NAGISING si Faith sa sunud-sunod na message alert ng cellphone niya na nasa tabi lang ng unan niya.
Dinampot niya iyon at tiningnan kung kanino galing. Sa kaibuturan ng puso niya ay umaasa siyang si Rand ang nagpadala ng mensahe. Subalit galing ang dalawang mensahe kay Chris at Gemma. Both had almost the same message.
Humihingi ng paumanhin dahil kanina lang nalaman ng mga ito ang tungkol sa pagkamatay ng daddy niya. Tumawag daw
ang mga ito sa kanila at sinabi ng katulong na nasa memorial park sila.Nagpapasalamat niyang sinagot ang mga mensahe. Pagkatapos ay tinitigan ang oras na nasa LCD ng cellphone niya. Alas-otso y media ng gabi.
Mahigit sa apat na oras din siyang nakatulog. At tuluyan nang pinaglaho ng mga incoming messages ang antok niya.Sinulyapan niya ang bedside table. Naroon ang kuwadro nilang tatlo ng mommy at daddy niya. It was taken at the hospital in Texas, bago siya lumabas.
Dinampot niya iyon at dinala sa dibdib. Muling nag-init ang sulok ng mga mata niya.
"Daddy.." Her throat ached. Sinikap niyang huwag pumatak ang mga luha. Ilang beses siyang pinapangako ni Danilo na huwag labis na damdamin ang pag-alis nito. "Can't help it, Dad. AndI am missing you already."
Suminghot siya at ibinalik ang kuwadro sa ibabaw ng mesa.
She stared at the ceiling when she felt her stomach rumble. Then she realized she was hungry. She hadn't been eating properly for the last forty-cighthours. Ipinipilit lang sa kanyani Rand ang pagkaing inihahain sa kanila.
Bumangon siya at lumabas ng silid. Binagtas niya ang pasilyo. Ang dulong silid ay ang silid ng abuela. Natitiyak niyang hindi pa ito tulog sa ganitong oras.
Her grandmother was a late sleeper and spent time watching the cable until midnight. Unless the past forty-eight hours had taken its toll on her, then Clarencia must be fast asleep.
She would like to check on her. At mamaya ay ang mommy naman niya ang pupuntahan niya. Matagal na siyang hindi natutulog na katabi ito. Siguro ay tamang panahong doon siya matulog sa silid ng ina. They had to comfort each other. She had to comfort her.
Nalimutan niya ang sariling pamimighati ng ina sa pagkawala ng asawa nito. Mas na naubos ang puso't damdamin niya sa sariling pamimighati. Sa ibaba ng pinto ay napuna niyang bukas pa ang ilaw ng abuela. Natiyak niyang hindi pa ito natutulog.
Subalit hindi niya naririnig ang ingay mula sa television. At bagaman nakalapat nang kaunti ang pinto ay hindi iyon nakasara.
She would have knocked when she heard her
mother's voice. So, nag-uusap ang mommy at lola niya.Maingat niyang itinulak pabukas ang pinto. Bumungad sa kanya ang sitting room kung saan naroroon ang malaking television. Sa gilid ng dingding ay ang rocker ng abuela at sa tabi niyon ay isang bilog na mesita.
Muling natuon ang pansin niya sa tinig ng ina na nasa loob mismo ng silid ni Clarencia.
"Nakapagtatakang handa kang ipagkaloob kay Faith ang halagang tatlumpung milyong trust?" Her mother's voice was angry. Nagsalubong ang mga kilay niya.
Kinukuwestiyon ba ng mommy niya ang trust fund na tatanggapin niya? That was so unlike her mother.
"The trust is hers. You know that from the very
beginning" Faith heard the surprise in her grandmother's voIce."Why? Paano mo magagawang ipagkaloob ang
ganoon kalaking halaga sa kanya?""I don't believe you are asking me that. This has never been an issue, Miriam. Do you begrudge your daughter of that trust money?"
BINABASA MO ANG
GEMS 31: Hello Again, My Heart
RomanceNang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked like Regina, walked like Regina, and smelled like Regina. He even thought she was his wife who disap...