CHAPTER 7

2.9K 70 19
                                    

NASA kalagitnaan sila ng pagkain nang mag-ring ang cellphone ni Gemma. Pagkatapos nitong makipag-usap ay hinarap sila.

"Sorry, guys. Nasa Robinson's Alabang ang mag-ama ko. Hinihintay ako roon." She tsked. Niyuko ang pagkain at tinawag ang waiter at ipina-take out ang mahigit pa sa kalahating pagkain nito.

"Paano ka pupunta sa Alabang?" tanong ni Faith.

"May mga jeep diyan sa ibaba, don't worry about me and enjoy yourselves, guys."

Mayamaya pa'y iniabot na ng waiter ang ipinabalot niya at nagpaalam na.

"I really like her," aniya.

"Oh, yes. Tatlong taon ko na ring kasama sa lab si Gemma at wala akong masabi," he said patronizingly. Then, "So, what happened to you yesterday?"

"A headache, a severe one. At kapag ganoong labis ang sakit ay nawawalan ako ng malay." She toyed with her food.

"Ganoon ba lagi? Paano kung sinusumpong ka na nasa kalye? It's dangerous, Faith."

Tipid siyang ngumiti. "Bihirang mangyari iyon, Chris. Hindi kasi ako kaagad nakainom ng pain reliever dahil naiwan ko sa bag sa opisina.

"Inihatid ka ni Rand." It was a statement.

Seryoso ang mukha nito at sandaling nasilip ni Faith ang animosity sa mga mata nito.

"Nagkamalay akong naroon si Mr. Villarosa, Chris. Walang masama sa ginawa niya. Kahit ikaw ang naroon ay iyon din marahil ang gagawin mo."

"Naroon ako, Faith. Pero kusa niya akong itinaboy. Alam kong interesado si Rand sa iyo."

Sinimsim niya ang lite beer niya. Pagkatapos ay nag-angat ng mukha. "What about you, Chris?" diretsong tanong niya. "Interesado ka ba sa akin?"

"I like women who are straightforward and not coy."

He smiled with appreciation. Inabot nito ang kamay niya at pinisil iyon. Then said softly, "I made it too obvious, Faith. Unang araw pa lang na makita kita sa lab."

Binawi niya ang kamay. Muling sinimsim ang beer. "Then you should know that all is fair in love and war."

Dumampot ito ng isang pirasong sitsarong balat ng manok at isinubo. He took time swallowing, then, "Rand's my sister's boyfriend, Faith. He let her down once, four... five years ago by marrying another. I can't allow him to
hurt her again."

"At ako ang sa tingin mo'y nakapagitan sa kanila ng kapatid mo?"

"Kung magiging seryoso si Rand sa iyo ay oo. Pero hindi diyan nakabase ang pagtingin ko sa iyo, Faith Bengson. Bago ko pa malamang si Rand ang nag-hire sa iyo ay obvious na ang interes ko, if you noticed."

Of course, she noticed. Pero hindi niya gusto ang interes ni Chris ang pag-usapan nila.

"Hindi ko ipinagtatanggol si Mr. Villarosa, Chris," she said in a conversational tone. "But just for the sake of argument, bakit nagpakasal sa ibang babae si Rand kung mahal niya ang kapatid mo? At kung wala na siyang asawa
ngayon, bakit hindi pa rin niya ito pinakakasalan?"

Nabitin sa ere ang akmang pag-inom nito ng draught beer. Kumunot ang noo sa pagkakatitig sa kanya. Na para bang ang ganoong scenario ay ngayon lang pumasok
sa isip nito.

"Pinag...lalaruan ni Rand si Sofia," he stammered.

"Doesn't Mr. Villarosa have concern and respect for your parents?"

"Well..." Suddenly Faith saw the uncertainty in Chris' eyes.

Then he opened his mouth to say something when somebody caught his eye.

GEMS 31: Hello Again, My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon