Tahimik akong nagluluto at kita ko naman mula rito ang pagiging busy ni Damian sa kung ano mang inaaral niya ngayon sa receiving area ng condo ko. Nakaupo siya sa carpeted floor at tutok ang mga mata sa laptop niyang nasa coffee table, may mga papel din siya sa gilid at ilang panulat like ballpen, pens and highlighter.
Ang gwapo niyang tignan habang nag-aaral, sabagay gwapo naman kasi talaga ang lalaking 'to kaya kahit ano pang gawin niya gwapo talaga siya.
Iniling ko ang ulo ko saka ibinalik na lang sa niluluto ko ang atensyon ko, I'm almost done after I seasoned the shrimp, quail eggs and vegetables after finally stirring them altogether in the large pan. Luto na rin naman ang sinaing ko kaya sandali na lang ay makakapaghain na rin ako.
"You already washed the stuff you used from cooking," Damian commented nang mapatingin siya sa kitchen sink at makitang walang kahit anong hugasan 'don.
Malinis din mula sa kahit anong unnecessary na gamit ang countertop kung saan ako naghain.
"I did, ayaw ko nang makalat bago kumain," may mahinang pagtawa ko pang sabi habang nilalagyan ng kanin ang plato niya.
"Same, I also like to cleaned up first before anything else. Can't stand the messy kitchen," sabi pa niya saka kusa nang naglagay ng ulam sa plato niya.
"I'm not surprise, napaka-obvious naman na napakalinis mong tao."
Ang plato ko naman ang pinagkaabalahan kong lagyan ng pagkain.
"I will take that as a compliment," he said and I chuckled.
"It is," I said and bring a spoonful of viand and rice on my mouth.
I chewed looking at Damian na ngumunguya na rin ngayon. Masarap naman ang luto ko for me, but of course I have to know kung ganon din sa panlasa ni Damian.
"Wow, your chop suey recipe is good," Damian said that made me smile so big. He likes it!
"That's my nanny's recipe, tinuro niya lang sa'kin glad to be keeping the good reputation." I giggled and saw Damian smiled while chewing.
Natapos kaming kumain at bumalik si Damian sa receiving area habang ako naman ay niligpit ang mga pinagkainan namin saka ko hinugasan na rin ang mga 'yon. Nang matapos ako ay sumunod na rin ako kung nasa'n si Damian na kahit halatang busy sa ginagawa ay mabilis ding napalingon nang mapansin ang paglapit ko at pag-upo ko sa couch.
"Accounting ba 'yan?" tanong ko habang tinitignan ang screen ng laptop niya.
"Yeah, already take it?" tanong niya pabalik, I nodded.
"Akala ko nga diyan ako magkaka-dos, salamat at totoo ang Diyos. 1.5 naman ang final grade." I laughed remembering how I was praying so hard that I'll pass my accounting subject. Hilong-hilo talaga 'ko sa pagba-balance at feeling ko ako ang ma-out of balance sa totoo lang.
"That's nice, dean's lister?" he asked and I shook my head.
"Chancellor," I said and smiled with my teeth showing when I saw how his lips formed an o in awe.
"You sure is Zico's cousin," sabi pa niya na mahinang nagpatawa naman sa'kin.
"Well, I share the same blood with his mom," pagsakay ko pa sa sinabi niya.
"Attorney Sandra dela Rama, makes sense."
My tita Sandy didn't change her surname to Villarama but let my cousins carry their father's last name kaya naman kahit kasal sila ni tito Nick ay dela Rama pa rin ang dala at ginagamit niyang apelyido kahit sa korte bilang abogada.
"Your dad is an engineer, right?" tanong pa ni Damian habang tumitipa sa laptop niya.
Medyo hindi na 'ko nagulat na alam niya 'yon, magkaibigan sila ng pinsan ko at hindi naman siguro imposible kung nabanggit 'yon ni Zico o napag-usapan lang nila.
BINABASA MO ANG
Heart Tamer (That Girl #1)
RomansaTG SERIES #1 Saoirse Roanne dela Rama has never been in a relationship despite her hopeless attempt to date in the past, every guy she encounter has a hopeless case of red flag on them and she's getting tired of it already...until the most serious a...