Kabanata 6 : Del Arco

38 7 0
                                    

Naaliw sina Mattia at Rainzel sa ganda ng tanawin habang nakasakay sa loob ng Tuk-Tuk. Nililipad ng malamig na hangin ang kanilang mga buhok at nararamdaman nila ang kaginhawaan nito sa kanilang mga mukha. Batay sa klima ay nasa wet season ang bansang binisita.

Napakaganda ng mga infrakstura sa syudad ng Antigua, makukulay ang mga bahay at ang makalumang disenyo ng mga ito ay hango sa baroque-style architecture noong 17th century. Kaya pala ito ang piniling sentro ng turismo at kasalukuyang kapitolyo ng bansa.

Tumigil sila sa tapat ng makalumang arko, ang Santa Catalina Arch. Bumaba sila sa sasakyan at humahangang tumitig sa tanawing nasa tapat.  Napakaraming mga tao o mga turistang lumilibot sa lugar.

“We’re on the landmark, let's wait for her a little bit,” wika sa kanila ni Señor Gonzales bago ito muling lumulan sa Tuk-tuk at nag-park sa gilid.

Ilang minuto pang paghihintay sa tapat ng arko ay dumating na rin sa wakas ang kliyenteng hinihintay. Moreno ang kulay ng balat, kulot ang mahaba’t itim na buhok, hindi katangusan ang ilong ngunit maganda. Hindi ba’t ganito rin ang kutis at kaanyuan ng mga Pilipina? Hindi nakapagtataka sapagkat may dugong pilipino ang babae.

“Buenos dias,” bati agad ni Coach Caiden sa babae at inilahad ang palad upang makipagkamay.

“Marunong akong magtagalog, Señor,” nakangiting bati nito at nakipag-handshake. "Welcome to Guatemala, Antigua."

Kinagulat nila ang biglang pagtatagalog ng bagong dating. Maliban kay Caiden na alam na Half-Filipino ang client.

"So ikaw si Maria Silvia Alfonso y Caballero?" usisa ni Caiden at tumango naman ang tinuran.

"Ako naman si Caiden at ang dalawang kabataan na kasama ko ay sina Mattia at Rainzel," pakilala nito sa mga kasama. "Siya naman ang Informant namin, si Señor Gonzales."

Kahit hindi nakakaintindi ng Tagalog, nahulaan ni Gonzales na ipinakikilala siya sa dalaga. Bahagya nitong inangat ang cowboy hat sa ulo bilang paggalang.

"Kinagagalak ko kayong makilala. Mabuti pa at doon na lamang tayo mag-usap sa pinakamalapit na Restaurant. Ipaliliwanag ko sa inyo ang mga nangyari sa kapatid ko at kung bakit ako humingi ng tulong sa HEAP," tuwiran na sabi ni Silvia.

***

Nagtungo ang grupo sa Del Arco Restaurant, ang pinakamalapit na kainan doon. Hindi na sila lumayo pa, sapagkat binilin ng dalaga na hindi ito magtatagal. Kailangan lamang nito magpaliwanag hinggil sa misyon.

Nakapalibot silang apat sa iisang mesa, samantalang nagpaiwan na lamang si Señor Gonzales sa labas. Inumpisahan naman ng babae ang usapan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa sarili.

"Ang ama ko ay isang Guatemalan at ang aking ina naman ay isang Pilipina. Pareho silang nagtrabaho sa Amerika, nagkakilala at bumuo ng magandang relasyon sa isa't isa bago magdesisyon na magpakasal at tumira dito. Mahabang kwento pero may pagkakataon na hindi sila nagkaintindihan. Kaya dumating ang araw na sinama kami ng aking ina sa Pilipinas. Ilang taon din kaming dalawang magkapatid na tumira sa Pilipinas bago kami kinuha muli ng aking ama."

Nanatili lamang silang nakikinig kay Silvia. Maya-maya pa ay may inilapag na litrato ang babae sa mesa. Tinitigan nina Mattia at Rainzel ang tatlong foreigner na nakangiti sa larawan. Ang isa ay kamukha ni Silvia, ang pangalawa ay isang lalaking matangkad at ang pangatlo ay isang aprikano.

"Ito ang kapatid ko, si Marriana. Kasama niya sa litrato si Leonor, ang pinsan namin at ang kaibigan nilang si Banjoko. Parehong seaman sina Leonor at Banjoko, pumunta lamang sila sa Guatemala para magbakasyon. Naisipan nilang tatlo na mag-hike sa Acantengo Volcano pero ilang linggo na silang hindi nakakabalik," parang maiiyak na si Silvia sa sobrang pag-aalala sa kapatid at sa pinsan.

𝘼𝙙𝙧𝙚𝙣𝙖𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙪𝙣𝙠𝙞𝙚𝙨 : 𝙀𝙡 𝘾𝙖𝙙𝙚𝙟𝙤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon