Chapter 5: Callum Dale (Part 1)

24 1 0
                                    

"Dianna, bakit ganun. Parang nakita ko na siya eh, si Callum. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Familiar talaga sa akin ang mukha na iyon. Hmmm... Isip Dianne, isip. Ang hirap isipin. Naku! Mamaya na lang iyan. Dapat hindi ako ma-istress, kasi bakasyon nga ito. Dapat pinapahinga ko ang aking utak at baka hindi kayanin. Hahaha...

Pero, Dianna, grabe, ang tangos ng ilong ng Callum na iyon at hindi lang iyan ang puti pa niya at ang tangkad. Nanloit nga ako sa sarili ko nang kinausap niya ako eh. Ano sa tingin mo Dianna? Dapat ko ba siya kaibiganin o stick to my family na lang ako ngayong bakasyon na ito. Kasi, nasa ibang lupain ako. Hindi ko alam ang mga nangyari at nangyayari rito. Ano sa tingin mo? Sumali ako sa daily cycle ng America? Ngayong bakasyon lang naman eh. Hahaha..."

At biglang nakarinig ng sigaw si Dianne,

"Dianne!"
"Dianne!"
"Dianne!"

"Ay, oh!", reply niya.

"Huy, kanina ka pa tinatawag doon sa counter, ready na daw ang frappe mo.", ang paliwanag ni Johanna.

"Ay, ganun ba. Sige, puntahan ko muna." At umalis si Dianne sa table nila at kinuha na niya ang in-order niya. Pagbalik niya ay...

"Sino ba kasi ang katext mo?", ang tanong ni Courtney.

"Wala! Kachat ko lang ang isang friend ko.", ang mahinang sagot ni Dianne.

"Sino? Si Dianne, ang bestfriend mo!", ang malakas na sabi ni Johanna. "Huwag mo muna siya intindihin. Nasa America ka. Make friends here. Siguro naman maiintindihan ni Dianna iyon. Kung talagang bestfriend mo siya, she'll understand.", ang naging malumanay na paliwanag ni Johanna.

"Eh, sino naman ang kakaibiganin ko rito? Eh, kayo lang naman ang kilala ko sa foreign land na ito.", ang mataray na tanong ni Dianne.

"Edi, yung gwapo kanina. Si Callum.", ang sagot ni Johanna na may halong bungisngis at kilig ang pagsasalita.

"Eh... Nagbalik lang naman ng wallet, kakaibiganin agad. Hindi naman natin talaga siya kilala."

"Dianne, iyun yung point of making friends. Lahat naman ng kaibigan mo, sa simula, hindi mo kilala ah. Naging matapang ka lang at kinausap mo sila, tapos sa paglipas ng panahon ay naging close kayo, tapos naging friends na kayo at kung mas close pa, bestfriends.", ang sabat ni Courtney at halatang may concern kay Dianne. "Sigurado naman ako na ganyan din ang simula ng friendship ninyo ni Dianna.", ang dagdag niya.

Natahimik at napaisip si Dianne. "Oo nga noh. Tama kayo. Sige. I'll make multitudinous friends here at America." At narealize na niya ang bagay na iyon.

"Wow naman, Dianne. 'Multitudinous'. Big word. At least nasasanay ka na sa pagsasalita ng mga unusual english words.", ang sabat ni Daryll na may halong halakhak.

"Ikaw talaga Daryll. Ang hilig mo magjoke, pero tama ka. Nasasanay na ako sa mga 'unusual english words'.", ang reply ni Dianne.

"Siyempre naman noh. Dapat masanay ka na sa english. Isama mo na sa pang-araw-araw na buhay mo.", ang biglang sabat ni Courtney at may tapik sa balikat ni Dianne.

Nagulat at nagreact si Johanna sa sinabi ni Courtney at sinabi, "Grabe, araw-araw agad. Ngayong bakasyon lang noh. Diba, Dianne?"

"Tama, Johanna.", ang pagsang-ayon ni Dianne at nag-apir sila ng pinsan niyang si Johanna.

"Okay, tama na iyan. Kain na tayo, para maka-uwi na tayo agad at baka hinahanap na tayo sa bahay.", ang sabat ni Daryll para paalalahanan ang mga pinsan niya.

"Sige.", ang sagot ni Johanna at tumango lang sina Dianne at Courtney.

So, kumain na sila para matapos na agad sila. After, ay nagtawag ng taxi si Daryll at sumakag na lang sila pauwi, dahil may mga dala-dala na silang mga gamit na nabili nila sa mall.

Unknown Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon