CHAPTER 6

5.4K 80 1
                                    

AYA

"Hey! Good morning!" Napaangat ang tingin ko sa nag salita at otomatikong napangiti nang makita si Yves sa harap ko na may dala-dalang kape.

"Oh, coffee." Nilapag niya ito sa harap ko. "Alam kong hindi ka pa nag kakape," ani pa nito.

"Salamat," sagot ko sa kaniya. Kinuha ang kapeng binigay niya at sinimsim ito.
Nandito kasi ako sa labas ng resto kung saan may mesa at upuan din. Wala pa namang tao kaya wala pa akong t-trabahohin.

"Ang aga mo naman dito. Ano ba ang tinatrabaho mo rito? Isang tanyag na drag racer ka 'di ba? Bakit palagi ka naman ata rito?" sunod-sunod na tanong ko.

"Sekreto," anito at ngumisi. Ngumuso ako. "Okay, bahala ka. " Tumawa lang ito.

"Bakit ang aga naman ata ng in mo?" he asked back.

"Sinadya ko talaga. Wala rin naman akong
gagawin sa cabin kaya inagahan ko na rito. Gusto ko rin bumawi kay manager dahil hindi na ako bumalik kahapon matapos ang nangyaring 'yon."
"Sorry ulit."

Kinunutan ko ito ng noo. "Bakit ka ba nag s-sorry? Sabi mo hindi mo siya girlfriend, bakit ka mag s-sorry para sa kaniya?"

Bumuga ito ng marahas na hininga. "Alyssa is a family friend. Kasama namin siya ni Yvan lumaki. She's our childhood friend. Parang kapatid na namin siya, kaya siguro gano'n na lang ang inis niya nang makita tayong dalawa dahil ayaw niyang nakikita ako kasama ang iba. She's a selfish brat. Palagi niyang sinasabi na dapat na sakaniya lang atensyon namin ni Yvan."

"Ohh." 'Yon nalang ang nasabi ko.

"That's why I'm saying sorry dahil ako naman ang nag caused ng inis niya sa 'yo."

"Yeah, she's a selfish." Naapagat ito ng tingin sa akin. "You have your own life. May sarili kayong buhay ni Yvan. Wala siyang karapatan na pagbawalan kayong dalawa sa mga taong gusto niyong makasama. Wala siyang karapatan na
manipulahin kayo," ani ko at tumayo.

Nakatingin lang ito sa akin. "Pasok na ako sa loob. Salamat ulit dito sa kape." Tinaas mo ang kapeng hawak at nginitian siya bago ako pumasok sa loob.
Dumeretso ako sa Kitchen at nakita kong nag tumatakbo si Jake habang hinahabol ni Ammy ng kutsilyo.

"Aya! Si Ammy, oh!" Nag tago ito sa likod ko.

"Papatayin kitang t-tarantado ka!" sigaw ni
Ammy habang nakataas ang kutsilyo at mukhang hinihingal pa dahil sa pag habol kay Jake.

"H-Hey, easy! Ano bang nangyari bakit mukhang magpapatayan na kayo?" natatawang tanong ko.

Mas lalong tumalim ang titig ni Ammy habang hindi parin binababa ang kutsilyong hawak nito.

"Eh, ang lokong 'yan, ninakaw ang first kiss ko!"

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon kay Jake na nasa likod ko. Napahawak ito sa batok niya na parang nahihiya. "Hindi ko naman iyon sinadya, e. Natisod lang ako at nawalan ng balanse kaya nahalikan ko siya," anito hat kinamot ang batok niya.

"Sinungaling ka talaga! Alam kong sinadya mo 'yon!" Nangagaliiti ito sa inis. Mukhang gigil na gigil ngang saksakin si Jake.

"Hey, Ammy! Put that knife down." Napalingon kaming tatlo at nakita namin si Manager Joy na nasa harap ng pinto.
Nag lakad ito papalapit sa amin at binatukan si Jake.

"Ahh-aray! Manager naman!" reklamo ni Jake habang hinihimas-himas ang ulo niyang binatukan ni Manager.

"Sino may sabi sa 'yo na halikan mo ang kapatid ko?" Nakapamewang tanong nito.

"Eh, hindi ko nga po sinadya," protesta nito.

"Napaka sinungaling mo talaga!" Susugurin na

sana siya ni Ammy ng pumagitna si Manager. "Enough, Ammy. Ako na ang bahala sa lalaking 'to." Kinuha niya ang kutsilyo kay Ammy at tinignan si Jake.
"M-Manager naman." Umatras ito kaya natawa ako. Kabado ang loko.

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon