10

278 20 1
                                    


"I'll be back."


Magkasama pa rin kami sa condo niya. Kakatapos lang rin ng undas break and kasama namin ngayon ang mga kaibigan niya sa condo niya. May pag-uusapan lang naman daw sila tungkol sa kaso.


"I haven't read that yet." narinig kong sabi niya kay Kent.


"E, paano naman 'to, p're? Hindi ko talaga maintindihan." sabi pa ni Ren.


"Highlight that, Ren." striktong sambit ni Eowyn. "Sera, have you read this?"


"Yeah, already done." nakangiting sagot ni Sera. "Saka nga pala, malapit na ang finals, ah, makakalaban ka na ulit sa court."


"Yeah." sagot lang ni Eowyn ng hindi nakatingin sa kaniya. "Focus on work, Sera."


Maya maya lang, naramdaman kong lumapit na sa 'kin si Eowyn. Ang sabi niya sa 'kin nung gabing nanonood kami ng Squid Game, nililigawan na raw niya ako. Hindi ko talaga maitago ang kilig ko hanggang ngayon! Parang noon lang, crush crush lang tapos nililigawan na ngayon.


Lumapit na rin naman ang mga kaibigan niya samin, binuksan ko kasi ang TV, mukhang nakuha ko ang atensiyon nila! Nakakahiya naman, may mga inaaral pa naman sila tapos kinuha ko atensiyon nila sa ginagawa nila.


"B'ro, we have asked you before and we will ask you again now." sabi ni Kent, may hawak na baso.


"Ano ba talaga kayong dalawa?" tanong ni Ren. Nagkatinginan kami ni Eowyn.


"I'm currently courting her." proud na sabi ni Eowyn, napatingin ako sa kaniya, hindi ako makapaniwala!


"Finally! Nasagot na rin, jusko!" uminom sila ng juice na nasa baso nila. "Cheers na agad!"


"Anong balak niyo ngayon?" tanong ni Ren.


"Balak saan?" I arched a brow.


"Ngayon ba, dahil magiging magkarelasyon na kayo." ulit niya pa. "Balak niyo bang maging travel buddies, fuck buddies or anything?"


"We want to enjoy every day we have together." seryosong sagot ni Eowyn.


Nananahimik lang si Sera sa dining table. Mukhang nakikinig naman siya sa usapan namin nina Eowyn pero hindi siya nakikisali. As far as I remember kasi, matagal ng gusto ni Sera si Eowyn pero friends lang talaga sila, e.


"Bumalik na kayo sa ginagawa niyo, alam ko namang importante 'yang pinag-uusapan niyo." malumanay kong sabi.


"I'll be back." he smiled at me and kissed my forehead.


Matapos nila sa ginagawa nila. Sabay-sabay naman silang umalis. Alam naman na ni Chiara na hindi na muna ako uuwi sa condo dahil bebe time muna kaming dalawa ni Eowyn ngayon!

Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)Where stories live. Discover now