Akira's POV
"Ano ba akira kinakausap pa kita!"
Humarap ako sakanya saka ko tumingin sa mga mata nya. "Anong sasabihin mo?"
"Tigilan mo si kurt!" Inis nyang sabi sakin.
Tumalikod ako sakanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Hinablot nya ang braso ko saka nya ko sinampal. "May gusto ka na sakanya no?"
Napataas lang ang kilay ko sa sinabi nyang yun, "Ako? Magkakagusto dun? Never."
"Siguraduhin mo lang akira." Nagpatuloy na ko sa paglalakad ng may mapansin akong tao na nakarinig samin kanina. Bakit sya nandito? Saglit ko syang tiningnan saka naman sya agad na umalis.
-----
Kinabukasan
Lahat sila nakatingin sakin, ano bang meron may dumi ba sa mukha ko?
Yung iba naman nagbubulungan, tss.
Nglakad nalang ako hanggang sa makita ko yung nasa bulletin, di naman ako nabigla. Kasi sabi nila guilty ka daw pag pinatulan mo kung sino ang gumawa nyan at pag nag-react ka ng dahil jan ibig sabihin totoo ang lahat ng ibinubuntong nila sayo.
Ang nakasulat dun, slut, whore, traitor, bitch daw ako. Sana man lang ginawa nyang super bitch.
Tumingin ako sa paligid ko, nagbabaka-sakaling andito yung "so-called-friend" ko. Alam kong sya ang may gawa nyan.
Papunta na ko ng quadrangle ng marinig ko yung sigawan ng mga tao sa may gitna.
"Ayyyyiiiee"
"Ang sweet naman nila."
"Ang swerte naman ni arianne."
Kahit di ko gustuhing pumunta dun, dahil sa dami ng tao at nagkakaipitan na dito ay natangay ako papunta malapit sa kinaroroonan ng kung ano mang merong live show.
Inalis ko yung mga braso saka kamay ng mga taong nakapaligid sakin saka aakmang umalis kaso lang parang may nagpipigil sakin.
At dahil malapit na ko sa may gitna lumakad pa ko ng kaunti, dun sa lugar na medyo makikita mo na kung anong nangyayari.
It feels like the world has stop spinning on it's own orbit. Every act goes to a slow motion.
I just stood here like a statue, my heart torn into pieces seeing them like that, hugging each other with those bright smiles in their faces.
Why?
Nanlalambot yung tuhod ko, parang gustong matumba, gustong dumapa. Tumalikod na ko saka umalis sa nagkukumpulang mga tao.
Pinunasan ko agad yung patulong luha ko nang makaalis ako, natupad na yung pangarap ni arianne.
Bat ba ko umiiyak? Di ko naman sya gusto ah? Diba?
Papunta ako sa locker ko, marami pa ring mga tao ang pinaguusapan tungkol sa naganap kanina lang. Kesyo bagay daw sila, mas bagay pa kila kiara, maswerte daw, ang pogi daw saka maganda.
Pagbukas ko ng locker ko may itim na sobre. Nalaglag kaya dahan dahan ko itong pinulot, medyo kinabahan ako nang buksan ko sya.
"I found ya."
-----------
Cindy's POV
"Bro, you're the man!" masaya nilang bati kay kurt nang makapasok dito sa hq nila kasama ni kurt si ari.
"Thanks." Nakangiting sabi ni kurt.
"Sabi ko naman sayo e diba?" Sabi naman ni chester.
Tumango lang sya saka naman naupo.
BINABASA MO ANG
Awakening of the Devils
ActionDevil Series 2 Book 2 of the "Devilish Princess" Utang na labas po, wag nyo po munang babasahin to hangga't di mo pa nababasa ang devilish princess book 1. Diba nauuna ang number 1 sa 2 kaya yun. Hohoho ツ salamat.