Chapter 20 : Lots Of Love

176 28 47
                                    

Months passed...

••••

Malacañang -

Ferdinand POV -

Kakauwi ko lang galing ng meeting. Kaganina ko pa hinahanap ang aking asawa dahil kailangan ko siyang kausapin. Aba'y paano ba naman kasi nakita ko doon sa cabinet sa aking kwarto kung saan ko tinago yung mga chocolates, wala na doon ngayon!

Tinanong ko yung ibang katulong kung may alam ba sila tungko doon, at sabi nila ang huling lumabas sa aking kwarto ay si Imelda lang naman.

Pasaway talaga ito kahit kelan.

Pagdating ko sa sala, nakita ko siyang kumakain nakaupo sa sofa. Hawak hawak niya yung isang bowl ng biscuit tapos may isang baso pa na may lamang ice cream. Abala siyang manuod ng telebisyon.

"Ehem, ehem!.." pagkukunyari kong inuubo, para makuha ang kanyang atensyon.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa, saka lumingon sa akin.

"Sweetheartt kooo! I miss youu!" mabilis siyang tumayo, para halikan ako sa pisnge.

Hindi ako kumibo, walang gana ko siyang tinignan.

"Are you alright, sweetheart?" tanong niya

"Hmm, we need to talk" seryoso kong sabi.

"Uhm, for what po?" kamot ulo niyang wika.

"Ikaw ba yung kumain ng chocolates na nasa cabinet ko?"

Di siya umimik, yumuko siya ng dahan dahan.

"Come on, just tell me the truth. Hindi naman ako magagalit"

"F-fine, p-pero not all of that naman po sweetheart,..t-tsaka sabi ni doktora pwede naman daw eh, basta not too much daw"

Napakamot noo na lang ako, not all of that? Eh wala na ngang natira kahit isa na tsokolate doon.

"Darling, wala ng natira doon na chocolates, ubos lahat. Alam mo naman na bawal kana kumain ng sweets diba? Sinabihan kana ng doctor mo, pero hindi ka nakikinig"

Narinig ko na ang mga ikbi niya habang nagsasalita ako.

"Sabi mo hindi ka magagalit kapag inamin ko, tapos ngayon nagagalit kana sa akin" tuluyan na siyang umiyak.

"Galit ba ako? Nagsasabi lang ako ng totoo" sagot ko na lang.

"Nagsasabi ka nga ng totoo, pero sinasamahan mo ng galit mo, sige nga. Akala ko pa naman hindi ka magagalit kasi love mo ako, tapos ngayon..."

Naguilty naman ako sa puntong ito. Mukha ba akong galit? Sinasabihan ko lang naman siya.

Magsasalita sana ako ng dumating si Imee, may dala dalang paper bag.

"What's going on here, dad and mom?"

Nakita kong lumapit sa kanya si Imelda, dumating na kasi ang kakampi niya kaya ganyan.

"Oh, mommy why are you crying?" alalang tanong nito sa kanya.

"Kasi sabi ng daddy mo kapag umamin ako, hindi siya magagalit. Tapos nung umamin naman ako nagalit siya sa akin" she cried.

"Dad!" she half shouted. At tinignan ako ng masama.

"Hindi kaya ako g-galit, parang sinasabihan ko lang naman siya" kamot ulo kong sabi.

"Hay nakoo daddy! Para kayong aso't pusa, palaging nag-aaway. Simpleng bagay lang eh."

"Siya naman yung nanguna, imee ko eh" wika niya, turo-turo ako.

The Unexpected BlessingWhere stories live. Discover now