PROLOGUE

2.4K 50 1
                                    


This Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1) is the latest version. March 14, 2023.


***


"Architect Cuervo."


Napalingon ako kay Mommy ng tawagin niya ang batikan at professional na arkitekto sa kumpaniya n'ya. Nagtama naman ang tingin namin ng tinatawag nilang 'Archiect Cuervo'. He's hot but not my type! Marami akong gustong lalaki nung kabataan ko, pero ngayon? Hell no! Designs is life.


"This is my daughter, Architect Cuesta." pagpapakilala ni Mommy sa 'kin.


"Hello, it's nice meeting you, Architect Cuervo." inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at nakangiti.


"Architect Samantha, pwede mo bang tawagin ang pinsan mo?" tanong ni Mommy sa 'kin.


Tumango ako sa Mommy ko. Pinuntahan ko naman si Chiara sa office niya, kasama niya ngayon ang iba pang Engineers at ang mga Architects. Nakangiti niya akong sinalubong.


"Coussie! Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't nasa meeting ka?" tanong nito sa 'kin.


"Pinatatawag ka rin kasi sa meeting room. Kailangan ka rin siguro." sagot ko sa kaniya.


"Huh?! Bakit naman ako kakailanganin ni Auntie?" nagtatakang tanong nito. "Wait up, guys, puntahan ko lang si Mrs. Cuesta."


Sinamahan ko na rin siyang pumunta sa meeting room since doon rin naman ang diretso ko dahil napag-utusan lang naman talaga akong sunduin siya. Pumasok siya sa loob ng may ngiti sa mga labi at sinalubong ang buong board ng masigla.


"Auntie, may kailangan ka raw po?— I mean, Mrs. Cuesta?" pagtatama niya.


Natawa ako dahil ilang beses na niyang natatawag si Mommy during work time. Pinaalalahanan kasi kami ni Mommy na hindi namin siya pwedeng tawagin na Mommy or Auntie dahil ayaw niyang isipin na may favoritism na ganap sa kumpaniya.


"So, she's Architect Chiara Seia Hermanes, right?" tanong ni Mrs. Dela Fuente.


"She is, Mrs. Dela Fuente."


"Well, not bad. I saw her last performance. It was good and I wanted to work with her again for another project." sabi nito.


Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)Where stories live. Discover now