"Tulala ka na naman, bagong taon na bagong taon naman, Samantha!"
Ginugulo ako nina Lexi at Bri sa upuan ko ngayon. Si Chiara kasi sinama ng prof namin pero babalik rin naman agad 'yun dito sa classroom namin. Naka-palumbaba lang ako habang nakatulala at kung ano ano iniisip na naman.
It's been a weeks simula nung nag-bagong taon. Kakatapos lang rin ng monthsary namin and nag-date naman kami. Nakatanggap naman ako ng gifts from him and bouquet of tulips, pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nung new year.
"What are you thinking?" nag-aalalang tanong ni Bri.
"Bri, sa tingin mo, ipagpapalit pa ba ako ni Eowyn?" nagwo-worry kong tanong.
"Feeling ko, oo? Joke! Hindi naman siguro." paepal na sagot ni Lexi. "Pero girl, mas maganda si Sera, imposibleng hindi niya nagustuhan 'yun."
"Ilang beses na niyang sinabing hindi, e." sagot ko.
"E, ano ba sa tingin mo?" Bri asked.
"Ewan ko. Bahala na." I shrugged.
Maya-maya lang dumating na si Chiara na parang akala mo natalo na naman sa lotto. Nakayuko lang kasi siya at parang disappointed siya sa sarili niya. Nag-aalala naman ako kaya pinaupo ko na muna siya sa upuan ko.
"O, bakit? Anong sinabi ni prof?" sunod-sunod at kinakabahan kong tanong.
"Pasado ako!" sigaw n'ya. Oh my God!
"Pucha girl, pa-suspense ha! Kinabahan naman kami masyado!" sabi ni Lexi at humawak sa dibdib niya.
"Akala ko naman hindi ka na naman nakapasa! Good thing na kasama ka namin sa moving up." sambit ni Bri at hinawakan ang kamay niya.
"Hard work ko 'to, syempre kailangan pasado ako." ngumisi naman siya.
I received a message from Eowyn that he will be busy today and that Sera will have a party again tonight. Nagpakawala ako ng malalim at hindi nalang nireplyan ang message niya sa 'kin.
From: Babe <3.
i will be busy today, love, and Sera has a party tonight.
"So anong gagawin natin mamayang gabi?" tanong ko sa kanila.
"Tagal na nating hindi nagpa-pop up! Baka naman gusto niyo na mag-aya." sambit ni Lexi.
"Ay pass ako." tanggi ni Bri.
"Same." habol pa ni Chiara. "Si Sam din, bawal. Magagalit ang bf niya."
"Sige, huwag nalang." usal ni Lexi na parang gumive-up nalang.
Nasa harapan ako ng UST, hinihintay ko lang si Chiara dahil may ia-abot lang daw siya sa friend niyang utang. Accidentally namang dumaan si Sean dito sa UST. E, hindi naman nag-aaral dito 'yan, e! Anong ginagawa ng mokong na 'yan dito?!
YOU ARE READING
Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)
RomanceSamantha Cuesta, an architecture student known for her lively spirit and top academic achievements at UST. Her world takes a turn when she crosses paths with Eowyn Martinez, a studious law student from Ateneo. Date Started: 02/07/23. Date Finished...