CHAPTER 39

4.5K 88 9
                                    

AYA

"Sigurado ka bang hindi ka na a-attend ng decree of annulment trial" tanong ni Calista at inabot sa akin ang annulment paper.

"Hindi na, final na rin naman ang magiging hatol, isa pa ayaw ko rin Makita si Yves. I'm just protecting my heart lang, Cali, pagod na akong umiyak at mag breakdown kaya mas mabuting hindi ko na siya Makita pagkatpos kong pirmahan ang papel na ito."

Tinignan ko ang annulment paper na hawak ko. Pag-katapos kong pirmahan ito ay tapos na ang lahat sa amin ni Yves, babalik na naman ako sa umpisa...babalik na naman ako bilang si Aya Bernards at hindi na Aya Drakon.

"Sige, pirmahan mo na lang at ako na ang mag susubmit nito bukas. Babalitaan na lang kita sa magiging resulta," anas ni Cali at inabot sa akin ang isang ballpen.

Nakatingin lang ako sa papel habang mahigpit nan aka-hawak sa ballpen. Ganitong-ganito rin ang senaryo noong pumirma ako ng marriage contract pero mas mabigat lang ito sa pakiramdam at mas masakit.

Huminga ako ng malalim at napalunok. "Aya..." tawag ni Cali. Inangat ko ang tingin sa kaniya at ngumiti ng mapait bago ko binalik ang tingin sa papel at pinirmahan ito. "I am now, Aya Bernards," bulong ko kasabay ng pag patak ng butil ng luha ko sa papel.

Pag-alis ni Calista ay doon ulit bumuhos ang mga luha ko. Tapos na, tapos na ang pagiging-asawa ko sa kaniya. Hindi ko naman in-expect na ang pag pirma ng annulment paper ay mas masakit pala kaysa sa pag pirma ng marriage contract sa isang arrange marriage.

"Aya..." Agad kong pinahid ang luha ko nang bumaba si Ate Julie. Nilapitan niya ako at umupo sa sofa sa tabi ko.

"What's your plan now?" malumanay niyang tanong sa akin at hinawi ang hiba ng buhok ko ta nilagay sa likod ng tainga ko. " Ngayong hiwalay na kayo, anon ang gagawin mo?"

Iniling ko ang ulo ko. "Hindi ko alam, ate. Wala akong choice kundi ang mag patuloy para sa mga kapatid ko."

"Magpapatuloy ka pa rin bas a pag t-trabaho mo sa resort?"

I sighed and shook my head again. "Hindi na ate. Ayaw ko nang bumalik doon. Marami ako alala kay Yves sa lugar na 'yon at gusto ko na mag move- on. Isa pa, ayaw ko na rin muna siyang makita."

Hinawakan niya ang kamay ko. "I understand you, Aya. Mahirap naman talaga pag presko pa ang sugat.

Ngitian ko ito. "Baka sa susunod, ate. Baka sa susunod pag nag hilom na ang sugat ko ay kaya ko na siyang harapin, kaya ko na ulit siya makita."

Malalam itong ngumiti at pinunasa ang luha ko. Hindi ko namalayan na may tumulo na naman pa lang luha. "Yes dear, kaya mo 'yan," saad niya gamit ang malambing niyang boses.

Huminga ako ng malalim. "Si Aya kaya ako!" Siniglahan ko ang boses ko at tumawa kahit parang may tutusok sa dibdib. Bigla naman akong niyakap ni Ate Julie sa mga bisig niya. "Yes, you're Aya. Ang babaeng kalian man ay hindi sumuko sa buhay," bulong niya.

Napakagat labia ko para pigilan ang pag-iyak ko. "Never kang sumuko sa buhay, never kang sumuko sa mga problema kaya alam kong makakaya mo ang sakit na 'to. Makakaya mong lampasan 'to sa buhay mo." Humigpit ang yakap niya sa akin hangang sa hindi ko na napigilan ang mga luha kong traidor na mag bagsakan. "Kung nabubuhay ang mama at papa mo, alam kong proud na proud sila sa 'yo... proud na proud sila na may anak silang kagaya mo. Mapagmahal at maalagang ate na kalian man ay hindi pinabayaan ang mga kapatid at pilit na binibigyan sila ng maayos na buhay. Proud na proud sila sa 'yo dahil may anak silang patuloy na lumalaban sa buhay kahit ang hirap na hirap na." Mas lalong lumakas ang aking pag-iyak habang nagsasalita si ate.

"Proud na proud silang may Aya silang matapang at hinaharap ang lahat ng hamong binabato sa kaniya ng mundo." Binaon ko ang mukha ko sa balikat ni ate habang humahagulhol ng malakas na parang bata.

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon