"Bakit ko kaya napanaginipan iyon? Yung una, medyo okay lang naman ang pangyayari. Pero, yung pangalawa... Bakit?"
"Huy, Dianne! Ano iniisip mo?", biglang tanong ni Johanna.
"Ay! Wala lang. Hahaha... Natulala lang ako. Huwag ninyo na ako intindihin."
"Sige. Huy, Courtney!", biglang pasigaw na tawag ni Johanna.
"Oh. Why, Johanna?", sagot ni Courtney.
"Naku! Huwag ka nga mag-english. Baka magnosebleed pa ako."
"Sige, Johanna. Hahaha... Ano ba ang gusto mo sabihin?"
"Ahh. Nasaan na ba ang mall? Ang layo ata. Diba sabi mo malapit lang?"
"Oo, malapit na. Lumiko na lang kayo dyan."
"Sigurado kang malapit ma ah."
Lumiko na ang magpipinsan. Ang naunang lumiko ay si Johanna. At sa pagliko niya ay napanganga siya, dahil na-amaze siya at sa pagnganga niya ay napahinto at natulala siya.
"Huy, Johanna. Anyare sa iyo?", tanong ni Dianne.
"Tingnan ninyo kaya ito. Tingnan natin kung hindi kayo matulala.", sabi ni Johanna na may halong pagmamalaki.
"Sige nga. Nasaan ba ang... Ha...!"
Nagulat din si Dianne sa nakita niya.
"Natulala kayo noh, Johanna at Dianne.", sabi ni Courtney.
"Ang laki naman ng mall ninyo rito, Courtney.", sabi ni Daryll na may halong pagkagulat at pagtataka.
"Siyempre, malalaki ang mga mall namin dito sa California. Bilib kayo!"
"Edi wow! Kayo na ang may malaking mall.", sabi ni Johanna na mukhang sarcastic ang pagkasabi.
"Huwag kang mag-alala, Hannah. Mayroon naman tayong Mall of Asia o MOA sa Pilipinas. Pangbuong-Asya ang mall na iyon. Kaya nga Mall of 'Asia' eh.", ang sabi ni Dianne na akala mo ay may concern sa mga mall.
"Oh, ano ba? Ayaw ninyo bang pumasok sa mall.", biglang sabat ni Daryll.
"Oo nga. Tama si Daryll. Halika na, pasok na tayo, para marami tayong mabili.", biglang sang-ayon ni Courtney.
"Oo nga, halika na sa loob at para makauwi na rin tayo.", sabi ni Johanna.
Sumang-ayon na silang lahat at pumasok na sa mall. Sa pagpasok nila sa mall, lalo silang na-amaze kasi ang daming mga stalls, tindahan at kung anu-ano pa katulad ng mga restaurant.
"Grabe naman! Nagugutom na ako.", reklamo ni Dianne.
"Naku nga, Dianne. Gutom ka na naman.", biglang sabi ni Johanna na parang natatawa.
"Panay naman nagugutom iyan. Diba nga kakakain lang natin ng Pic-A at Doritos habang nasa eroplano tapos may dip pang kasama ang chips na kinakain ni Dianne.", biglang sabat ni Daryll.
"Huwag naman kayong bad kay Dianne.", ang pagtatanggol ni Courtney.
"Naku, huwag mo na lang silang intindihin, Courtney. Panay naman nila ako niloloko eh."
"Well, at least, mas may itsura ka kaysa sa kanila."
"Tama, Courtney. Haha..."
At natawa ang dalawang nag-uusap at natahimik naman sina Johanna at Daryll.
"Halika na nga!", sabi ni Johanna.
"Sige, magshopping na tayo.", biglang sang-ayon ni Courtney.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay namili na sila ng mga gamit na gusto nila.
Kung saan-saan sila nagshopping. Mayroon silang nabili rito, roon at kung saan-saan pa. Nakapunta sila ng first floor, second floor, third floor, at fourth floor. Ang kulang na lang pati sa rooftop sila pumunta. 75% ata ng tindahan ang napuntahan nila. At napakahaba ng kanilang nilakad.
Pagkatapos magshopping ay pumunta sila ng third floor at doon nagpahinga sa tapat ng entrance ng sinehan.
"Huy, saan ninyo gusto pumunta ngayon.", tanong ni Courtney.
"Gutom na ako.", sabi ni Johanna.
"Edi, punta tayo ng Starbucks. Nasa first floor iyon, diba Courtney?", sabi at sabay ring tanong ni Daryll.
"Sige! Punta tayo! Ano pa hinihintay ninyo?", ang pagmamadaling sabi ni Dianne.
"Ito talagang si Dianne eh. Pero, papayag ako ngayon. Halika na!", biglang sang-ayon naman ni Johanna.
"Sige, halika na.", sabay naging tour guide si Courtney.
Pumunta sila sa first floor. Sa paglabas nila ng elevator ay nalaglag ang wallet ni Dianne, pero hindi niya ito nahalata kasi nakikipag-usap siya sa mga pinsan niya.
Pero buti na lang ay may nakakita sa nangyari.
"Nathan, look. A girl dropped her wallet. Wait here, while I return it."
"Ok, Callum."
Pinuntahan ng Amerikanong so Callum ang wallet na nahulog at pumunta sa likuran ni Dianne at kinalabit.
"Miss. Is this your wallet?"
"Oh my gosh, yes. Where did you find it?", biglang sagot ni Dianne na medyo nagulat at dahil doon medyo mabagal siya magformulate ng sentence in english.
"I found it near the elevator."
"Oh. Thank you for returning it. By the way, what is your name?"
"I am Callum Dale. And who are you?"
"I am Dianne. Dianne Dominguez."
"Okay. It is nice meeting you, but I'll get going. A friend of mine is waiting for me."
"Okay, bye."
At umalis na ang nagbalik ng wallet.
"Yieehhhh... Dianne...! Gwapo ah!", biglang sabi ni Johanna na may kasamang kilig.
"Manahimik ka nga. Binalik lang naman ang wallet eh. Na-nose bleed nga ako sa pag-uusap namin. Nagulat ako may nag-e-english sa likuran ko."
"Hahaha... Well, at least, may nakilala ka na rito sa America, diba?"
"Tama ka, Hannah. May nakilala na ako."
"Oh ano, tapos na ba kayo mag-usap? Iyan na ang Starbucks oh. Akala ko ba nagugutom kayo?", sabat ni Courtney.
"Ay, sige halika na.", sabi ni Dianne.
"Kayo, porket may nakita kayong gwapo eh..."
"Ano Courtney?", tanong ni Johanna na may halong taray, pati ang mukha ay mataray.
"Wala. Sabi ko, halika na."
"Akala ko kung ano na ang sinasabi mo eh."
At pumasok na sila sa Starbucks, para kumain.
Habang umoorder ay napa-isip si Dianne.
"Parang nakita ko na ang taong iyon? Hmmm... Isip Dianne."
----------------------------------------------
Author's Note:
Ito na ang Chapter 4. Sorry po na masyadong nalate ang update. Yung chapter 5 talaga, iuupdate ko as fast as possible. Haha... Try ko lang naman eh. Yung Hannah ay ang nickname ni Johanna. Reminder lang at baka malito kasi kayo. Hahahaha... Iyon lang. Abangan ninyo ang Chapter 5, dito natin lalong makikilala ang taong nagbalik ng wallet kay Dianne. Sino kaya siya? Magkakaroon kaya ng connection si Callum kay Dianne? Hmmm... Abangan. Haha... Sige, enjoy reading. Godbless. 😄
BINABASA MO ANG
Unknown Love Story
Teen FictionReminder: Sorry po kung medyo hindi fluent ang english. "YOU CAN FORGET. BUT CAN YOU ERASE?" Forgetting something is easy, but erasing it completely from your memory is hard. Have you been on a foreign country? Have you ever felt something strange...