Ngayon ang huling araw ng Marso. Maraming estudyante at mga magulang ang pumupunta sa Jose Rizal High School. Bakit? Kasi Graduation na! Marami ang natutuwa, dahil ito na iyon eh. Matatapos na ang high school. Sisimulan na nila ang totoong buhay. Ang buhay na puno ng diskarte. Ang college! Yung iba naman ay nalulungkot at naluluha na, dahil naman sa kadahilanan na, ito na ang araw na magkakawatak-watak ang mga barkada, dahil mayroon silang sari-sariling kurso sa kolehiyo. Yung iba ay sama-sama pa rin dahil parehas ng course. In short, mixed emotions ang nararamdaman ng mga gagraduate. Pero, sa magulang isa lang ang nararamdaman nila. Sila ay masaya at proud para sa kanilang anak. Lalo naman ang magulang ng Salutatorian at Valedictorian.
Si Dianne Dominguez ay isang 16-year old girl. Siya ang valedictorian ng JRHS sa school year 2014-2015. Matalino siya. May pagkamahinhin at siyempre, siya ay religious. Panay siya nagdarasal, nakikipag-usap at humihingi ng tulong sa Diyos. Ang kaugalian niyang ito at siyempre, dahil sa hardwork niya ang naging dahilan upang maging Rank 1 siya sa klase. Kahit na mabait siya sa lahat ng tao sa eskwelahan na iyon, panay rin siyang nabubully, kaya nga tuwang-tuwa siya nang sumapit na ang araw ng pagtatapos. Pero, may mamimiss din naman siya tulad ni Catherine, Lyca, Daryll at John. Sila ang mga naging tunay na kaibigan ni Dianne simula pa noong first year.
" Nanatili ako sa school ng apat na taon. Sa apat na taon na iyon, ang dami kong natutunan. Kagaya na lamang ng Algebra, Biology, Chemistry, Physics, Trigonometry, Calculus, World History at iba pa. Pero, ito ang isa sa mga tumatak, ang Positive Integers at Negative Integers. Pero, palitan natin ang integers ng ibang variables at lagyan natin ng formula. Halimbawa, meron kang isang Negative na ugali, siyempre, may mga tao na mambabato ng mga Negative na comment. Hindi ba sa Algebra? Kapag ang Negative integer ay minultiply sa isang Negative integer, hindi ba magiging Positive iyon? Ganun din dapat ang ugali natin kapag may Negative kang ugali at binato ka ng Negative na comment dapat sa pagdaan ng panahon ay maging Positive na rin ang ugali na iyon. Huwag mong ipakita sa mga bashers mo na totoo nga ang sinasabi nila. Huwag kang manakit o mambato rin ng bato. Dapat tahimik ka lang at sa katahimikan mo ay binabago mo na iyon ng pakonti-konti. Pero siyempre, humingi ka ng tulong kay Daddy God, dahil siya ang magpapabago sa iyo, "From Glory to glory..."
Iyon ang naging laman ng speech ni Dianne. Naisulat niya iyon at napagdesisyunan niyang gawing speech dahil sa pinagdaanan niya sa buong apat na taon sa JRHS. Pero may naidugtong pa siya.
" At gusto ko nga pala mag-Thank you sa lahat ng tao rito na tumulong upang mahubog ako. Simulan natin sa parents ko, sa mga teachers at advisers, classmates, close friends, church family and more. I also want to thank, as well, all the people, who threw bad comments. Yung mga taong nangbully sa akin at yung mga taong lahat na lang ng sinabi sa akin ay ang aking kamalian, ang lahat na lamang na napansin nila ay ang kamalian ko."
"At siyempre, gustong-gusto kong magthank-you kay Daddy God. Ilan taon ko nang pinagpray ito at ito na nga pinagkaloob na sa akin ng Diyos and I will be forever thankful. I will praise His name. He is the BEST DAD in the whole world."
Marami ang natuwa sa kanyang speech, kabilang na doon ang mga administrators, teachers, parents and, as well as her fellow students. Kasama rin ang mga nang bully sa kanya. Ang iba ay nagbago ang pagtingin kay Dianne. Ang iba naman ay natamaan sa sinabi niya. Ang iba ay "wala lang" para sa kanila at ang iba ay nagtaray bigla nang marinig ito.
Super saya ng araw na iyon para kay Dianne, dahil sa araw din na iyon ay nagdatingan na ang kanyang mga tito at tita at mga pinsan na makakasama niya papuntang America. Nakatanggap din siya ng napakaraming medalya at awards at nakuha na rin niya ang kanyang High School Diploma.
Pagkatapos ng Graduation ay nagkatipon-tipon ang mga magkakaibigan at nagpicture. Ang iba ay nagselfie, katulad ng ginawa nila Dianne. Nagsulatan din sila ng kung anu-anong remembrance sa kanilang mga uniform na suot. Pagkatapos ng pagpipicture ay pinag-usapan nila ang Farewell Party nila at after ng meeting nila ay umalis na rin sila Dianne at ang kanyang mga magulang, kasama si Daryll, ang pinsan niya.
Pumunta sila ng Max's at kumain with the whole family. Ang by whole, I mean talagang whole, with tito and tita and pinsan.
"Daryll, ready ka na ba pumunta ng America?", tanong ni Dianne.
"Oo naman. Ready na ready na ako. Ang iba nga sa dadalhin kong gamit ay naka-impake na eh."
"Sobra naman sa pagka-ready iyan." Nahalakhak si Dianne at Daryll.Nang matapos silang kumain ay may sinabi si Tito Bernardo, tito ni Daryll at ama ni Dianne.
"Sabi raw ni Frederico, okay na raw ang bahay na titirhan natin sa America.", pasigaw na sabi ni Tito Bernardo.
"Salamat naman!", ang naisagot na lamang ni Tita Gracia.Nagsaya ang buong pamilya nila sa sinabi. Marami sa kanila ang lalong na-excite sa pagpunta. Ang iba naman ay nagplano na mag-grocery at shopping. Namayani ang ingay sa Max's.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ang galing. Okay na ang bahay! Hahaha... Excited na talaga ako. Makabili nga ng sunblock para kung magbeach man kami roon. Bibili rin ako ng maraming pagkain. Mga chips, cookies, bread, meat, milk, fish, fruits and vegetables. At siyempre, bibili rin ako ng parang French Tutorial Book. Kasi, doon ko na planong matuto mag-french. Pero, mas gusto ko talagang malaman kung may magiging friends ako roon. Still... Clueless. Sige, goodnight na. Iyun lang. Godbless!"
Your friend,
Dianne Dominguez
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Ito na ang Chapter I. Hahaha... Enjoy reading po. Sana po maintindihan ninyo ang story. Ito yung part ng story na pinakilala lang ang ibang mga karakter. Para siyang continuation ng prologue, pero hindi siya prologue. Hahahaha... It's all about excitement ng isang family na papunta sa isang foreign land. At siyempre, pinakita rin dito ang mga lessons na natutunan ni Dianne. Sa Chapter II, siguro, magsisimula na talaga ang story. Hahaha... Iyon lang. Godbless! 😊

BINABASA MO ANG
Unknown Love Story
Novela JuvenilReminder: Sorry po kung medyo hindi fluent ang english. "YOU CAN FORGET. BUT CAN YOU ERASE?" Forgetting something is easy, but erasing it completely from your memory is hard. Have you been on a foreign country? Have you ever felt something strange...