CHAPTER 07

0 1 0
                                    

HER father's first love was this woman. She is indeed beautiful kahit pa sa kabila ng markang pagod nitong mukha ay hindi pa rin maitatangging maganda pa rin ang ginang.

"Anong pinag-uusapan niyo?" blangko ang ekspresyon ng mukha nito habang siya'y tinatanong nito.

"Inay, napakaganda at napakabait po ni ate Lexi, alam niyo po ba---" pinutol ng ginang ang sasabihin sana ni Macy sa ina nito.

"---alam ko May-may. Kagaya rin siya sa kanyang ama, matulugin... Bakit ihja? Ipinadala ka ba ng tatay mo dito para isampal samin ang yaman niyo?" Hindi niya inaasahan na sasabihin nito ng ginang sa kanya.

"Nay!" saway ni Maze sa ina.

"Manahimik ka Maze, sinasabi ko lang ang dapat kong sabihin sa isang ito..." galit na turan ng ginang sa anak nitong si Maze.

Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa sinabi nito. "Hindi po iyon ang ipinunta namin rito, gusto lang naman po naming tumulong sa inyo---" Lexi was cutt off again.

"Dahil sa awa? O dahil sa politika na naman? Alam mo ihja, ayaw kong makapinsala pa kayo ng dadamin ng iba, salamat sa tulong niyo pero h'wag mo ng kakausapin pa ang mga anak ko.... Maze, Macy hali na kayo!" galit na sambito nito at pilit na hinihila ang dalawa.

"Pero nay!" atungal ni Macy sa ina at lumingon sa kanya. "Ate Lexi..." parang maiiyak ang bata habang tinitingnan siya.

"Nay bat mo naman siya binastos?" inis na reklamo ni Maze sa ina nito.

"Ano ba!? Sabing hali na..." patuloy nitong hinila ang mga anak palayo at tanging 'pasensya' lamang ang huling nasabi ni Maze sa kanya bago ito nakaalis.

Hanggang ngayon ba hindi pa mapatawad ni Xenia ang daddy niya at kailangan pa siya nitong pagsalitaan ng ganun.

Nasaktan ito sa sinabi ng ginang sa kanya, naninibago ito sapagkat kahit na ang kanyang ina ay hindi nakapagsalita ng ganoon sa kanya kahit na kailan.

Someone tapped her shoulder at kasabay nun ay ang pagtulo ng isa niyang luha. "Is everything okay Lexi?" it was Deanna at she just nodded bago niya ito hinarap at pinunasan ang kanyang luha.

"Yeah"

"Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang sabi ng kaibigan nito sa kanya.

"Wala, may....m-may pumasok lang sa mata ko, ang hapdi nga eh" aniya.

Alam niyang hindi kumbinsido si Deanna sa rason niya ngunit hindi na rin ito nagtanong pa.

It was a very long day and they wrapped everything up bago sila natulog. Kinabukasan, nag decide sila to hike ang see the place. Tunay ngang napakaganda ng probinsyang ito, bukas ay uuwi na sila kaya't sinulit nina Deanna at iba oa niyang mga kasama na mag enjoy sa Balengues.

"Mag bon fire kaya tayo mamaya? Maganda dito ouh, tapos sentrong-senteo pa ang moon dito banda mamaya.." suhesyon ni Andrea.

"Maganda yan, napaka romantic pa ng place" Bianca said.

Walang siyang sinabi sa mga ideas ng mga ito, ewan pero blangkong-blangko  ang isip niya ngayon, then Chito approached her.

"Okay ka lang ba?" tanong ng binata .

Tumango naman siya. "Oo naman..." maikling sagot niya.

"Napapansin ko kasing ang tahimik mo..." anito

Inis niyang nilingon ito. "Bakit kailangan ko bang maging maingay o masiyahin palagi?" inis na aniya sa binata.

Bahagyang nagulat ito sa sinabi niya. "Kausapin mo nalang ako kapag kumalma ka na" maikling sabi nito at tumalikod na, kaagad tuloy siyang nagsisi sa pagsusungit niya rito.

Dating Mr. PodgyWhere stories live. Discover now