Irene POV -
Mula kaganina simula ng sinamahan ko dito sa mommy sa kwarto, hindi na magtigil kakakulit sa akin. Sinubukan na namin tawagan si daddy kaganina, salamat dahil sinagot niya na kahit papaano, natatawa lang ako kase habang nag-uusap sila sa telepono, nag-blush si Mommy, ano kaya pinag-uusapan nila... Nakakainis na medyo nakakainggit, equal lang yung kilig.
Anyways, sa ngayon dahil wala naman akong ginagawa, napagdesisyunan 'kong tapusin na yung drawing na hindi ko pa tapos, kahit madali lang tinatamad pa ako. Habang itong si mommy naman ang kulit, hindi mapakali sa isang tabi.
May ibibigay daw kasi siya kay kuya bongbong, nandun sa loob ng paper bag, na hawak na ngayon.
"Mahal ko, matagal pa ba ang kuya bongbong mo? I'm so excited na kase ihh.." maktol niya, habang naka-pout.
"Umm...malapit na po yun mom, baka traffic lang po kaya medyo natagalan"
"Well...sabagay may point ka din, pero sa tingin mo anak magugustuhan kaya niya itong ibibigay ko?"
Ngumiti naman ako, panigurado na magugustuhan ni kuya yan.
"Of course mommy, galing ba naman po sa'yo eh!"
She giggled softly, saka lumapit sa akin dito sa may kama para umupo sa aking tabi.
"Tawagan kaya natin siya? What do you think sweetie?"
Napatawa ako sa aking isipan sa sinabi niyang iyon. Wala naman dala sila kuya na telepono eh. Excited na excited na talaga itong si mommy! Haistt!
"Mom, paano mo po siya matatawagan kung wala siyang dala na telepono?" natatawang wika ko.
Biglang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha, nakabusangot na..
"Haishh...oo nga pala"
Napabuntong hininga na lamang siya.
Maya maya pa, may kumatok sa pinto...
"Ms. Irene? Nakauwi na po ang kapatid niyo,.." pag-inform nito sa amin.
Napangiti naman si Mommy na nasa aking tabi ngayon.
"Sige po, thanks Manang!" i answered.
Dali dali na napatayo si mommy pati ako, bigla niya akong hinila sa akin kanang kamay. Ang sakit!
"Ma, wait wait...aayusin ko muna yung mga gamit ko"
"Pwede later na lang mahal ko? Puntahan na muna natin si kuya bongbong mo, pleasee?" she said excitedly.
"K fine. Let's go na po"
"Thank youuu!" she smiled.
Hawak kamay kaming lumabas ng kwarto, para salubungin si kuya bong sa labas,..itong si mommy hindi maipinta ang saya sa mukha niya ngayon, aba'y akala mo ngayon lang si magkikita ni kuya.
Nang malapit na kami sa may hagdan, nakita na namin si kuya, may dala siyang mga pagkain. Uyyy! Foods ba kamo?
Biglang bumitaw sa pagkakahawak kamay sa akin si mommy, saka naunang bumababa para salubungin at tawagin si kuya. Kaagad ko din siyang sinundan.
"Wahhhhhh! My onlyyy boyyy!" she yelled. Habang pababa ng hagdan..jusmiyo!
"My goodness! Slow down, ma!" dali dali ko syang sinundan sa hagdan. She was going down the stairs too fast.
At nang makababa na kami, she hugged kuya so tight.
"I miss you kuya bongbong namin, my onlyy boyyy!" she said softly.

YOU ARE READING
The Unexpected Blessing
FanfictionAnother Fanfic Story about Marcos Family... Unang Ginang Cutie! ♡