CHAPTER 10

3.2K 62 0
                                    

NAKAUPO sa kahuli-hulihang hilera ng mga
upuan sa likod si Rand at tahimik na pinapanood ang programang ginaganap sa stage. Ang mga nasa harapang hilera ay mga kabataan. Mula sa edad kuwatro hanggang desi-siyete años.

Nasa isang bahay-ampunan siya sa Sto. Rosario, isang bayan sa norte walong kilometro mula sa Pagudpud. Ang programa para sa mga batang ulila ay sponsor ng kanyang mga magulang. Karaniwan na ay ginugugol ng mga magulang ang anibersaryo
ng kanilang kasal sa mga charity works. At nitong nakalipas na tatlong taong magkasunod ay ang Sto. Rosario Orphanage ang naging beneficiary ng mga ito.

At ito ang unang pagkakataong napasama siya
sa mga magulang dahil nagkataong nasa Pilipinas siya at dinaluhan ang taunang board meeting ng Wealthy Co. Siya mismo ang nagsuhestiyon sa mga magulang na bukod sa mga kahon-kahong laruan, damit, at gamot, ay umupa sila ng mascot ng isang kilalang burger chain. His parents loved the idea.

Maliban sa mascot, ang ahensiya na pinamahala niya ay nag-imbita ng isang kilalang personalidad sa show business at isang singer at isang standout comedian ang napili.

Kasama sa audience ay ilang madre mula sa
kumbento ng Sto. Rosario Orphanage. Ang mga magulang niya ay kasalukuyang kausap ang madre superyora sa opisina ng principal ng Sto. Rosario Elementary School kung saan ginanap ang isang programa.

He was bored. But he promised his parents that he would stay for another hour. Ang mascot na nasa stage ay kinaaaliwan at tinitilian ng mga kabataan.

Tumingin siya sa relo niya sa braso. Kalahating oras na lang at babalik na siya sa tinutuluyan nilang cottage sa Pagudpud, a tourist town sixty kilometers of rough road from Sto. Rosario. Magpapalipas sila ng magdamag at bukas ay babalik na silang mag-anak sa Maynila.

Nang mayamaya ay napuna niyang may naupo
sa bakanteng upuan sa dulong kaliwa niya,
dalawang silya ang pagitan mula sa kinauupuan niya. Napatingin si Rand dito.

Nakalingon din ito sa kanya. Bahagya nang
kumibot ang bibig nito sa isang alanganing ngiti.

Bahagya siyang tumango at pagkatapos ay muling itinuon ang mga mata sa stage. After a while, he crazily looked at her again. Sa pagkakataong iyon ay nakatingin na ito sa stage at tahimik na nanonood, isang pinong ngiti ang nakasungaw sa mga labi.

He must be really bored. Dahil hindi niya
mapigil ang sariling suriin ito. She had a beautiful profile. Matangos ang ilong at maputi. Mestiza. She must be a local. Kung ang pagbabasehan ay ang suot nitong damit. Isang kupas na abuhing palda at may kasikipang puting blusa na marahil ay
kinalakhan na. Nakatsinelas din lang ito ng de-goma.

Patuloy siya sa pagsuri dito. She was about five
feet and four inches tall. She was too slim. Palagay niya, humangin lang nang malakas ay tatangayin ito. And yet he didn't fail to notice the fullness of her breasts. She looked very young. Must be around eighteen or nineteen.

Ang nakatirintas nitong buhok ay kakulay ng
kastanyas at umaabot sa baywang ang haba. Ang babae na nakahalata marahil na nakatingin siya ay muling lumingon sa kanya.

"Nakatitig ka," may banayad na akusasyon sa
tinig nito.

"Paano mo nalamang nakatitig ako?" nakangising sagot niya.

A smile tugged at her lips. This time it was a real smile that reached her eyes. "Luma na iyan."

Napahugot ng hininga si Rand. It was an
innocent and honest smile. Hindi intensiyon ng
ngiting iyon na akitin siya tulad ng ilang
kababaihang nakadaupang-palad lang niya
ngayong hapon sa resort na tinutuluyan nila.
Did this young woman know that she had a smile that would melt a man's heart?

GEMS 31: Hello Again, My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon