CHAPTER 48

3.9K 79 18
                                    

AYA

“Hon?” Nag angat ako ng tingin kay Aero.

“Yes?” Nginitian ko ito. He's driving me papunta sa work ko. Nasira kasi ang sasakyan niya kaya sasakyan ko muna ang gagamitin niya sa work niya.

“May probelma ba? ” tanong nito habang ang kaniyang tingin ay nananatili sa kalsada.

Napailing ako. “Wala naman, ” sagot ko. Sa totoo lang, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Yves saw Krypton. Hindi lang ako sigurado kung nakilala niya ito.

“Then, why you look uneasy? May bumabagabag ba sa 'yo?” Muli ko lang iniling ang ulo ko. “I'm good, hon. Don't worry. Medyo kabado lang dahil ngayon ang unang araw namin sa Glamour. ”

Smile crossed on his face. “Don't br nervous. Sila ang dapat kabahan dahil makakatrabaho nila ang isang magaling na tulad mo.”

Napatawa ako dahil sa sinabi niya. “Oo nga 'no?” He chuckles. “I love you.” Tinignan niya ako at kinuha ang isang kamay ko.

“I-I love you.” Napalunok ako dahil parang may kung anong bumabara sa dibdib ko.

Ilang taon na  kasama ko si Aero pero bakit parang may kulang? Everytime nasasabihin ko ang salitang 'yon ay parang may kung anong pumupunit sa dibdib ko. I'm happy with him, but that happiness isn't enough for me to feel the genuine happiness that I want, happiness that I need.

Hinalikan niya ang likod ng palad ko nakangiting binalik ang tingin sa kalsada.

Humugot ako ng malalim na hininga at tinuon ko na lang ang aking atensyon sa labas ng bintana ng sasakyan.

Pag dating namin sa LLC ay agad na rin naman siyang nag paalam dahil may meeting pa ito.

Naglalakad ako sa hallway papasok ng building nang salubongin ako ni Ellah.

“Ma'am, I received a call from Glamour. Pinapunta tayo sa Chic Coutour. Doon daw natin gagawin ang project dahil mas malapit lang po sa Agency nila. masiyado na kasing hassle pag dito sa LLC isasagawa.”

“Kay Mr. Drakon?” She nodded her head na ikinahawak ko na lang ng sintido ko.

Doon kami mag t-trabaho sa office ni Yves? Marahas na napabuntong-hininga ako. Bakit doon pa?

“Ma'am? Ayos lang kayo? ” tanong ni Ella dahil nakahawak pa rin ako sa sintido ko.

Nginitian ko ito. “Yeah, I'm good. Inform everyone. Convoy na lang. Sa 'yo na lang ako sasabay, wala akong dalang sasakyan. ”

“Noted, Ma'am, ” sagot niya saka umalis.
Dumeretso na ako sa office ko at kinuha ang mga design ng LLC bago ulit bumaba at nag hintay sa parking lot.

Muli akong napabuntong hininga. Kinakabahan ako, 'di dahil mag t-trabaho ako  sa Glamour kundi dahil kay Yves. Baka komprontahin niya ako mamaya tungkol sa nakita niya kahapon at hindi ako makasagot na kaniya.

*PEEP! PEEP!*

Bigla akong napatingin sa sasakyan bumusina sa likod. My mouth parted dahil isang Bugatti Rivo ang tumambad sa akin.

Mas mahal pa sa buhay ko ang sasakyan ng secretary ko. “Ella, this is Bugatti Ri—”

Bigla akong napatigil sa pagsasalita nang bumukas ang bintana ng sasakyan. “Yes, this is Bugatti Rivo, ” nakangiting sagot niya.

“Yves?”

Ngumisi ito at lumabas sa sasakyan. I thought was Ella. Magtataka sana ako kung bakit nag t-trabaho pa siya bilang secretary ko, e ang ayaman niya naman pala.

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon