CHAPTER 58

684 18 2
                                    

AYA

“Aya!! ” sigaw ni mommy habang tumakbo.

“Mommy!”

“Run! Get out of here!” sigaw niya habang patuloy sa pag takbo papalapit sa akin.

“M-Mommy... ”

“I said run, damn it!! ” malakas na sigaw niya.

Ipinikit ko na lang ang ang aking mga mata  at sinunod ang sigaw niya. Tumakbo ako pabalik ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay natigilan din ako nang muli akong makarinig ng isa pang pag putok ng baril.

Unti-unti akong lumingon at halos gumuho ang mundo kasabay ng muling pag patak ng mga luha ko at pag awang ng mga labi ko nang makita si Mommy na nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

“Mommy!”

“Aya!” Bigla kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si Yves sa aking harapan na  habang hawak-hawak ang aking mga balikat at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

“Are you okay? You're shouting. Binabangungot ka.”

Habol-habol ko pa rin ang aking hininga habang nakatingin kay Yves.

“Aya, are you okay?” muli niyang tanong at  bahagya akong inalog-alog.

Npapikit ako at napahawak sa aking dibdib kasabay ng pag tulo ng butil ng luha galing sa mga mata ko.

That scenario again. Iyon ang eksaktong panaginip ko noon. Naulit na naman. Rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib ko. That was realistic scenario. Sigurado akong hindi basta panaginip lang 'yon. Bakit wala akong maalala? Bakit hindi ko matandaan kung anong nangyari kayla mommy... bakit?

“Shhh... it's fine. It's just a bad dream.” Naramdaman ko na lang ang mga bisig ni Yves na pumulupot sa katawan ko habang hinahagod ang likod ko. Saka ko lang napansin na humahagulhol na pala ako.

“It's fine...It's fine...” pag-aalalo niya.

Ilang minuto lang akong umiyak hangang sa kumalma ako.  Huminga ako ng malalim at tinuyo ang pisngi ko.

“Okay kana? ” tanong ni Yves na nakaupo pa rin sa kama. Tinango ko naman ang ulo ko bilang sagot.

“Ano bang napanaginipan mo? You keep shouting,” anito at kinuha ang hibla ng buhok na nasa pisngi ko at nilagay iyon sa likod ng tenga ko.

“Si mommy... napanaginipan ko na naman siya.”

Nakita ko ang biglang pag bago ng kaniyang reaksyon sa mukha.  “Your mom?  Bakit ano ba ang panaginip mo?”

“Ang weird kasi. Alam mo 'yon? Ilang beses ko nang napapanaginipan si mommy at 'yong panaginip ko kanina ay 'yong unang panaginip ko. Eksaktong-eksakto talaga 'yong senaryo noong nanaginip din ako noon...”

Narinig ko ang malalim na pag buntong-hininga ni Yves habang nakatingiin ng matiim sa akin at bakikinig sa mga sinasabi ko.

“Yves, ilang ulit na akong nanaginip na pinatay sila mommy at mukhang totoong- totoo 'yon.”

Biglang umawang ang mga labi niya at nakita ko rin ang pag lunok niya.

“Y-You think?” he asked unsure.

“The scenario.  Parang hindi siya panaginip lang. It looks like real scenario hindi lang gawa-gawa ng utak ko.  I was there when someone shot my mom from the back, at nakita ko kung paano bumagsak si mommy habang naliligo sa sarili niyang d-dugo.”

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon