Kabanata 13: Storehouse

24 8 0
                                    

Napahawak siya sa ulong sumakit. Minulat niya ang mga mata at nakita ang pawid na bubong. Napaupo siya at napabangon mula sa pagkakahiga, kasabay niyon ay ang pag-ungol at pag-inda niya sa mga pinsalang natamo. May mga pasa siya sa braso at binti. May mga gasgas at sugat siya sa iba't ibang parte ng katawan. Napatanong siya sa sarili, "Anong nangyari? Nasaan ba ako?"

Inikot niya ang paningin sa paligid at napagtantong nasa loob siya ng isang kamalig. Sa loob niyon ay may mga tuyong dayami at sako-sakong mga dahon na hindi niya sigurado kung anong mga uri. Akma siyang tatayo ngunit bigla rin siyang napaupo nang mapansing nakakadena ang kaniyang kanang paa.

Napagtanto niyang siya'y naging bihag, saka lamang niya naalala kung ano ang mga nangyari noong nakaraang gabi.

***

Isa siyang hangal. Iniisip ni Rain kung nahawaan ba siya ni Mattia ng kahangalan? O sadyang nabuysit lamang siya kay Coach Caiden kaya nagpatuloy siyang maglakad nang nag-iisa? Sa pangalawang pagkakataon, nandito na naman siya sa gubat. Hinahanap ang kaniyang kaibigan.

Bakit nga ba lagi niyang sinusundan si Mattia? Marahil dahil sa kanilang mga lalaki, kay Mattia lamang siya komportable. Maaari ding ayaw niyang may mangyaring masama sa kaibigan kaya hindi siya nagbabaka-sakaling sundan ito.

Napabuntong-hininga si Rainzel sa kadiliman, naibaba niya ang flashlight na hawak. Sa kasawiang-palad, ni anino ng binatilyo ay hindi pa rin niya nakikita. Luminga siya sa likod at napaisip kung gaano na ba kalayo ang nilakad niya mula sa kinaroroonan nina Coach Caiden at Senor Gonzales.

Lumalalim na rin ang gabi. Mabuti pa siguro ay bumalik na lamang siya at huwag nang magpatuloy sa paghahanap. Ngunit naudlot ang binabalak niya nang may makita siyang liwanag na nagmumula sa hindi kalayuan.

Agad niyang pinatay ang ilaw ng flashlight at nagtago sa kadiliman. Sigurado siyang hindi si Coach Caiden iyon dahil wala namang balak sumunod sa kaniya ang lalaki. Naisip din niyang baka si Mattia ang naglalakad ngunit hangga't hindi sigurado, mabuti pang mag-ingat. Hinintay niyang dumaan ang misteryosong lalaki.

Nanlaki ang mga mata niya nang matanlawan ng flashlight na hawak nito ang mukha ng estranghero. Hindi si Mattia ang naglalakad sa kagubatan, bagkos isang hindi kilalang matangkad na lalaki ang napadpad roon. Ngunit ang mas nakakagulat ay may kasama itong isang puting El Cadejo. Mukhang tama ang sinasabi ni Mattia na kakampi ng mga puting nilalang ang mga gang members na naghahari sa lugar.

Maiging nagtago siya sa dilim upang magmanman. Maingat na sinundan niya ito kung saan man ito patungo. Mayamaya pa ay tumigil ito sa paglalakad nang may makasalubong na isa pang lalaki.

"Es cierto que pidieron ayuda al HEAP Filipinas. Hay investigadores paranormales aquí, pero no sabemos quienes son."

"Necesitamos decirle esto al jefe."

Hindi niya maunawaan kung anong pinag-uusapan ng mga ito ngunit nakinig pa rin siya. Nabaling ang mga mata niya sa puting cadejo na inaamoy ang lupa pagkatapos ay biglang bumaling sa gawi niya. Napasinghap siya nang magtama ang mga mata nila ng nilalang. Pagkatapos ay umangil ito na parang nagagalit.

Naalala ni Rainzel kung bakit hindi siya mahilig sa mga aso. Sapagkat kahit tapat at maamo ang mga ito sa amo, ay napakadelikado naman ng mga ito pagdating sa ibang tao.

Walang ano-ano ay biglang tumakbo palapit ang cadejo sa kaniya. Napatili siya sa bilis ng mga pangyayari. Natumba siya sa lupa at agad na nawalan ng malay dahil sa shock.

At pagmulat ng mga mata niya ay narito na siya sa loob ng kamalig.

***

Sinubukan niyang sumigaw. Baka-sakaling may makarinig sa kaniyang tinig. "Help! Somebody help me!" Ngunit katahimikan lamang ang sumagot sa kaniya.

Hindi siya katulad ni Mattia na palaging kalmado pagdating sa mga panganib. Namimilog ang mga mata at dumadagundong ang tibok ng puso niya dahil sa pagpa-panic. Ano ba itong ginawa niya sa sarili?

"No one will hear you here. This place is isolated from the neighbourhood. And even if somebody hears you, I bet that they'll help. Everyone is afraid of them."

Kinabigla niya ang tinig at agad siyang napalingon sa nagsalita. Sa kabilang panig ng silid ay may isang babaeng nakakulong sa loob ng malaking dog cage. Ang nakakapanindig-balahibo pa ay walang kahit na anong saplot ang babae. Hubo't hubad itong nakaupo lamang doon.

Nagtama ang mga mata nila. Bugbog man ang mukha nito, may black-eye sa mata at pasa sa pisngi, nakilala pa rin ni Rainzel ang babae.

Napamaang ang bibig niya. "Y-You.... You look like Ms. Silvia!"

Halatang nagulat ito nang marinig ang pangalan na binanggit niya.

"You must be her sister! Are you Marriana?"

"How do you know my sister?!" Nagkaroon ng kuryosidad ang babae at agad na nagtanong.

"It's a long story. I'll explain once we get out of here!"

"That's impossible..." Nag-iwas ito ng paningin. "The moment they get you, you're technically dead."

Hindi alam ni Rainzel ang itutugon sa ganitong klaseng sitwasyon. Napaisip siya ng malalim. Kumpirmadong buhay pa si Marriana, ngunit nasaan ang pinsan nito at kaibigan? Anong nangyari sa dalawang lalaki na kasama nito? Nais niyang magtanong ngunit napansin niyang wala sa huwisyo na magsalita ang babae.

Dahil sa pisikal at mental na kalagayan nito ay tila nawalan na ito ng pag-asang makaligtas. Nakatulala lamang ang biktima sa malayo na para bang patay na ang isip. Nakaramdam ng awa si Rainzel, ano kayang mga kalunos-lunos na ginawa ng mga kriminal na iyon sa babae?

"I came from the Philippines..." naisip niyang magkwento at bigyan ito ng kaunting pag-asa.

Muli naman itong tumingin sa kaniya.

"Your sister didn't lose hope and sought help from the HEAP Philippines to find you. In the belief of many, the cadejos killed you and your companions."

"W-What?" Parang hindi ito makapaniwala sa mga natuklasan.

"However, my travel partner and I discovered the truth. Now that I've seen you, I can take a deep breath of relief. My duty is to find you. Hold onto your hope. I have no doubt that my partner will discover our location. He'll come here to save us." Nagtitiwala si Rainzel na magagawa ni Mattia na mahanap sila. Sapagkat naniniwala siyang hindi sumusuko ang mga taong walang kinakatakutan.

***

Lumipas ang buong maghapon na walang napala o nakuhang clue si Mattia kung nasaan na si Rainzel. Lihim na nananalangin sa puso ang binatilyo na sana ay walang mangyaring masama sa kaibigan— na sana ay hindi pa huli ang lahat.

Gabi. Pumasok siyang mag-isa sa kagubatan upang makipagkita muli sa black cadejo na palagi niyang nakakasama. Hawak niya sa kamay ang panyo na palaging bitbit ni Rainzel. Lumuhod siya sa harapan ng cadejo at pinaamoy ang bagay sa ilong nito.

"Wala akong mapapala sa mga taong kasama ko ngayon. Ikaw lang talaga ang makakatulong sa akin, black cadejo. Please, hanapin mo ang kaibigan ko. Naniniwala akong buhay pa siya. Maghihintay ako sa 'yo rito. Kung makita mo man s'ya, bumalik ka rito at ihatid mo ako sa kaniya."

Inamoy-amoy ng nilalang ang hawak niyang panyo. Pagkatapos ay mabilis itong tumakbo patungo sa pinakaloob ng kagubatan. Tumayo nang tuwid si Mattia at sinundan nang tingin ang cadejo hanggang sa tuluyan itong maglaho.

Hindi siya susuko. Walang karapatan si Coach Caiden na sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon. Hindi lahat ng kaso ay naipapanalo, alam niya iyon. Ngunit sa pagkakataong ito, walang lugar sa kaniya ang magpatalo. Kahit pa, mag-isa siyang lumaban ay gagawin niya, mahanap at mailigtas lamang sina Rainzel at Marriana.

***

𝘼𝙙𝙧𝙚𝙣𝙖𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙪𝙣𝙠𝙞𝙚𝙨 : 𝙀𝙡 𝘾𝙖𝙙𝙚𝙟𝙤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon