Sa gitna ng kadiliman ng kagubatan, ang bilog na buwan at kumikislap na pulang mga mata ng cadejo lamang ang nagbibigay sa kaniya ng liwanag. Mahigpit siyang nakakapit sa likod ng nilalang at ang tanging laman ng kaniyang isipan ay ang magampanan ang misyon. Malapit na. Kaunti na lamang at abot-kamay na niyang matupad ang hinahangad.
Alam na nila kung nasaan si Marriana, salamat sa katapangan na ipinakita ni Rainzel. Salamat din sa tulong ng cadejo na naging kaibigan niya.
Maya-maya pa ay bumagal ang pagtakbo ng cadejo. Unti-unting humina ang mga paa nito at huminto sa tapat ng isang kamalig.
Ilang saglit na tinitigan muna niya ang itsura ng bahay-kubo. Pagkatapos ay bumaba na siya mula sa pagkakasakay sa likod ng cadejo. Sunod-sunod ang paghingal ni Mattia dahil sa pagod ngunit wala nang oras para magpahinga.
Naglakad siya patungo roon. Nang makalapit ay nakanganga siyang nagtaka. "Bakit walang tao rito?" aniya sa isip.
Inaasahan niya na napapalibutan ng mga bantay ang lugar ngunit wala siyang naabutan doon. Napakatahimik din ng paligid na para bang siya lamang ang tao roon.
Hinawakan niya ang pinto ng kamalig at walang pakundangan na binuksan iyon. Nagulat siya at napasinghap nang makita ang nakahandusay na katawan ng babae sa gitna ng kwarto. Hubo't hubad ito at tila naliligo sa sariling dugo dahil sa mga sugat at bugbog na natamo. Nakabuka ang bibig at nakadilat ang mga mata nito. Napatakip siya sa ilong dahil sa masangsang na amoy na sumalubong sa kaniya.
At naisip ni Mattia, buhay pa ba ang dalaga? Napasulyap siya sa kasamang itim na cadejo nang bigla itong humuni na parang umiiyak. Bagsak ang buntot nito at umurong na parang natatakot. Kumunot ang noo ni Mattia dahil hindi niya maintindihan ang reaksyon ng kasama.
Lumuhod siya at hinawakan ang ulo nito. "Bakit?" aniya.
"So my companion is right."
Pangangalawang beses na nagulat si Mattia. Napakislot siya at kaagad na lumingon sa likod. Pamilyar ang mukha ng lalaki. Kumpirmado niyang isa nga ito sa mga gangster. Ito ang kulot na lalaking una niyang napansin sa Aldea La Soledad. Nakangisi lamang ito sa kaniya na para bang natutuwang makita siya.
"She said you would indeed come, and I just need to wait," wika nito at hinaplos ang ulo ng katabing white cadejo. Nakaangil ang puting nilalang na tila ba nais sakmalin si Mattia. "So youre one of the HEAP paranormal investigators?" tanong nito at kalmadong nagbuga ng usok mula sa vape.
Tumayo si Mattia nang tuwid at seryosong hinarap ang lalaki. Napagtanto niyang aware pala ang mga gangster na may mga imbestigador na pinadala mula sa Pilipinas.
"You dont look surprised," anito
"What did you do to her?" sa halip ay tanong niya na tinuro ang babaeng nakahiga sa lupa.
Nagkibit lamang ng balikat ang lalaki. Ilang saglit na natahimik si Mattia. Tinitimbang muna niya ang sitwasyon. Naisip niyang makipag-usap muna sa lalaki, tutal hindi naman siya nito tinututukan ng baril sa ulo.
Inilibot ni Mattia ang paningin. "Where are your other companions?"
"They left," simpleng tugon at nagbuga ng usok. "We're not fools to stay here. We know the runaway woman will report us. But I would like to see if it's true that you also have a bond with the black cadejos. So I stayed behind for a while to witness it."
"For what reason? Why?"
"Only a few people can communicate with the paranormal. It's a shame to kill you. That's why I thought... what if I just invite you to join us instead?"
Napanganga si Mattia. "Are you out of your mind?!" nainsulto niyang sabi,"Why would I join a group of killers?!"
"We're just the same."
"We're not the same! I'm not a bad person like you!"
"Oh really? But usually, other beings like the cadejo are attracted to extraordinary people."
"Thats not true! Im certainly not like you."
Napabuntong-hininga ang lalaki. Hinugot ang baril sa likod at tinutukan si Mattia sa ulo. "I guess you misunderstood. Im giving you a chance not a choice here. It would be a waste to kill you. That's why I didnt kill the female investigator either because I believe we're all equally rare."
Nalilito na si Mattia. Hindi niya maintindihan kung anong gusto ng lalaki. "Sira na talaga ulo nito," ito lang ang mahihinuha niya sa sarili.
"Go ahead, shoot the gun. I'm not afraid."
"Did you hear me?! I said, Im not giving you a choice." Nakaramdam na ng pagkainis at pagkainip ang lalaki.
" I hear you well, faggot. I rather die than to join your minions. So feel free to pull the trigger."
At mukhang nagtagumpay si Mattia na inisin pa lalo ang lalaki. Inihanda niya ang mga binti habang nakatitig nang maigi sa hawak nitong baril. Nakahanda na rin ang itim na cadejo sa pagsugod.
Ngunit naudlot ang matinding tensyon nang may narinig silang mga kaluskos ng paa sa labas ng kamalig. Kasabay niyon ay may sumigaw ng,"Fuera! Te tenemos rodeado ahora!" . Napanganga si Mattia nang mapagtantong may mga opisyales na sumugod din sa kamalig.
"Bakit may mga pulis dito? Hindi kaya..." Naalala niya sina Rainzel at Coach Caiden. Marahil ay tumawag ng saklolo ang dalawa at itinuro kung saan siya matatagpuan.
Bumalik ang mga mata ni Mattia sa lalaki. Napasinghap siya nang bumaling din ito sa kaniya at biglang kinalabit ang baril. Mabilis ang naging kilos na nakaiwas siya sa bala at tumalilis patago sa kanang bahagi. Nagtago siya sa mga pinagpatong-patong na bungkos ng dayami. Samantalang ang itim na cadejo naman ay sumugod sa puti.
Habang nag-aabang, nagbabanta at sumisigaw ang kapulisan sa labas, naglalaban naman silang dalawa sa loob.
Panay ang pag-iwas ni Mattia sa mga bala ng baril. Sinusubukan talaga siya ng lalaking mapuntirya ngunit sadyang mabilis lamang siyang nakakalipat ng puwesto.
Narinig niyang umungol ang puting cadejo. Napatingin siya sa gawi nito at nakitang humagis ito sa mga kumpol ng palay at sako ng mga bigas. Nakahinga siya nang maluwag ngunit nagulantang nang matapatan siya ng kalabang lalaki at sa pagkakataon na ito, hindi na siya nakailag. Napaigik siya nang matamaan ng bala sa tagiliran, natumba siya sa sahig.
Nakita ng itim na cadejo ang kalagayan ni Mattia. Natatarantang lumapit ito at iniharang ang sarili. Sinalo ng nilalang ang bala upang mailigtas siya.
Labis ang pagkagitla sa mukha ng binatilyo. Napanganga at napabilog ang kaniyang mga mata dahil sa gulat. Tumumba ang itim na cadejo sa paanan niya.
Nag-aalalang hinawakan ni Mattia ang katawan ng kaibigan. Masama ang tingin na bumaling siya sa kalaban. "I will not forgive you!"
"I don't need your forgiveness, " tugon nito at biglang nagulantang nang matamaan ng bala sa binti. Saka lamang nila napagtantong pinauulanan ng bala ng mga pulis ang loob ng kamalig.
Dumapa si Mattia at niyakap nang mahigpit ang katawan ng itim na cadejo.
Sinubukan namang tumakas ng pinuno ng mga gangster. Natamaan pa ito ng bala sa braso at bandang tiyan ngunit nagawang makapadpad sa bintana at makatalon palabas.
Hindi na matandaan pa ni Mattia ang iba pang pangyayari sapagkat nanghihina na rin siya dahil sa natamong sugat. Laman din ng isip niya ngayon ang kalagayan ng yakap na yakap na cadejo.
Nanlalabo ang kaniyang paningin dahil sa luha at pagkapagod. Umiikot ang buong paligid, hindi na niya nalabanan ang pagpikit ng mga mata at tuluyan na siyang nawalan ng ulirat...

BINABASA MO ANG
𝘼𝙙𝙧𝙚𝙣𝙖𝙡𝙞𝙣𝙚 𝙅𝙪𝙣𝙠𝙞𝙚𝙨 : 𝙀𝙡 𝘾𝙖𝙙𝙚𝙟𝙤
HumorHORROR-COMEDY-MYSTERY-ADVENTURE Series 02 @2024 Nakapagdesisyon si Mattia na sumali sa House of Extraterriastrial and Parapsychology Organization o mas kilala sa tawag na HEAP - isang kilalang organisasyon ng mga magagaling na cryptozoologist at par...