CHAPTER 14

3.2K 77 23
                                    

"PLEASE come in," ani Faith nang marinig ang
mahinang katok sa pinto niya.

Pumasok si Clarencia at naupo sa gilid ng kama niya. "Ang sabi ng mama mo'y hindi mo raw gustong maghapunan, hija..."

Mula sa pagkakadapa sa unan ay tumagilid siya paharap sa abuela. "I am not hungry, Grandma. Mas gusto kong matulog na lang."

"Tiresome day?" Her grandmother probed. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "Ang sabi ng mama mo'y gabi ka nang umuwi ngayon."

She closed her eyes, burrowed her face on her pillow. "T-tinapos ko ang ginagawa ko. May apurahang ibang trabaho bukas para sa panibagong formula ng... sabon."

She didn't want to lie to her grandmother. But what could she say? That the reason she was late in coming home because she and her boss had an amazing sex, albeit a little longer than a quickie?

Iniisip pa lang niya ang nangyari ay tila sinisilaban na ang buong katawan niya. That she could still feel him throbbed inside her. That what happened between her and Rand made her long for more. Oh, lord, what was
she before the illness and amnesia that she had acted so wantonly?

"How's the headache, honey?" Sinuklay ng
matandang babae ang buhok niya ng mga daliri nito,

"I had it on my way home, Grandma. Pero huminto ako sa daan at uminom ng painkiller." She hugged her bolster pillow.

"Mula nang magtrabaho ka'y panay yata ang
sumpong ng sakitng ulo mo, Faith. Baka nahihirapan ka sa trabaho, Hindi kaya mabuting-"

"No, Grandma," putol niya sa tinutungo ng sasabihin nito. "Nasa harap lang ng computer ang trabaho ko. It must be the heat."

Hindi sumagot si Clarencia, ang mga daliri'y patuloy sa paghaplos sa buhok niya. Humaba nang husto ang katahimikan bago muling nagsalita ang abuela.

"You know I love you very much, Faith," she said.

She smiled. Itinaas ang ulo mula, sa unan at sa
kandungan ng matandang babae humiga. "Of course, Grandma. I never doubted it for a moment. And I love you, too,"

Muling namagitan ang katahimikan. Nag-angat ng mukha si Faith at tiningala ang abuela. Napakunot-noo siya nang makitang kumikislap ang mga mata nito.

"A-are you crying, Grandma?"

But Clarencia smiled through misty eyes. "Silly. Why should I cry? O baka naman nga nagpatangay ako sa mga alaala ko. Muntik ka nang mawala sa amin, Faith, hindi ba?

Kinabahan siya roon. Napaangat ang katawan niya sa kama. "Lola, the headaches didn't mean the recurrence of my illness, did it?"

"Oh, no, hija!" sagot nito na agad pinawi ang agam-agam at takot sa dibdib niya. "You are one hundred percent free of leukemia, Faith."

She sighed her relief. "You seem strange today,
Grandma. Clarencia bit her lip. "Marami akong naging kasalanan sa buong buhay ko, Faith. Mga kasalanang labis kong pinagsisisihan. But I want you to know that I love you so much."

"Grandma, ano ba ang sinasabi mo? Si Daddy ang may sakit, hindi ba? Please, don't tell me na pati ikaw ay may karamdaman."

"I am healthy as a bull," paniniyak nito. Then
Clarencia ruffled her hair. "You have lovely hair, honey. Minana mo iyan sa lolo mo. Oh, I missed him so much. Had he been alive today perhaps I wouldn't have done what I had."Her voice trailed off

"Grandma." Inabot niya ang baywang nito at
niyakap. Isinubsob ang mukha sa kandungan.
"Ofcourse, you've missed Grandpa. Isa pa'y nami-miss mo marahil ang buhay natin sa States. You've missed the hospital also, haven't you?"

GEMS 31: Hello Again, My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon