"WHERE is my daughter?" humahangos na tanong ni Miriam kay Rand nang makita siyanitong paroo't parito sa labas ng emergency room.
"Ano ang nangyari sa apo ko?" tanong ni Clarenciansa gumagaralgal na tinig. "Nasaan siya? Kailangan ko siyang makita. Isa akong doktor!"
Nang akma itong papasok sa operating room ay inawat ito ng isang male attendant. "Ma'am, pasensiya napo. Hindi po allowed ang kamag-anak ng pasyente."
"But I am a doctor. I need to see my granddaughter!"nshe persisted.
"Nasa mabuting mga kamay po ang inyong apo. Hintayin na lamang p0 natin ang paglabas ni Doctor Rasul."
"Mama, please. Maghintay na lang tayo rito," ani Miriam at inakay palayo sa pinto ng OR ang ina. Pagkatapos ay hinarap nito si Rand. "Ano ang nangyar, Mr. Villarosa? Sino ang bumaril sa anak ko?"
Sandaling pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang babae. Gusto niyang malaman kung sino ang dalawang babaeng ito na ang pag-aalala kay Faith/Regina ay totoong nakabalatay sa mga mukha.
"Faith was shot by an obsessed and jealous woman, Mrs. Bengson. Ikinalulungkot kong hindi ko nagawang pigilin ang pangyayari. Sa balikat siya tinamaan at naniniwala akong hindi naman malubha ang sugat niya. Tiniyak na sa akin ng doktor kanina iyan bago siya ipasok sa OR."
"Gaano na siya katagal sa loob?" kasunod na
tanong ni Clarencia, tinatantiya ang oras bilang isang doktor.He turned to the olderwoman. "More than an hour, ma'am." Napadako ang paningin niya sa pinto ng OR nang bumukas iyon at lumabas ang doktor.
Agad itong sinalubong ni Rand. Mabilis na sumunod ang mag-ina. "How is she, Paul?
"Kumusta ang apo ko?
"There is nothing to worry, Rand. We took the bullet off her shoulder. Ipagpasalamat nating walang tinamaang delikadong artery ang bala. She's going to be fine. Kailangan niya na munang manatili ng dalawa o tatlong araw dito sa ospial. But in a week or so, the shoulder's good as new."
"Thank you, Paul. Can I see her now?"
"Sure. Gising na siya, but a little fuzzy. Pinalilipas ko lang ang effect ng anaesthesia sa recovery room. Dadalhin na siya sa suite na ipinareserba mo sa itaas. Maaari n'yo na siyang puntahan doon."
Tinapik siya nito sa balikat at matapos tanguan at ngitian ang dalawang babae ay muli itong bumalik sa loob ng OR."Gusto kong makita ang apo ko," giit ni Clarencia. "Ano'ng numero ng silid na pagdadalhan sa kanya?"
Hinarap niya ang mag-ina at matamang tinitigan. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo ito, Mrs. Campbell, Mrs. Bengson. Alam kong mahal ninyo si Faith
at nag-aalala kayo sa kalagayan niya, Ang gusto kong malaman ay kung paano kayo napaugnay sa aking asawa--""Asawa! It came from Miriam. Clerencia gasped
aloud."Faith is actually Regina de Padua-Villarosa. She has regained her memory this morning. Alam niyang hindi siya si Faith kundi si Regina. Ang babaeng bumaril sa kanya ay kinakapatid ko at maaaring dahilan ng pagkawala ng memorya niya sa nakalipas na halos limang taon. But I am sure there is more. Tinitiyak ko sa inyo na si Regina ang makakausap n'yo sa itaas."
Shocked, Miriam turned to her mother slowly.
"Mama?"Si Clarencia ay nilinga ang waiting bench at naupo roon na tila nauupos na kandila. "Oh, god!" Napayupyop ito sa mga palad.
Dumilim ang mukha ni Miriam at tinalikuran ang ina. "Samahan mo ako sa itaas, Mr. Villarosa. Gusto kong makita si Faith." Nauna na itong tinungo ang elevator.
BINABASA MO ANG
GEMS 31: Hello Again, My Heart
RomanceNang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked like Regina, walked like Regina, and smelled like Regina. He even thought she was his wife who disap...