Two months later..
NAGKAROON ng pagkakataon si Aurea na ihanda ang kasal ng anak. Sa pagkakataong iyon ay katulong sina Clarencia at Miriam. Gustuhin man nina Rand at Regina na gawing simple ang kasal ay hindi iyon nangyari.
Hindi pumayag ang tatlong babaeng simple lang ang kasal. Isang buong beach ang nirentahan ng pamilya sa Pagudpud upang doon ganapin ang kasal ng dalawa.
Inilaan ng pamilya ang transportasyon para sa mga dadalong bisita na dumating sa Pagudpud Biyernes pa lang ng gabi, ang bisperas ng kasal.
Kahit ang mga madre at mga kabataan sa orphanage ay inimbitahan ni Rand. Walang hindi imbitado sa mga empleyado ng WealthyCo. Kahit si Chris, na hindi malaman kung paano ihihingi ng tawad ang ginawa ng
kapatid at hipag.Matapos ihingi ng tawad ng pamilya Robledo ang ginawa ni Sofia ay nagtungo sa ibang bansa ang mag-asawa kasama ito upang ipasok sa isang ospital para sa mga may psychiatric disorder.
Bilang pagpapatawad, kinuha nina Regina at Rand bilang best man si Chris sa labis na kagalakan nito. Gemma was the matron of honor.
Ang bag ni Regina na dala niya ng gabing maaksidente siya ay ibinigay sa kanya ni Clarencia mula sa pinagtataguan nito. Naroon ang wedding ring niya na binili ni Rand para sa kanila nang nasa Granger sila. Hinubad ito ni Clarencia mula sa daliri niya nung gabing maaksidente siya na kasamang itinago ng iba pa niyang mga gamit.
Ginamit ng mag-asawa ang dati nilang wedding rings.
Regina's wedding gown was made exclusively for her by one of the country's top designers. Gayundin and barong tagalog na suot ni Rand. His happiness made him even more handsome that women at the wedding sighed their envy.
Regina was the vision of loveliness when she walked down the makeshift aisle to her wedding groom. There was no need for The Wedding March. Sapat nang musika ang paghalik ng mumunting alon sa dalampasigan, ng mga palapa ng niyog na masuyong hinihipan ng hanging amihan, ng awitan ng mga ibon sa himpapawid.
Mga talutot ng mga bulaklak ang inaapakan niya. Maliban sa pamilya at kay Gemma, walang nakakaalam na isang buwan na ang nasa tiyan niya.
Sa makeshift stage, inabot siya ni Rand na naguumapaw ang pagibig sa puso. Kumikislap ang mga mata ni Regina sa namumuong mga luha. But they were tears of happiness.
"Hello again, my heart," Rand whispered.
Regina didn't utter a word. Her eyes said it all, Rand was her everything. Ang pinakamahalagang pagaari niya.
**WAKAS**
---
Funny story guys, napunit yung page na ito. I What i did was add to cart the book, then i tried to message the seller nalang pala, asked her if she can take a picture of the last 3 page of this book and she did!
I told her i will send payment through Gcash and she didn't accept payment.
That seller was a life saver. Thanks to her nagkaroon ng ending yung ginagawa ko na 'to kahit mano mano dahil super blurred yung pic nya iattach ko dito so you'll know.Maraming salamat sa paghihintay guys. :)
God bless! xo - Admin Margarita
BINABASA MO ANG
GEMS 31: Hello Again, My Heart
RomanceNang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked like Regina, walked like Regina, and smelled like Regina. He even thought she was his wife who disap...