"Anong klaseng bahay ba ang gusto mo?"
Nandito ako ngayon sa firm ni Eowyn dahil may mahalaga kaming pinag-uusapan. It's all about his house lang naman. Pangalawang bahay na niya 'to. Masyado naman yata niyang pinagkakatiwalaan ang company namin. Well, magagaling nga naman kami.
"Mansion." seryoso niyang sagot.
"Bakit mansion? Ikaw lang naman titira 'don, ah?" I arched a brow.
"Bakit? Hindi ba ako magpapakasal?"
"I mean... I mean, oo, magpapakasal ka naman." I nodded.
"Who will I marry?"
"Si Giselle malamang! Tinatanong pa ba 'yan." Inirapan ko siya. Bigla nalang pumasok sa utak ko 'yung everytime na iniirapan ko siya at hahalikan niya ako.
Nagpaalam naman na ako sa kaniya pero pinigilan niya naman ako kaya natigilan ako sa harapan ng pintuan. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin, para akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Nabitawan ko ang doorknob.
He pinned me against the door, para akong hindi makahinga sa ginagawa niya. I blinked a lot of times because of what he's doing. Para akong nasisikipan at ayokong huminga ng sobra.
"Uh... B-Bakit?" I asked.
"Solana's birthday is coming up. My mom wants to invite you." sagot niya.
"Ganito na ba talaga dapat mag-invite sa birthday? Kailangan pini-pinned muna sa pintuan?" nang-aasar kong tanong.
"Inimbitahan lang naman kita." He said using his baritone voice.
"Okay, pupunta ako." I nodded.
Bumalik ako sa opisina ko at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Nakaupo ako sa swivel chair ko ngayon habang iniisip ang nangyari kanina. Infairness ah, ang bango niya ngayon. Mas lalo pang pumogi ang amoy niya.
Kagat-kagat ko ang ballpen ko habang kinikilig ako sa nangyari. Ini-imagine ko lang naman bakit naman ako kinikilig? Ugh, no! Never! Hindi pwede 'yan, Sam. Hindi ka pwedeng ma-fall sa kaniya!
"Hoy, ano 'yan? Ngi-ngiti ngiti ka diyan?" nawala naman ang mga ngiti ko nung binuksan ni Chiara pintuan ng opisina ko.
YOU ARE READING
Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)
RomanceSamantha Cuesta, an architecture student known for her lively spirit and top academic achievements at UST. Her world takes a turn when she crosses paths with Eowyn Martinez, a studious law student from Ateneo. Date Started: 02/07/23. Date Finished...