Prologo: NCR Psychic Center

114 11 1
                                    

*Lahat ng pangyayari sa librong ito ay pawang kathang-isip lamang. So Chill Bro, Guatemala is an awesome country.

***

Tumingala si Mattia upang matitigan ang pinakadulong bahagi ng gusali ngunit hindi niya iyon matanawan. At naisip niyang, ganito ba talaga ang mga istraktura sa Manila?

Nakapunta na siya sa National Capital Region noong musmos pa lamang ngunit wala na siyang matandaan pa sa mga dating karanasan. Kaya naman ang nasa harap at ang itsura ng lugar ay nakakapanibago sa kaniya.

Napaubo siya nang mabugahan ng maruming usok ng humaharurot na sasakyang jeep. Bumaling ang mga mata niya sa kalsada. Nagpapaunahan sa pag-andar ang iba't ibang uri ng sasakyan. At pakapalan ng mukha kung makipagsiksikan o makipag-overtake ang mga motorsiklo— kahit pa may truck sa unahan. Palakasan din ng busina ang mga sasakyang nakahinto sa kabilang lane.

Dito sa sidewalk kapag humambalang ay siguradong makakabunggo ng mga tao, abala ang lahat sa paglakad at pagpunta sa kani-kanilang destinasyon. Mula rin sa kinatatayuan ay tanaw niya ang overpass —na daan din patungong MRT station.

Malapit din siya sa supermarket at malls, kaya hindi nakapagtatakang napakaraming tao.

"So this is Manila, huh?" naisip ni Mattia, "Napakaingay pala rito."

Wala ring masasagap na sariwang hangin dahil sa nagkalat na alikabok at polusyon. Ibang-iba ang itsura ng mga kalsada rito kumpara sa probinsya, sapagkat sa kinagisnang bayan ay maluluwag ang mga daan at kakaunti lamang ang mga sasakyan. Gayunman, kakaunti rin ang mga tao at maayos na lansangan.

Napabuntong-hininga siya nang malalim. Nami-miss na niya ang kaniyang ingkong, ang lungsod ng Capiz, ang bukirin, ang dagat at tahimik nilang barangay. Ngunit pumayag siyang pumunta rito. Tinanggap niya ang alok ng mga kaibigan. Hindi siya pwedeng umatras at bumalik sa kinalakihang bayan na walang napala.

Nandito siya upang makipagsapalaran sa buhay, kung mananatili siya sa mahirap na bayan, hindi niya makakamtam ang lahat ng pansariling hangarin at pangarap. Nandito siya hindi lang para maghanap ng trabaho o mag-aral sa kolehiyo, nandito rin siya upang hanapin ang sarili.

Pagkuwa'y bumalik ang linya ng tingin niya sa harapang gusali. Wala nang urungan. Wala nang atrasan.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at pumasok sa loob ng matayog na istraktura.

***

Maikukumpara niya ang loob ng gusali sa mga magagarbo at sosyal na condo unit o hotel. Nagsisilakihan at nagkikislapan ang mga chandelier sa kisame. Mula sa entrance ng ground floor, makikita ang balkonahe ng pangalawang palapag. At tila ginto ang tiles na nakapaligid sa kulay pulang pahabang carpet. Napakalinis. Malayo sa itsura ng mga ordinaryo at magugulong opisina.

Sa bungad pa lamang ay may sumita na sa kaniyang babae na nakatayo sa reception area. Nakasuot ito ng pormal na kasuotan na maihahalintulad ang disenyo sa mga uniporme ng mga flight attendant. "Good morning, ano po 'yon?"

Naiilang na lumapit siya at inilabas ang papel na nasa loob ng hawak na brown envelop. "Good morning din po, magpapasa po ako nito."
Iniabot niya ang invitation letter na ibinigay sa kaniya ng dalawa niyang kaibigan.
Binasa naman ng babaeng staff ang laman ng papel.

We would like to inform you that we, the Adrenaline Junkies, one of the affiliated groups of HEAP, have signed and given this invitation to Mr. Jones Matthew Salvador.

"Oh, may invitation ka galing sa mga employees namin." Hindi na tinapos pa ng babae ang pagbabasa at bumaling sa kaniya.

Tumango lamang siya.

𝘼𝙙𝙧𝙚𝙣𝙖𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙪𝙣𝙠𝙞𝙚𝙨 : 𝙀𝙡 𝘾𝙖𝙙𝙚𝙟𝙤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon