pagkatapos magpray, kinuha ang cellphone sa table at tsaka dumiretso pababa para kumain nang almusal.
Pagbaba niya ay nakita niya na tatatlo pa lamang ang tao sa lamesa at iyon ay sina Charlie, Marc at Dianne. Umupo si Johanna sa kabisera ng mesa at agad-agad ay binuksan ang twitter upang magtweet.
"Huy! Ibaba mo muna iyang cellphone mo. Magpray muna tayo bago kumain." Binawalan siya ni Dianne at sabay tinapik niya ang kamay ni Johanna na may hawak ng cellphone.
"Okay. Calm down. Haha...", ang pabirong sabi ni Johanna.
Napa-ilíng na lang si Dianne at tsaka naglead ng prayer. After magpray ay kumain na sila.
"Ano ba ulam natin?", tanong ni Johanna.
"Uhmm... Eggs, bacon and pancake.", ang mabilis na sagot ni Charlie.
"Ahhh... Eh? Nasaan ang bacon?"
"Niluluto pa daw sabi ni...", ang sagot ni Charlie, pero naputol nang may sumigaw.
"Ito na! Ang bacon!", sigaw ni Ate Cherry.
"Hi Ate Cherry!", ang malakas na pagbati ni Johanna.
"Hi Ate Cherry.", ang mahina namang pagbati ni Dianne.
"Oh... Ito na ang bacon.", ang malumanay na sabi ni Ate Cherry.
"Uhmm... Ate Cherry. Kain na po kayo.", ang mahinang alok ni Marc.
"Ay hinde!", ang malakas na pagtanggi ng ate. "Kain na kayo. At tsaka maghahanda pa ako ng juice. Sige go lang. Sabay-sabay na lang kami kakain nina Ate Cristy."
"Ahhh... Sige po. Kayo po bahala.", ang sabi ni Marc.
"So, Dianne. May lakad ka mamaya?", ang naku-curious na tanong ni Johanna.
"Uhmmm... Meron. Bakit?", ang sagot ng pinsan.
"Wala lang magsha-shopping sana tayo, pero may lakad ka pala."
Tumango si Dianne at humiwa ng bacon at kinain.
"Ay! By the way!", ang sabat ni Johanna. "Ano lakad mo mamaya?"
"Imi-meet ko ngayon ang isang friend."
"Friends!? Sino? May kakilala ka na ba rito sa America? Well, except sa family natin.", ang nagulat na sagot ni Hannah.
"Oo. Kilala mo yung lalaking nagbalik sa akin ng wallet?"
"Lalaki!", ang nagulat na sabat ni Marc. "Aba! Kakarating ninyo lang sa America, nakikipaglandian na agad kayo?"
BINABASA MO ANG
Unknown Love Story
Teen FictionReminder: Sorry po kung medyo hindi fluent ang english. "YOU CAN FORGET. BUT CAN YOU ERASE?" Forgetting something is easy, but erasing it completely from your memory is hard. Have you been on a foreign country? Have you ever felt something strange...
