Chapter 3: Unknown Land

58 1 0
                                    

"Dianne! Daryll! Pakinggan ninyo!", medyo malakas ang boses ni Johanna ng sinabi niya ito. Sa lakas ay nagising ang dalawa niyang katabi.
"Bakit ba Johanna?", medyo matamlay na inaantok na sagot ni Daryll.
"Oo nga, Johanna. Ano meron?", parang kay Daryll din ang pagsasalita ni Dianne.
"Basta pakinggan ninyo ang sasabihin ng piloto."

Pinakinggan nila ang sasabihin ng piloto.

"I repeat. We are about to land in the Sacramento International Airport."

Napangiti silang tatlo, natuwa at biglang nagkaroon ng sigla.

"Nandito na pala tayo.", medyo malakas na sigaw ni Dianne.
"Masyadong excited, Dianne.", ang kontra ni Daryll.
"Masyado ka namang kontrabida eh, Daryll. Hindi pa pwede sumang-ayon ka naman sa kasiyahan ni Dianne.", ang pagtatanggol ni Johanna. "Pero Dianne, hindi pa tayo nakakababa." At natawa si Johanna.
"Edi wow! Akala ko ba ipagtatanggol mo ako?"
"Oo nga, pinagtanggol naman kita ah."
"Ay naku! Tigil ninyo nga iyan.", ang sabat naman ni Daryll.

Napatawa na lang ang dalawa at kasunod ay tumawa na lang din si Daryll.

Pagkatapos ng ilang saglit, ay nag-landing na ang eroplano.

"Okay, mga bata! Halika na. Bilisan ninyo.", ang medyo malakas na sigaw ni Tito Bernardo.
"Huy, narinig ninyo. Bilisan natin.", nagmamadaling sabi ni Dianne.
"Oo na, Dianne. Ito na po." Medyo sarcastic ang tono ng boses ni Johanna.
"Oh sige. Bilis!"

At nagmadaling nagsibaba ang tatlo. Pagkababa ay tumungo na sila sa labas ng airport.

"Hello! United States of America!", ang napakalakas na sigaw ni Dianne na may halong excitement. Sa sobrang lakas ng boses niya, ang daming tao ang napalingon at nagulat nang sumigaw siya."
"Huy, Anne! Ang lakas-lakas ng boses mo.", ang medyo nagulat na sabi ni Casey na may halong tapik sa balikat.
"Sorry na po, Casey. Kasi, na-eexcite lang talaga ako sa mga possible adventures na mararanasan ko rito. Natin! Hindi natin alam, pero, baka may matutunan tayong mga leksyon dito sa US of A.
"Ano ba yan, Dianne. Hanggang dito ba naman lessons pa rin hinahanap mo. Dapat naman, kahit minsan, mag-have fun ka naman. Tuwing nakikita kita aral ka lang ng aral eh."
"Eh kasi..."
"At may idadagdag pa ako. Nasaan ang US sa A? Ikaw ha? Valedictorian ka pa man din."
"Che, ewan ko sa'yo. Alam mo na iyon."
"Hahahaha... Joke lang naman eh. Ikaw talaga ang bilis mo mapikon."
"Edi wow! Hahahahaha..."

At natawa na silang dalawa habang naglalakad. Pagkatapos ng ilang saglit ay nagsidatingan na ang 3 van ni Tito Frederico nila.

"Wow! Kay Tito Frederico lahat ng iyan?", ang namamanghang tanong ni Daryll.
"Hindi isa lang ang kay Tito Frederico at Tita Paula ninyo. Ang tatlo ay sa mga anak nila.", ang paliwanag ni Tita Leah.
"Ahhh, akala ko po eh..."
"Oo nga. Akala ko rin eh, kina Tito Frederico lahat ng iyan. Sobrang yaman naman nila. Hahaha...", ang pagsasang-ayon ni Casey.
"Pero, kapag pinagsama-sama natin ang lahat ng yaman ng pamilya Sanchez..."
"Oo, Marc. Napakayaman ng pamilya Sanchez, kapag pinagsama-sama natin ang yaman nila.", ang sabi ni Tita Gracia. At may dinugtong pa ito. "Pero, huwag kayong maiingit. Dahil, tayo din naman ay blessed. Lahat naman tayong magkakapamilya ay super blessed.",
"SO BLESSED! Diba Gracia?", may pagmamalaking sabi ni Tita Kara.
"Tama ka diyan, Kara."

At nahalakhak silang dalawa. At sa paghalakhak nila ay nagsibaba na ang mga driver ng van.

"Bernardo!"
"Frederico!"
"Kamusta na kayo?"
"Okay naman, Frederico."
"Oh, mga kapatid! Musta na?"
"Okay naman po, kuya.", sabay-sabay na sagot ng mga tita.
"Namiss ko kayong lahat. Pati kayong mga bata... Ang lalaki niyo na pala. Aldrin! Ang tangkad mo na!"
"Haha... Thank you po.", parang nahihiyang sagot ni Aldrin.
"Dati-rati ay ang liliit niyo pa. Ngayon eh, mas matangkad na kayo sa akin.", medyo proud na sabi ni Tito Frederico. "Ay, Dianne! Congrats nga pala!"
"Ay, thank you po, Tito.", ang medyo mahinang sagot ni Dianne.
"Ang gaganda at ang gagwapo ng mga pamangkin ko. Halika... Sakay na kayo at para maaga tayo maka-uwi."
"Malapit lang ba bahay ninyo rito?", tanong ni Tito Isaiah.
"Medyo malayo, pero hindi naman kalayuan."
"Ahhhh... Sige."

Unknown Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon