CHAPTER 34

6.2K 90 19
                                    

YVES

"Bro, tama na 'yan." Napa-angat ako ng tingin nang may kumuha ng baso na nasa kamay ko.

"Anong ginagawa mo rito? " Walang gana kong tanong kay Yvan. "Akin na nga 'yan. " Kinuha ko sa kaniya ang baso ko at ininom ang alak na laman nito.

"Ilang araw ka nang umiinom. Natutulog at kumakain ka pa ba?"

Hindi ko ito pinansin, bagkus ay tinagayan ko ulit ng alak ang baso. Tutunggain ko na sana ito nang muli niyang agawin sa akin ang baso at siya ang uminom n'on.

"Ano bang problema mo?! " singhal ko sa kaniya at masama itong tinignan.

binagsak niya ang baso sa harap ko. "Ikaw, anong balak mo sa buhay mo?"

Napa-bali ako ng leeg dahil sa sinabi niya. "'Wag mo akong pakialaman, " malamig na Tugon ko sa kaniya at kinuha ang bote ng alak at nilaklak ang laman n'on. "

"Could you please back to your senses?"

Matalim ko itong tinignan. "Bakit mukha ba akong wala sa katinuan?"

"Ano sa tingin mo?" sarkastikong sagot nito na nag pa-init ng ulo.

"I don't want to fight you, Yvan. Kaya mas mabuti pang umalis ka na lang." Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka mag away lang kami.

"Yves, come on! Tignan mo nga 'tong bahay mo, bahay pa ba 'to? Nag kalat mga bote ng alak. Balak mo bang sirain ang buhay mo- "

"Sira na ang buhay ko!" sigaw ko kasabay ng pag tapon ko ng bote na hawak ko kaya nagka-basag-basag ito.

Napa-hilamos si Yvan sa kaniyang mukha.

"Sira na ang buhay ko, Yvan!" My fist clenched as my tears started to fall. "Ginago ako ng kaibigan ko kaya nasira ang pamilya ko. Namatayan ako ng anak at iniwan ako ng asawa ko! Sa tingin ano pang silbi ko?!" Napasabunot ako ng sariling buhok habang tuloy-tuloy sa pag bagsakan ang mga luha ko.

Wala ng saysay ang buhay ko. Sirang-sira na.

"Kung gusto mong bumalik sa 'yo ang asawa mo, ayosin mo muna 'yang sarili mo."

Bigla kong inangat ang tingin ko sa kaniya. "Anong sinabi mo?" Nilapitan ko ito at kinuwelyohan.

"Hindi ikaw ang nasa posisyon ko kaya wala kang karapatan na magsalita ng ganiyan dahil hindi mo alam ang nararamdaman ko!"

Bigla akong napabitaw sa kaniya nang itulak niya ako at sinuntok sa mukha. Natumba ako sa sahig at nalasan ko rin ang dugong nasa bibig ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya.

"Gago ka ba?! Kakambal mo ako kaya alam ko ang sakit na nararamdaman mo! Kaya nandito ako dahil nag-aalala ako sa 'yo!"
Naka kuyom ang mga kamao nito habang nakatitig ng matiim sa akin. "Alam kong nasasaktan ka, alam ko kung anong sakit ang pinagdadanan mo pero hindi 'yan dahilan para sirain ang buhay mo!"

Mapait akong tumawa habang patuloy sa pagbagsakan ang mga luha ko. "Hindi mo alam...hindi mo alam, Yvan, " pag-hikbi ko.

Nag lakad ito papalapit sa akin at inabot ang kamay niya sa harap ko ngunit nag salita ako. "Kung ikaw ang nasa katayuan ko, magagawa mo ba 'yang sinasabi mo?" Winaksi ko ang kamay niya na ikinagulat niya 'tsaka ako tumayo.

"Sa tingin mo ba kaya pa ako patawarin ni Aya dahil sa ginawa ko?"

"Normal lang sa isang ina ang mag luksa sa pagkamatay ng anak niya. Balang araw mapapatawad ka rin niya. "

Muli akong tumawa na parang baliw dahil sa sinabi niya. Hangang ang pag tawa ko ay muling naging hikbi. "Patawad?" Hinarap ko si Yvan at hinawakan sa mga balikat. "Siguradong kamumuhian niya ako dahil isa akong Drakon."

OBLIVION 4: Yves Drakon (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon