Itinulak ko ang pinto ng unit ko pabukas saka kinapa ang switch ng ilaw sa gilid‚ nang sumabog na ang liwanag sa paligid ng receiving area ay pumasok na rin ako bago pabagsak na naisara ang pinto.
Simula nang piliin kong mag-college sa Universidad de Santo Jaime na siyang dream school ko rin naman dahil sa mga magulang ko, mag-isa na 'kong nakatira rito sa unit ko at umuuwi lang sa mga magulang ko tuwing bakasyon o pag may pagkakataon. Hindi kami originally from the city kaya naman hassle kung babyahe pa 'ko nang pabalik-balik mula sa'min at dito sa Maynila‚ lalong hindi rin naman ako malungkot mag-isa rito dahil nasa katapat na unit lang naman din nag-i-stay ang best friend ko.
Hinubad ko ang suot kong shades at inilapag 'yon sa center table kasama ang itim na payong na ipinahiram sa'kin ni Damian‚ in fairness naman sa lalaking 'yon, sa ilang beses ko na siyang nakita noong high school akala ko ay wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya‚ ni halos hindi nga nagagawi sa'kin ang tingin ng lalaking 'yon sa tuwing nakikita ko siyang kasama ng pinsan kong si Zico, kaya I doubt kung kilala ba 'ko 'non, pero at least may bait naman pala sa katawan. He even noticed that I'm worried about something‚ binalikan pa talaga niya 'ko para ipahiram ang payong niya.
Masungit lang talagang tignan pero mabait naman‚ gwapo pa!
Bago pa ma-focus ang isip ko sa kaibigan ng pinsan ko naglakad na 'ko papunta sa dining area. Nagugutom ako para sa mas mabigat sa tiyan type na food‚ at wala rin namang saysay na isipin ko kung gaano kagwapo ang best friend ni Zico dahil nga kaibigan siya ni Zico pati na rin ni Dane‚ panigurado babaero rin 'yon‚ tahimik lang siguro.
I frowned after seeing the inside of my refrigerator. Wala na 'kong stock! Sunod kong chineck ang mga cupboard ko rito at as usual ay puro instant noodles at canned goods ang nandon.
Naglakad ako pabalik sa receiving area at dinampot ang hinagis kong keychain sa couch. Dire-diretso akong lumabas sa unit ko at ni-lock iyon bago buksan naman ang unit ni Audrey.
Madilim ang paligid nang mabuksan ko ang pinto kaya naman alam ko na agad na hindi pa nakakauwi si Audrey galing sa rehearsal niya. Dumiretso na 'ko sa kitchen area at ginawa ang pakay ko‚ tinignan ko ang loob ng refrigerator at agad na nagdiwang ang loob ko nang makitang marami pa siyang stock kahit papaano. Kinuha ko ang isang bag ng chicken sa freezer saka inilagay iyon sa maliit na basin bago buhusan ng tubig mula sa gripo.
Magpiprito lang ako ng chicken‚ magsasaing na rin at pagabi na rin naman na, panigurado ay kakain din naman si Audrey pagdating niya. Gagawa na lang din ako ng soup dahil alam ko naman na hindi 'yon mag-ra-rice lalo pa at dinner na.
Nagsaing ako ng saktong para lang sa'kin dahil hindi naman ako kagaya ng best friend ko na kaya ang walang carbs‚ hindi ko kaya 'yon malulugmok ako.
"Hey‚" bago pa makapagsalita si Audrey ay napalingon na 'ko sa gawi niya nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
Pinanuod ko siyang maglakad papunta sa'kin. Galing siya sa rehearsal kaya as usual ay naka-tights siya at maluwag na off-shoulder cropped top na nagpapakita ng mga balikat niya at strap ng sports bra na suot niya sa loob. Ibinaba pa niya sa center table sa receiving area ang bitbit niyang duffel bag saka patakbong lumapit sa gawi ko. Ang payat ni Audrey pero bagay naman sa kaniya‚ parang sa mga female Kpop idol ang figure niya.
"What are you doing?" tanong pa niya sa napaka-obvious niyang Aussie accent kapag nag-english. Sumilip siya sa ginagawa ko at akala mo ay nag-heart shape ang mga mata niya sa tuwa. "I thought I'll just have granola for tonight‚ thank God for you!" Niyakap pa niya 'ko sa leeg sabay inalog-alog.
Nakangiting tinignan ko ulit ang best friend ko. Maayos at malinis ang pagkakaipon at pagkakarolyo ng natural blonde niyang buhok sa bun‚ halatang pagod siya pero nakangiti siya at napakaganda pa rin ng mukha. Maliit lang ang mukha ni Audrey at maganda ang natural na shape ng makapal niyang kilay‚ almond shape ang wide set niyang mga mata na madalas mapagkamalang nagtataray kapag hindi siya nakangiti‚ matangos ang ilong niya at plump ang natural na kulay rosas niyang mga labi. Sa tuwing may family gathering kami at naroon din sila Audrey, palagi kong naririnig na sinasabihan siya ng mga mas nakakatanda na mukha raw siyang younger at mas maputing version ng Hollywood star na si Jessica Alba.
BINABASA MO ANG
Heart Tamer (That Girl #1)
RomanceTG SERIES #1 Saoirse Roanne dela Rama has never been in a relationship despite her hopeless attempt to date in the past, every guy she encounter has a hopeless case of red flag on them and she's getting tired of it already...until the most serious a...