26

253 10 0
                                    


"All set!"


Hinihingal akong umupo sa kama ko at kakatapos ko lang linisin ang mga gamit ko. Inayos ko na rin ang mga gamit ko na good for one week naman na dadalhin ko mamaya sa cruise party ni Tristan. I am ready to unwind again.


Sinundo na rin ako nina Chiara at Oliver para sabay-sabay na kaming pumunta roon. Ang sabi naman samin ni Tristan ay sasalubungin niya nalang kami sa cruise at ang kailangan nalang naming gawin is pumunta nalang doon.


"Ready ka na bang maghanap ng ipapalit kay Eowyn?" mapang-asar na tanong ni Chiara sa'kin.


"Pakyu, hindi nga ako interesado sa kahit na kanino!" umiling ako sa kaniya.


"Paano aasenso ang buhay mo niyan, Architect?" tanong ni Oliver.


"Can you stop calling me Architect? Wala naman na tayo sa office, pwede mo na 'ko tawagin sa pangalan ko." sambit ko sa kaniya. "And okay, I'll try to flirt later."


Habang naglalakad na kami, malapit na rin naman kasi kami sa cruise. Nag-take ako ng photo nung cruise na sasakyan namin at ini-story ko siya sa Instagram. Ang first viewer at reactor ko ay si Eowyn agad. Wow ha, abangers sa'kin yarn?


eowynmartinez liked your story.


"Shit, may stalker ako." bulong ko sa sarili ko.


"Sinong kausap mo?" nagtatakang nilingon ako ni Chiara pero umiling naman ako. "Baliw."


"Tara na! Excited na 'ko!" hinila ko na ang kamay niya.


Pagkatapak naman namin, maraming tao. I mean, sakto lang naman for the peoples he knows. Well, hindi naman masyadong maraming tao. Close friends and co-workers lang niya ang narito and that's good to hear naman.


Nakita ko rin na nandito sina Kent, Ren, Leo at Kirtryle pero wala ang iba nilang kaibigan. Hmmm, baka naman mga busy at may mga trabaho sila. Saktong magga-gabi na rin kasi kaya pumunta na muna kami sa mga cabins namin.


Inayos ko na muna ang gamit ko at inorganize ko na ang lahat. Nagpahinga na rin naman ako at mamaya na 'ko lalabas. Wala pa naman akong masyadong ibang gagawin kaya nag-phone nalang ako at hinintay ko nalang mag-alas otso.


Nung lumabas naman ako, nakita ko nang nagpaparty na ang mga tao. Nandoon naman si Tristan kasama ang mga kaibigan ni Eowyn at kasama na rin nila sila Chiara at Oliver kaya lumapit nalang ako sa kanila.

Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)Where stories live. Discover now