Chapter 2: The Flight

48 2 0
                                    

"Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Yes! Yes! Yes! Hindi ko akalain na magigising ako ng maaga. Grabe 4:00 pa lang ng umaga, bukas na bukas na mata ko. Syempre, nakapagpray na ako. At share ko lang, hindi ako nilalamig. Bakit ko nasabi ito? Kasi, hindi ako sanay na gumising ng maaga tapos mainit. Palagi malamig tuwing nagigising ako nang maaga noong High School pa ako. Ngunit, since summer ngayon. Tiisin ko na lang ang init."

"Okay balik sa story. Grabe talaga. Hindi ko akalain na ito na ang araw. Time to go na. See you later USA. Hahahaha... Naka-ayos na lahat ng gamit ko. Nang i-check ko ulit ang bagahe ko. Nagulat na naman ako. Nakita ko na naman kasi ang laki at dami ng bag ko. Dalawang malalaking bag ang dala ko at ang isa maleta pa. Mukhang punong-puno. Haha... Ay! Oo nga pala. Aayusin ko pa nga pala ang aking mga gadgets and charger. Baka kasi malimutan ko pa eh. Okay... Mamaya na lang ulit, Dianna."

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay inayos na ni Dianne ang kanyang mga gadgets para mamaya ready na siya. Pagkatapos ng pag-aayos niya ay naamoy niya na may niluluto sa kusina at naisip niya na ang kanyang mommy ang nagluluto at kasabay noon ay nagising naman ang daddy niya.

"Daddy! Good morning!", medyo malakas na sabi ni Dianne.
"Anak. Good morning din. Bakit parang ang sigla-sigla mo.", patanong na sabi ng daddy niya.
"Daddy, kasi excited lang ako."
"Ahhh... Okay. Bilisan mo. Gisingin mo muna kuya mo at tsaka si Peter. Aalis tayo ng 7:00 am. Kaya magready na kayo at alalahanin ninyo ang mga dadalhin ninyo, dahil kapag may nalimutan, hindi na natin mababalikan. Okay?"
"Okay po, daddy. Sige po gisingin ko na po si kuya."
"Sige, anak."

Pumunta si Dianne sa kwarto ng kuya Aldrin niya. Siyempre, kagaya nang dati, ang hirap gisingin ng kuya niya.

"Kuya! Huy! Gising na! Aba! Huy! Gising!"

Wala pa rin. Gumagalaw lang siya, pero hindi tumatayo.

"Edi wow, kuya! Kilitiin ko kaya siya sa paa. Haha... Tama!"

Pumunta siya sa paanan ng kuya niya at kiniliti niya.

"Oh, iyan kuya. Gising! Sige lalo kitang kikilitiin. Susunod niyan sa beywang na ako mangingiliti."
"Hahahahahahaha... Sige na! Sige na! Babangon na ako."
"Iyon naman pala eh. Kailangan pang kilitiin eh. Sige, pumunta ka na lang sa dining table. Nandoon na sila mommy at daddy."
"Okay..."

At lumabas na si Aldrin sa kwarto niya. Sumunod naman ay ginising niya ang bunso niyang kapatid. Nasa kwarto ng mommy at daddy niya si Peter, kaya doon siya pumunta.

"Peter. Gising na... Huy Peter!"

Medyo ginalaw-galaw lang ni Dianne si Peter at nagising na ito.

Sabay silang pumunta sa dining table at pagkaupo nila ay dumating na sila Ate Cherry at Ate Cristy. Ang magkapatid na kasama nila sa bahay.

"Hi ate Cherry at ate Cristy!"
"Hi din, Dianne.", sabay na sabi nina ate Cherry at ate Cristy."
"Ready na ba kayo pumunta sa US?", tanong ng tatay niya.

Ang lahat ng nasa hapag-kainan ay sumigaw nang "OPO!"

Pagkatapos ay may sumabat. May dala-dala siyang pagkain. Ang sabi niya...

"Ako, last week pa ako ready."
"Mommy!" Natutuwang sigaw ni Peter.
"Oh, ito. Kain na kayo. Cristy, kunin mo nga daw ang plato. Nakalabas na iyon."
"Okay po, ate.", malumanay na sabi ni ate Cristy.
"At ikaw naman, Cherry, pakikuha nga daw yung kanin at inumin."
"Sige po, ate.", sabi ni Cherry.

Nag-cr naman si Aldrin nang lumabas ang dalawang inutusan. Pagkatapos, ay nagsibalikan na ang lahat ng tao sa hapag-kainan at kumpleto na ang lahat ng gamit.

"Sige, Dianne, lead the prayer.", sabi ng daddy niya.
"Sige po. Okay let's pray."

Nagpray sila bago kumain at pagkatapos ng prayer ay nagsikain na silang lahat. Sa kalagitnaan ng kanilang kainan ay dumating na ang iba nilang kapamilya na sasama rin sa America.

Unknown Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon