CHAPTER 11

0 1 0
                                        

NEXT morning came, excited ulit si Alexie na pumunta nang school. Second day na ngayon ng kanilang event, and then she'll have to compete again for today and if she will make it today, lalaban siya bukas sa finals.

Super cute ng outfit niya ngayon, color pastel na kulay blue at blue beret cap rin. Naglagay lamang siya ng kaunting blush sa pisngi niya to make it look more natural, tapos liptint na nilagay niya sa kanyang lips and ginawa rin itong eyeshadow.

Now she looks stunning and looks like a hot Chick. Parehas kahapon, hindi siya nagdala ng driver, siya na mismo ang nagdrive patungong school.

Nang makarating doon, nag-check na muna siya ng schedule niya for today, at mamayang hapon pa nga raw ang next round competition, kaya naman nag desisyon siyang gumala na muna, since she did not had the chance yesterday.

Una niyang pinuntahan ay ang food Bazaar na nasa school sa may bandang gilid ng school ground. The school was already crowdy and it was hot as well.

"Good morning sa aming magandang queen bee of Eduville! Bili ka muna ng banana cakes with almond and raisins on top!" natawa siya sa pangse-sales talk sa kanya ng kanyang school mate.

"Ikaw naman, sige, mambula ka pa at nang makapagbenta pa kayo ng marami neto. Bigyan mo'ko ng isang slice n'yan and also that.... Anong tawag niyan?" aniya, tinuro niya ang kulay brown na parang kanin at hinulma na hugis square with some nuts on top.

Natawa naman kaagad ang babae sa kanya, akala niya ay ito ang sasagot sa kanya, 'yun pala ay hindi.

"It's called Biko, silly girl" napalingon siya sa kanyang likuran and was surprised when she saw Khael there.

Pawis na pawis ito, habang bitbit naman  nito ang bag nito sa likuran. "K-khael" she only muttered.

"Yes queen bee?" the mocker Khael replied.

Pinasadahan niya nang tingin ang binata and he was wearing a jersey uniform na pang-basketball. "Saang school ka nag-aaral?" she asked. Kaso sure naman siyang hindi ito taga Eduville.

Ngumisi naman ito. "From Celestine International. Ikaw naman, taga rito ka di'ba? I've heard you're the school queen bee here in Eduville. So deserve" Khael said as he chuckled. How cute naman🥺.

Natawa siya sa sinabi nito. "Kanino ka naman nakasagap ng balitang 'yan?" tanong niya.

Umakto pa ito na parang nag-iisip at nakangiting tumingin sa kanya. "Let's just say na you're pretty popular in the school, at halos lahat guro ng lalaking nadaanan ko, they were talking about 'Alexie is hot' 'Alexie is a queen bee' ' Ang ganda ni Alexie, just my dream girl' 'She's so my type' 'yong mga ganoon" natawa siya sa parte, when Khael put an effort on changing his voice into more softer na parang babae.

"You're funny huh? Yeah, that's how they treat me here, the queen bee raw ako" natatawang sagot niya.

Khael also laughed. "Well, how about a dinner tonight, shall we?" he asked.

"She can't"

Nagulat siya nang may biglang sumagot non para sa kanya, napalingon siya sa kanyang likuran and nakita niya si Chi---A'dan nga pala.

Nakapamulsa itong naglakad patungo sa kanilang dalawa ni Khael, even Khael were confused. Dahil bakit naman ito ang sasagot di'ba?

"Your boyfriend Alexie?" Khael asked her.

Kaagad naman siyang humindi rito. "No! Of course not!" kaagad na aniya.

"Ahh kuya mo?" Khael asked again.

Huh? As far as I know hindi naman kami magkahawig nang malditong ito.

"What? No! Khael don't be ridiculous, nasa ibang bansa ang kuya ko. Anyway, Khael this is Chit--- I mean, A'dan he's my friend. And A-DAN! this is Khael my friend also" talagang diniinan niya ang pagkakasabi nang Adan sabay panlalaki sa mga mata niya rito.

Dating Mr. PodgyWhere stories live. Discover now