"Oh my God! Nase-sense ko na malapit na kayong magkabalikan!"
Kinikilig si Chiara ngayon sa mga kinuwento ko sa kaniya na nangyari kaninang umaga. Kumakain na kami ngayon ng lunch and finally naman ay pinalaya na nila kami agad. Nakangiti naman ako sa kaniya.
"Actually, hindi ako sure kung tama bang sinabi ko 'yun sa kaniya." nagdadalawang isip kong sabi.
"Bakit naman? Malay mo hindi niya ayusin ang relationship niya with Giselle? What if, tapusin na niya at balikan ka na niya?" sabi ni Chiara.
"Nako, hindi. Ayoko rin na ganoon ang mangyari. Masyadong mabait si Chiara para masaktan." umiling ako. "Kumain nalang tayo."
Habang kumakain naman kami, dumating na naman ang mga lalaking nakapang-beach style na damit at kita ang mga dibdib nila. Naka-shades pa ang mga shala. Natawa naman ako at muntikan ko pang maidura ang pagkain ko.
"Anong style na naman 'yan? Para kayong mga tanga." natatawang sabi ko sa kanila.
"Trip niyo? Oo, alam ko namang nasa bakasyon tayo... pero tangina!" natatawa ring komento ni Chiara. "Hindi kami na-inform, sana manlang nag-bikini kami ni Sam para support kami sa kabaliwan ninyo!"
"What if mag-bikini rin kayo?" sabi ni Kent.
"Not a good idea, Kent. Hindi ko gagawin 'yan!" umiling ako sa kanila.
"E, ikaw, Chiara?" tanong ni Kent. Umiling din naman si Chiara kasi nakatingin ang boyfriend niya sa kaniya.
"Joke! Ayokong pagbawalan si Chiara sa mga gusto niya as long as hindi naman bastos ang tingin niyo sa suot niya, why not?" binawi rin naman ni Oliver.
"Thank you, baby!" niyakap naman siya ni Chiara.
"Sanaol, paano naman ako?" Kent and Ren pouted.
"When kaya makakaranas ng halik?" bulong naman ni Ren sa hangin. "Anong lasa ng halik, p're?"
"Matamis." Oli teased. "Hanap ka ng babes dito sa cruise, dami-daming kaibigan diyan ni Tristan, e."
"I'll help you, b'ro." kinindatan naman sila ni Tristan. "What about you, Eowyn? Do you want?"
"No." umiling naman si Eowyn. "I'm contented."
"Aaaaah, contented naman pala- kanino? Kay A or kay G?" mapang-asar na tanong ni Kent.
A?! Who's A?!
"Nakaka-curious naman, initials lang sinasabi!" reklamo ni Chiara.
"Napaka-reklamador mo! Ano bang nagustuhan mo dito, Engineer Raymundo?" reklamo ring tanong ni Kent kay Oli.
YOU ARE READING
Our Yesterday's Promise (Promise Trilogy #1)
RomanceSamantha Cuesta, an architecture student known for her lively spirit and top academic achievements at UST. Her world takes a turn when she crosses paths with Eowyn Martinez, a studious law student from Ateneo. Date Started: 02/07/23. Date Finished...