- Imee POV
Pagkarating namin dito sa loob ng palasyo, hinanap agad ng paningin ko si Mommy, para kaming baboy na dalawa ni bonget, naliligo ng putik. Hanggang dito lang kami sa pinto, nakatayo, hinihingal dahil halos naguunahan kami tumakbo,..
Nakita ko sila Yaya Biday na inassist si Mommy maupo, Tapos binigyan nila ng one cup of water, nandon na din si Daddy, ang bilis ah, parang kaganina kakaalis lang Tapos ngayon nandito na agad.
"Daddy, anong nangyari kay mommy?" I asked worriedly, wala kaming alam sa kaganapan dito sa loob, paano ba naman kase itong bonget na 'to e!
"Ayon, nasusu--" naputol yung sasabihin ni daddy and ng pangunahan siya ni Yaya Biday.
"Kase ayon na nga ho, kaganina panay ang kain ni madame, tapos aba'y syempre narito ako naglilinis, nakarinig ako ng parang may nabasag, e syempre dali dali kong pinuntahan, tapos 'yun ho, nakita ko si madame na nakaupo sa sahig, tinulungan ko na ngang tumayo e, tapos Sir alam niyo ba akala ko talaga susukahan ako ni madame, pero naiwas ko naman mukha ko, hehe..."
"Tapos nun tinanong ko siya kung anong nangyari, ano ba nararamdaman niya, sagot niya naman 'nahihilo tapos nasusuka',...hindi kaya.."
Nakatingin na kaming lahat kay Yaya Biday, maging si daddy at patagong natatawa dahil kada bigkas niya ng salita may action pang kasama.
"Hindi kaya ano, Yaya Biday?"
"Wala, Sir sige at mauna na ako, marami pa akong gagawin roon,.." ngumiti na lang kami saka na siya umalis.
"Kami din po daddy, mauna na po kami kasi magpapalit pa ako ng damit.." didiretso na sana kami paalis, ng biglang..
"Oo nga pala, bakit puro putik kayong dalawa?"
Nagtinginan kami ni bongbong, ano ba pwedeng idahilan?
"Uhh..kasi dad nadulas po kami kaganina, yeah,..yun po kaya nga kailangan na namin magpalit."
"Haistt! Kayo talaga, sige na at magpalit na kayo.."
"Okayy! Love youu, daddy!" I smiled before we left...
"Love you more!"
_______________________- Ferdinand POV
Pagkalipas ng ilang minuto nandito pa rin ako, binabantayan si Imelda, ang himbing ng tulog, ang sarap niyang pagmasdan habang natutulog, hindi siya nakakasawang tignan.
Maya maya pa nagising na din siya.
Marahan na iminulat ni Imelda ang kanyang mga mata, bumungad sa kanya si Ferdinand. Kunot-noo niya itong tinignan habang naka-pout.
"Sino ka?" tanong niya dito, nagtaka naman si Ferdinand sa sinabi ng asawa niya.
Ako? Sino?
Bumangon sa pagkakahiga si Imelda, nakatingin siya ng matalim kay Ferdinand, hindi niya ito iniiwasan ng tingin. Habang si Ferdinand naman ay napatayo dahil sa tingin pa lang ng asawa niya ngayon para na itong mangangain ng tao.
YOU ARE READING
The Unexpected Blessing
Fiksi PenggemarAnother Fanfic Story about Marcos Family... Unang Ginang Cutie! ♡