IT was a really a bad day, tingin niya sa sarili niya ngayon habang nakaharap sa salamin ay para siyang hindi tao kundi hayop na nasa lansangan.
Hindi niya rin maintindihan ang amoy ng katawan niya, parang napanis na yata ang mga pagkaing binato sa kanya kanina. He was so hopeless dahil pakiramdam niya hindi na magbabago ang tingin ng lahat sa kanya na siya'y isang basura.
Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at iniluwa roon ang ina niyang galit na galit. "Umuwi ka na namang ganyan? Ano bang nangyayari sa'yo A'dan?!" palagi namang ganyan ang salubong sa kanya ng ina sa tuwing siya'y umuuwi.
Pagod niya itong nilingon. "Ma pwede bang magpahinga ka muna sa kakasermon sa'kin? Pagod ako buong araw okay?" walang ganang aniya sa ina.
"Fine. Linisan mo yang katawan mo at bumaba ka na rin, ngayon lang nakabisita si Lance dito mula nung naka-uwi siya, kaya sana naman humarap ka sa kanya na parang tao!" pagkatapos nun ay malakas na isinara ng ina niya ang pintuan, sa sobrang lakas nun ay nahulog pa pati picture frame nilang dalawa ng kanyang ina 'nong siya'y limang taong gulang pa lamang.
Pinulot niya iyon at mapaklang natawa. "Trash" mahinang aniya at itinapon iyon sa trash bin ng kanyang kwarto at pagkatapos nun ay siya'y naligo na rin para naman mawala itong di kanais-nais na na amoy sa katawan niya.
Malinis na siyang tingnan ngayon, ngunit wala siyang balak na pumunta sa baba para kitain ang Lance na 'yun. Lance is his former friend back in his old school.
Sa halip ay ginamit niya ang kanilang hagdanan pataas sa ikatlong palapag upang pumasok sa gym. Gabi-gabi niya itong ginagawa, pampalipas ng oras, tatlong oras palagi ang itinutuon niya rito gabi-gabi para mag ehersisyo at araw-araw naman ay may improvement ang kanyang katawan, unti-unti na ring bumabagsak ang kanyang timbang.
Wala pa yata siyang dalawang oras doon ay bigla ulit sumulpot ang ina niya sa loob ng gym, she looks furious again. "A'dan, ano bang plano mo sa buhay? Mas binibigyan mo pa ng oras yang mga dumbbells na 'yan, kesa sa amin, ano ka ba naman! Naghihintay sa iyo sa baba si Lance!" galit na sambit ng ina.
"Ma! What's so special about that man na kailangan ko pang bumaba upang kitain siya! Wala akong kailangan sa kanya kaya hindi ako mag-a-adjust, if he wants something from me siya 'yung pumunta rito, kung wala naman, bukas 'yung gintong gate mo, paalisin mo na 'yung lalaking 'yun!" galit na singhal niya sa ina, his mother lost her temper and immediately slapped him, left and right.
"I knew you would say that, kaya ako na ang umakyat rito..." napalingon sila mag-ina sa pintuan, and there he was, standing looking bullshit as always in his eyes.
Umayos siya ng tayo at pinasadahan ito ng masamang tingin. "Ano bang kailangan mo?" galit na tanong niya.
Huminga ito ng malalim at tumingin sa kanyang ina. "Tita, can you leave us for a while? May pag-uusapn lang kami ng baby damulag mo rito..." sarkastiko nitong sabi na may halong pang-aasar ang tingin nito sa kanya, mas lalo tuloy siyang nag-init sa galit.
"Okay, A'dan be good!" umalis nga ito kagaya ng paki-usap ni Lance sa ina.
"Ano?" tanong niya.
Natawa si Lance na para bang may nakakatawa sa kanya ngayon. "Para kang bata kung umakto A'dan. You know what? I could sue you for doing that, but because we're good buddies back then hindi ko gagawin 'yun, I just want your answer kung bakit mo ginawa 'yun?" sabi nito.
Tumalikod siya rito na parang walang pakialam sa sinasabi nito at inayos ang tela na nakapulupot sa kanyang mga palad. "Ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya.
"Lance Del Fuerte?" natigilan siya ng marinig iyon. How did he know that?
Hindi siya makaimik kahit na makagalaw dahil doon, he was so speechless na ang paglunok na lamang ang nakaya niyang gawin.

YOU ARE READING
Dating Mr. Podgy
RomansaSerayah Alexie Valerio is the hottest girl in Eduville High was really never experienced dating, yup! The hottest girl in that Campus never dated someone, because somehow Alexie was into romance and not just that typically girl who settle for less...