CHAPTER 22

3.9K 52 7
                                    

AYA

"Yssa!" Agad-agad akong bumaba ng hagdan.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita siyang duguan. "Oh my God! Yssa! "

"Yssa!" Nakadapa ito kaya iniharap ko siya sa akin. Bigla akong napatakip ng bibig ng makita na may mga dugong lumalabas sa bibig niya. "Oh, God! Yssa wake-up! " Tinapik-tapik ko ang kaniyang pisngi.

"Oh, God! Oh, God! Tulong!" Nangininig ang ang buo kong katawan habang hawak-hawak si Alyssa at sinusubukan siyang gisingin.

"Yssa, wake up! Tulong! May tao ba r'yan!" sigaw ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak dahil sa sitwasyon ni Alyssa. Oh, God, kasalanan ko 'to!

Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko sa sling bag ko at tinawagan si Yves.

"Oh, napatawag ka? Hihika ka?" agad na bungad ni Yves ng masagot nito ang tawag niya.

"S-Si Y-Yssa... " Humikbi ito.

"Anong meron kay Yssa? Sandali, umiiyak ka ba? Sinaktan ka ba niya? " sunod-sunod na tanong nito.

"Y-Yves, si Yssa nahulog sa h-hagdan, " humihikbing anas ko.

"Nahulog sa hagdan? "

Tumango ang ulo ko kahit hindi naman nakikita ni Yves. "P-Please... come here... " Ang aking hikbi ay naging hagulgol na.

"Sh*t! I'm coming, hang in there! " Agad namatay ang tawag pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Yssa! Yssa, please... wake -up!" muli kong tinapik-tapik ang ang kaniyang pisngi ngunit wala itong response.

God, kasalanan ko 'to, kasalanan ko 'to!

"Aya!" naingat ko ang ulo ko at nakita ko si Yves sa itaas ng hagdan

"Yvess... " sambit ko habang umiiyak.

"Fuvck! What happened!? " agad itong bumaba. "Yssa! Yssa! " gising niya rito. "Damn it!" Binuhat niya ito. "Call the resue!" aniya at nag madaling bumababa. Agad kong tinawagan ang rescue ngbresort t'saka nagmadalimg sumunod kay Yves sa baba.

Pag baba ko ay nakita ko sa entrance ng BWI building na may nag hihintay ng ambulance at marami na rin ang mga taong nakaabang.

Agad na sinakay ni Yves sa si Yssa sa ambulansya. Tumakbo naman ako papalapit sa kanila. "Yves!" Nilingon ako nito. "Sasama ako, " ani ko.

Walang anong salita ang lumabas sa bibig niya. Inalalayan niya lang ako paakyat ng ambulance bago siya sumunod sa akin.

Habang nasa kalsada ay nakatingin lang ako sa kaniya habang hawak ang kamay ni Alyssa. Nakahiga sa stecher Yssa habang may oxygen na naka kabit sa kaniya. Unti-unting bumibigat ang aking pag hinga. Pakiramdam ko ay kasalanan ko... hindi... ako nga ang may kasalanan kung bakit siya nahulog.

Napatingin si Yves sa akin nang may hikbing lumabas sa bibig ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Aya..." tawag niya. Nakayuko lang ako habang umiiyak. Ano na naman ba 'tong nagawa ko?

Naramdaman ko na lang na mag brasong yumakap sa akin. "Sshhh... it's okay. She will be fine pag a-alalo nito sa akin." Mas lalong lumakas ang aking pag -iyak. Hindi niya ba ako tatanongin kung bakit nahulig si Yssa?

"Yves... I-I'm sorry. " Nauutal ako dahil sa aking paghikbi.

"Shhhh... It's okay. Stop crying, " aniya habang hinahagod-hagod ang likod ko.

Hindi ko ko alam ang iniisip niya. Iniisip niya kaya na ako ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Yssa?

Nang makarating kami sa hospital ay agad na ibinaba si Yssa at isinugod sa E.R habang kami ni Yves ay naiwan sa labas ng E.R para mag hintay. Nakaupo ako habang nanginginig pa rin habang si Yves ay nakatayo sa tapat ng pinto.

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon