Cindy's POV
Sunday 9:30 pm
Napagkasunduan namin na magbar dahil sa dami agad ng requirements we decided to chill and relax for a while. Pampaiwas stress para matakasan ng kahit sandali ang mga problema.
Lahat ay napapaindak sa sayawan, maski ako ay napapasway na di lang ako pati sila brianna kanina pa sayaw ng sayaw.
Umupo muna ko saglit at pumunta sa lounge namin vip kasi kami dito. Uminom ako ng tatlong shot ng martini ng maramdaman kong may nakatitig sakin.
Inikot ko ang aking paningin sa lugar kaso wala akong makitang tao na nakatingin sakin lahat sila ay umiinom kung di naman umiinom sumasayaw kung di naman ay nakikipaglandian.
Sino ba yung tumitingin?
Habang hinahanap ko kung sino yung nakatitig at minamanmanan ako ay may nakita ang mata ko babaeng na sa counter si kiara.
I shake my head not twice but thrice saka ako tumingin ulit sa counter wala na yung babae guni guni ko lang siguro yun.
"Ang saya saya sa dance floor hahaha" sabi ni brianna habang papunta sa lugar namin.
"Let's go here every weekends" saad naman ni stacy
"Sure!!" Sabat naman ni yumi
"Oh, cindy di ka ba pumunta dun? Tara sayaw tayo masaya dun" sabi ni brianna habang hinihila ako papunta sa dance floor.
"No need dito nalang ako. Sulitin nyo na tsupi na don" sabi ko sakanila.
Pumunta nan ulit sila brianna at stacy samantalang si yumi ay naiwan.
"May napapansin ako," biglang sbit ni yumi kaya napatingin ako sakanya.
"Ano naman yun?" Tanong ko sakanya
"Parang may nagmamanman satin."
"I see nahalata ko rin kanina pa." Sagot ko pabalik sakanya.
"Alam nyo much better kung uuwi na tayo teka tatawagin ko lang sila bria" saka tumayo si yumi at pinuntahan sila stacy
Around 11 ng makalabas kami sa bar, ayaw pa lasing umuwi netong dalawa. Di naman kami lasing laya makalapag drive pa kami.
Habang naglalakad ako ramdam ko na may nakasunod samin kaya binilisan ko ang lakad ko ganun din si yumi.
Agad agad kaming sumakay ng kotse at agadnaman tong ipinaandar ni yumi.
"Mga atat kayo umuwi" saad ni stacy habang nakatingin sa salamin.
"Just drive stacy." Sagot naman pabalik ni yumi
"Guys tingnan nyo yumg kasunod nating car," tiningnan naman namin yumg sinasabi ni brianna kasi katabi niya si stacy sa driver's seat kaya nakatingin sya sa may side mirror.
"Diba yan yung sinabi nila kurt na may naka engrave na bunggo yung nakalaban nila?"
Napatingin ulit kami sa likod namin. "F*ck oo nga, stacy faster."
"Sh*t siguro sila yung nagma-manman satin kanina sa bar !" Sabi ni yumi.
Binilisan pa lalo ni stacy ang pagda-drive, malapit na kaming mahabol ng bwiset na nasa likod namin.
Trinay naming lituhin sila pero di parin effective. Niliko liko na ni stacy pero wala parin.
"Fudge, may bangin banda dito pakana nila siguro to kaya napunta tayo dito !!" Sabi ni stacy habang natataranta.
Tiningnan namin ang aming dinadaanan, oo nga malapit na kami sa may bangin.
"Sh*t stacy make it slower, f*ck magpreno ka na !!" Tarantang sabi ni brianna habang nalatingin sa side mirror ng kotse.
"Put*ngina ayaw mag break sh*t sira know what to do guys"
Binuksan namin ang pinto ng kotse atsaka dali-daling tumalon, no choice.
Nalaglag sa bangin ang kotse namin atsaka sumabog, pakana nila lahat to.
Nang makatayo kami ay nagulat kami sa sumunod na pangyayari inatake nila kami kaya lumaban narin kami.
Sinuntok ko sa sikmura atsaka sinipa yung kalaban ko atsaka ko sya tinuhod. Yung isa naman ay hinampas ko sa batok tumumba naman agad.
"Woohh ! Buti tapos n- f*ckingsh*t" sabi ni yumi ng biglang may dumagdag na 10 lalaki sa harap namin.
Sinuntok ko yung lalaki sa mukha sinalo naman nya kaso nung pangalawang suntok ko nasalo nya yung kamay ko atsaka pinaikot ito at sinipa kaya napaupo ako.
Nagulat nalang ako dahil may mga hawak na dagger ang kalaban namin. Nasa sasakyan yung mga armas namin sh*t.
Papalapit na ng papalapit sakin yung lalaki di ako makagalaw. Na glue ata ako sa kinauupuan ko.
Tiningnan ko sila brianna ganun rin naglabas din ng mga armas yung kalaban nila pano na to?
"Ano bang kailangan nyo samin?!" Buong lakas kong sigaw
"Asan ang leader nyo? Asan si devilish princess?" Tanong ng netong nasa harap ko habang tinatapat sakin yung dagger nya sa leeg ko.
"Wala, di namin alam." Seryosong sabi ni yumi
"Ano bang kailangan nyo sakanya?!!" Sigaw ko ulit
"Basta sumama nalang kayo samin." Nagsimula na kaming hilahin ng mga kumag na to. Nagpupumiglas kami kaso ayaw talaga.
"Ipasok na yang mga babae sa kotse" sabi nung malaking tao na mapanget.
Papaalis na sana kami ng mayroong bumaril sa gulong ng kotse.
*baaannggg*
Umalingawngaw ang tunog ng pagputok ng baril, "Bilisan mo nga !!" Sabi netong asa likod namin.
"Oh, bat ayaw umandar?" Tanong ng isa
"May bumaril po sa gulong natin" sagot naman nya
"Bantayan mo tong mga to ah !" Habilin ng isa dun sa may driver.
Di na kami nagpatumpik tumpik pa, nung wala ng tao kami nalang ang natira agad kong sinipa yung lalaki may nakita namang silencer si yumi kaya agad netong binaril yung driver.
Nang makalabas kami kitang kita namin ang paglabanng isang babae dun sa mga kinalaban namin kanina.
Wais na galaw.
Yung mga moves nya familiar.
Si kiara. Hindi hindi sya si kiara nagha-hallucinate na naman ako.
Di namin makita yung mukha nya nakahood sya at may dalang dagger.
"Sino kaya yan?" Sabi ni stacy
Di na namin sya sinagot at naglakad na papunta sa naglalaban tinulungan namin yung babae.
Sinuntok ko yung isa at saka ko sinipa sa tyan kinuha ko yung baril nya saka ko ipinutok sa binti nya.
Makaraan ang ilang minuto natapos din namin ang mga kalaban pero may mga namatay napatay ata nung babae.
Papaalis na yung babae, "Hey, wait" sabi ko saka naman sya umistop.
"Thank you." Saka sya umalis.
--
Quueenniieee's POV
Helloooooo good morningツ 5 chapters mamehn ! Yeheeyyy !! Guys comment comment din tsaka vote na rin ah? Hehehe thank you. Keep on supporting guys. xoxo:**
BINABASA MO ANG
Awakening of the Devils
ActionDevil Series 2 Book 2 of the "Devilish Princess" Utang na labas po, wag nyo po munang babasahin to hangga't di mo pa nababasa ang devilish princess book 1. Diba nauuna ang number 1 sa 2 kaya yun. Hohoho ツ salamat.