Author's Reminder and Prologue

88 0 0
                                    

Maikli lang naman ang reminder ko. Kagaya ng nasa summary. Sorry kung medyo hindi fluent ang english ko at sorry din kung may mali ako sa mga terminology o kaya naman ay sa grammar. At may paalala lang din ako. Personally, hindi pa ako nakakapunta sa USA, kaya hindi ko alam ang pangkalahatang lifestyle nila. Konti lang ang alam ko sa kanilang pang-araw-araw na buhay. At sorry ulit, kung medyo magkakaroon ng Filipino Lifestyle sa ibang karakter na Amerikano, dahil nga medyo blanko ako sa pamumuhay nila. Iyon lang. Enjoy po sa pagbabasa.

Prologue:
Ito na! Malapit na magbakasyon. Hay, salamat! Makakapahinga na rin ako sa mga stress na dala ng school. At excited din ako sa pagpunta namin sa USA. Buti pala scholar ako sa University of Santo Tomas o mas kilala sa UST. Marami tuloy naipon si daddy para sa aming paglipad sa America. Masaya nga iyon, dahil ang kasama ang extended family. Edi, may makakasama naman pala akong mga pinsan. Noong una kasi akala ko kami lang na nuclear family ko, kaya medyo nawalan ako ng gana kasi konti lang. Ang gusto ko kasi yung maramihan. Yung full force. Hahaha...

Ang sabi sa akin ni daddy, mga isang buwan o mahigit kami sa America. Aalis kami sa ika-25 ng Abril at siguro ay babalik kami ng mga ika-30 ng May. Since, matagal pa naman ang pasukan namin ni kuya sa mga universities ay pina-extend na ni mommy ang bakasyon kay daddy. Si Peter naman, ang bunso kong kapatid ay naka-enroll na sa isang school kaya, ok na siya, wala na silang poproblemahin kay Peter. At, nakuha ko na rin naman ang card ko.

Sorry kung napapahaba ang explanation ko. Haha... Ano ba sa tingin mo ang mangyayari sa akin sa America? May makikilala kaya ako? May magiging close friend ba ako doon o baka naman acquaintance lang? Curious kasi ako. May mararamdaman kaya akong strange feeling pagtapak ko sa lupain ng mga Amerikano. Hmmm... Wala akong maisip. Basta nasagot na ang tanong ko na ito. Have you ever been on a foreign country? My answer will be soon. Malapit na. Konting hintay na lang.

Ay! Alas-diez na pala ng gabi. Hahaha... Nalibang ako sa pakikipag-usap sa'yo. Pero, maya-maya na ako matulog. May kukwento pa ako. Buti pala may tito ako sa America. Nakatira siya sa California. Sacramento, California to be precise. Nang malaman ko nga iyon, napasabi na lang ako na, "Bakit hindi pa sa Los Angeles? Tutal nasa California na nakatira." Napatawa lang si mommy at daddy sa sinabi ko. Hay! Bakit kasi hindi na lang sa largest city of California nakatira si Tito Frederico. Well, iyon na eh. Wala nang balikan. Hahaha...

Excited na ako pumunta. Excited na ako may makilalang ibang tao. Pero... Bakit parang kinakabahan ako? Hindi ko alam. Itutulog ko na lang. Sige, goodnight at maaga pa bukas. Graduation na eh. Dapat maghanda. Hehe...

Your friend,
Dianne Dominguez

Unknown Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon