Ferdinand POV -
Nandirito na kami ngayon sa lugar, kung saan gaganapin ang birthday party. Maaga kaming dumating aba'y ewan ko ba sa asawa kong ito. Mas maganda daw kung maaga kaming pupunta. Kaya pagkatapos niyang mapag-checkup kaganina dumiretso na kami dito kasama ang aming mga anak, dahil kaibigan din ng aming panganay ang birthday celebrant.
"Happy birthday my dear alary!" bati ng aking asawa sa kanya. Maging ako ay binati na rin siya.
"Thank you po, Tita and tito! Salamat po sa pagpunta" masayang wika nito. Tumango lamang kami saka ngumiti.
"Nakoo kung alam mo lang lars, kaganina pa yang excited si mommy. Dahil sa lechon" biglang singit ng aming panganay. Natawa naman kaming lahat.
"Ayy ganun po ba? Kung nagugutom na po kayo, pwede na po kayong kumuha ng makakain doon" sambit nito at tinuro ang direksyon kung nasaan iyon.
"Reallyyy? Owkayy, thank youuu!" my wife exclaimed, she clapped her hands though.
Nagpasalamat naman muna ako, bago kami tuluyang umalis para kumuha ng mga pagkain. Inunahan na ako ng aking asawa, siya talaga ang nauna doon sa pagkain. Buti na lamang at wala pang gaanong bisita dahil maaga pa naman.
At nang makaupo na kami, nagsimula na siyang kumain. Nakangiti ko lamabg siyang pinapanood. Aba'y parang ngayon lang nakakain itong asawa ko.
"Sweetheart, kain na ano pang tinitingin tingin mo diyan?"
Tumawa naman ako ng bahagya.
"Mauna kana po, mamaya na ako kakain dahil hindi pa naman ako gutom"
"Wehhh? Gusto mo share na lang tayo dito?" nakangiti niyang tanong habang turo-turo ang kanyang plato.
Umiling ako.
"No, thanks sweetheart"
"Okeyyy! Basta kapag gusto mo na kumain, just tell me ha. Kasi kukuha pa ako ng lechon!" nakabungisngis niyang sabi.
Doon na ako tuluyang natawa.
"Darlingg! Nakakahiya naman yata, ang dami mo ng nakuha, besides hindi mo pa nga ubos yang nasa plato mo" wika ko, at nagpout naman siya agad.
"Edi, kapag naubos ko na, saka na tayo kukuha ulit, pwede ba yun sweetheartt?"
Tumango ako sabay ngumiti, bilang tugon.
"Yeyy! Hindi na talaga masungit ang hubby ko!" she clapped her hands.
I just rolled my eyes, binaling ko na lang ang tingin sa ibang bagay.
"Parang baliktad ata, ikaw kaya yung masungit" bulong ko sa aking sarili.
Bigla naman niya akong binato sa mukha nung table napkin.
"Narinig ko yun, ferdinand!" sa boses pa lang niya, halatang paiyak na.
Napakamot ulo ako, bago muling lumingon sa kanya. I saw her face turning red and her tears forming in her eyes.
"I hate you! Ayaw ko na s-sayo!...imbis na kakain ako dito ng maayos, iniinis mo ako!"
Tuluyan na siyang umiyak. Kaya't wala naman akong nagawa pa.
Tumayo ako sa aking kinauupuan, nilapitan ko siya at niyakap.
"Okay okay, i'm sorry" mahinahon kong sabi.
Pinunasan niya ang kanyang luha, saka tumingin sa akin.
"S-sorry...if binato ko sayo yung ano,..eh kasi naman ikaw ang hilig mong mang-asar!" may pagkainis niyang sabi, sabay hampas sa akin sa braso.
YOU ARE READING
The Unexpected Blessing
أدب الهواةAnother Fanfic Story about Marcos Family... Unang Ginang Cutie! ♡