Chapter 16 : Wrapped in divine softness

167 32 37
                                    

Many Days Passed...

Imelda POV -

Kaganina pa ako nakaupo dito sa tabi ng aking asawa. Maraming tao ang nakapaligid sa amin ngayon. Ewan ko ba bakit pa ako sumama dito wala naman akong gagawin. Parang mula kaganina nakikinig lamang ako sa usapan nila. Nabubugnot na ako.

Maya Maya pa habang hinahaplos ko ang aking tiyan, may lumapit sa aking lalaki at inalok ako ng cupcake saka isang baso ng juice.

Muli akong lumingon kung nasaan si Ferdinand, abala pa siyang makipag-usap kaya hindi na ako tumanggi, kaagad ko ng kinuha ang mga iyon at nilagay sa aking mesa. Nagpasalamat muna ako sa lalaki at tuluyan na siyang umalis.

Nagsimula na akong kumain habang abala pa mag-usap ang lahat. Nakatingin lamang ako sa kanila, ngiti dito ngito doon.

Hanggang sa maubos ko na yung isang cupcake at yung isang baso ng juice.

Para sa akin kulang pa iyon. Bakit ba kasi isa lang yung binigay eh?

Napagdesisyunan kong pumunta doon sa lugar kung nasaan yung mga pagkain, nagpaalam ako sa aking asawa bago umalis kaso hindi naman ako pinapansin, at least nagpaalam ako diba?

Balak pa sana ako samahan nung isang psg, kaso hindi ako pumayag. Sinabihan ko siya na. Strong Independent Woman naman ako. Natawa siya pero hindi ko na yun pinansin pa dahil nakafocus ako kung ilang cupcake pa ba ang kukunin ko.

Kung Lima kaya?

Ayy hindi andami naman nun,

Uhm, kung tatlo na lang? Tapos isa lang juice kasi masarap  eh.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ferdinand POV -

Nalingat lang akong saglit, paglingon ko sa aking tabi nawala ang aking asawa, si Imelda nasaan naman kaya siya ngayon? Jusko naman talaga! Ang sabi ko magpaalam sa akin kung aalis man siya para alam ko kung saan siya hahanapin. Pasaway talaga kahit kelan!

Sinubukan kong tanungin yung secretary ko at sumagot nama siya. Kumuha daw ng pagkain...

Napakamot ulo na lang ako ng malaman ko iyon, aba'y hindi na naman niya iyon titigilan. Tignan mo lang talaga itong buntis na ito!

Hindi rin nagtagal, hinahanap na siya ng ibang bisita. Nakita namin na pabalik na nga siya, at may hawak hawak sa dalawa niyang kamay na cupcakes!

Nakangiti pa siya habang papalapit sa akin.

Tumayo na ako para salubungin siya.

"Sweetheart what are you eating?" I asked her.

"Cupcakes sweetheart, wanna try? It's so sarapp!" wika niya. Halatang nag-eenjoy siya sa kinakain niya ngayon.

"Naku, you're eating sweets na naman!" inis kong sabi sa kanya.

"Today lang naman sweetheart eh, payag kana okeyy?"

Wala na akong magagawa, nakakain na siya eh!

May naligaw pq nga na icing napunta sa kanya pisnge. Pinunasan ko din kaagad iyon. Saka ko na siya inalalayan maupo ulit.

Kinalaunan naman ay habang nakikipag-usap ako, biglang may kumalabit sa akin. Wala namang iba kundi nag aking asawa lamang. Buntong hininga ko siyang nilingon.

"Sweetheart, I want more..." she said.

WHAT? she wants more? No way, that's enough! Madami dami narin ang nakain niya mula pa kaganina.

The Unexpected BlessingWhere stories live. Discover now