CHAPTER 3

7.1K 109 4
                                    

AYA

“Aya, are you with me?” Napabalik ako sa aking huwisyo ng tapikin ako ni Ate Julie sa braso.

“P-Po?”

Napabuntong hiniga ito at pinitik ako sa noo. “Nag lalakbay kana naman sa outer space,”natatawa niyang saad.

“Ah— eh may iniisip lang po,” ani ko ay napakamot na lang sa batok ko.

Tatlong gabi na na hindi ako makatulog dahil sa lalaking 'yon. Iniisip ko pa 'rin kasi ang nangyari sa stag party na pinuntahan namin. Ang liit nga ng mundo dahil 'nag kita ulot kami no'ng lalaking hinalikan ko noon sa Sydney Arena three months ago, at ang malala pa ay nakipag lap dance ako sa kaniya. Everytime na maiisip ko 'yon ay parang gusto ko nalamang mag pakain sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan.

“Ano ba 'yang iniisip mo? Bakit napakalalim naman ata niyan?”
Iniling ko ang aking ulo at nginitian siya.

“Wala po 'to, ate. By the way, ano pala 'yon?”

Umarko ang kilay niya at tinignan ako na parang nagsasabing ‘weh? 'di nga?’

Itong si Ate Julie ay may pagka-marites din, e. Alangan sabihin kong nakipag lap dance ako sa lalaking hinalikan ko noon sa Sydney.

Nag kibit-balikat nalang ako kaya muli siyang napabuntong hininga.

“So, iyon nga— p'wede ka na mag umpisa bukas sa trabaho mo doon sa resort ng kaibigan ko.”

Napaayos ako ng upo dahil sa aking narinig. “Talaga po!?” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yeah, tumawag kanina ang si Sofia na siyang nag m-manage ngayon ng resort. P'wede ka na raw pumasok dahil kulang sila sa tao, nag uumpisa na kasi ang summer break kaya dinadagsa sila,” aniya at sumimsim ng kape niya.

“Oh, my gosh! Salamat po ate!” Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya.

“You're much welcome, dear.” Ginulo niya ang aking buhok at pinisil ang pisngi ko.

Ang sarap pala mag karoon ng ate. Ako kasi ang panganay kaya hindi ko na experience ang nararamdaman ng isang mas batang kapatid, kaya napaka swerte ko kay Ate Julie dahil pinaparanas at pinaparamdam niya sa akin ang pakiramdam na gusto kong ma experience noon.

After naming mag usap ni ate ay umakyat na rin ako. Malalim na rin naman ang gabi. Hindi muna ako pumasok sa k'warto ko, bagkus ay dumeretso ako sa k'warto ni Andrea.

Pag pasok ko mahimbing na itong natutulog. Kinumutan ko ito at inudjust ang temperatura ng AC dahil sobrang lamig.

“Good night, bunso,” bulong ko at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng k'warto niya at dumeretso sa k'warto ni Jaxon.

Pag pasok ko ng k'warto niya ay nadatnan ko siyang gising pa at nag c-cellphone.

“Bakit gising ka pa?” Napalingon ito sa akin ng marinig ang boses ko.

“Ate, nandiyan ka pala.” Umupo ito at sinandal ang kaniyang likod sa headboard ng kama.

“Why you're still awake?” Lumapit ako sa kama at umupo sa tabi niya.

“Hindi ako makatulog,” mahinang anito.

“Why? May problema ka ba?” Iniling niya ang ulo niya at nginitian ako.

“Then ano?”

“Naisip ko lang kasi ate...what if huminto na lang ako sa pag aaral?” Natigilan ako dahil sa sinabi niya.

“Huminto?” Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.

“Jaxon, alam mo naman 'yan ang bagay na hindi ko papayagan pag gagawin mo 'di ba?”

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon