23

241 10 1
                                    


"Uy, salamat pala sa pag-imbita sa 'kin, ah."


Kasama ko sina Kent at Ren pumunta sa gathering nilang magkakaibigan. Sila-sila lang naman kaya sobrang simple lang ng venue at hindi mo kailangan magbihis ng bonggang-bongga sa event na 'yun.


Si Clea, successful na and soon to be a Mommy. Si Leo naman, ayan abogado na rin gaya nina Kent at Ren. Si Denise, nag-take raw ng iba 'yan nung college. Nag-culinary nalang daw. Well, she's already successful, too. Si Kirtryle, walang pinagbago, abogado pa rin syempre. Hindi ko lang alam kay Sera.


"Siguro nagwo-wonder ka bakit wala si Sera." nang-aasar na sabi ni Kent.


"Hindi 'no." ngumuso naman ako.


"Oh my God! Sam, ikaw na ba 'yan?" gulat na tanong ni Denise. Nilapitan nila ako. "Chef Denise, at your service!"


"Uy Clea, ilang buwan na 'yang tiyan mo?" nakangiting tanong ko.


"2 months." masayang sagot naman ni Clea. "How about you? When will you get pregnant?"


"Wala nga akong jowa mage-expect ka pang mabubuntis ako." usal ko.


"We heard that you are our friend's architect." sabi ni Leo.


"Oo pero hindi naman kami masyadong nagpapansinan. Siguro pag may updates lang sa bahay niya." sagot ko naman.


"Tagal rin. Pitong taon." narinig naman naming nagsalita bigla si Kirtryle.


"S-Sino pa bang hinihintay natin?" tanong ko sa kanilang lahat.


"Si Giselle at Eowyn." sagot naman ni Kent, napatango nalang ako.


Umupo nalang ako sa tabi ni Ren. Hindi rin naman ako updated na may pa-red carpet sila ate mo Giselle at Eowyn. Hindi naman ako nainform na kailangan pala slow motion papasok ng venue. O baka naman maarte lang sila?


"Sorry, we're late." mahinahon na sabi ni Giselle.


"That's fine." sabi ni Clea at bumeso sa kaniya.


"Where's Sera?"


"Parating pa lang." sagot naman ni Denise. "I'm sure naman kilala mo na si Samantha."


"Oh yes! Architect siya ni Eowyn." nakangiting sagot niya at muling kumapit kay Eowyn. "Upo na tayo, babe?"


"Babe?" sabay-sabay nilang tanong. Napatingin nalang ako sa kanilang lahat. This is awkward.


"Don't worry, hindi pa kami official. Gusto ko lang na tawagin siyang ganoon." pagpapakalma ni Giselle sa kanilang lahat.


Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)Where stories live. Discover now