04. Saoirse

42 1 0
                                    

Mag-alas diez na ng gabi nang makarating kami ni Audrey sa village kung saan kami nakatira. Nasa iisang village lang kami dahil gaya namin ni Audrey at ng pinsan kong si Brooke, mag-be-best friend ang mga mommy namin since college at napangasawa naman ng mommy ko ang kuya ng mommy nila Zico at Brooke kaya ko sila pinsan habang si Audrey naman ay kababata na namin dahil nga pinalaki kaming apat na magkakasama sa lugar na 'to.

"Mom!" ngiting-ngiti pang sabi ni Audrey nang makababa na kami sa kotse at hinihintay naman kami ng mommy niya sa tapat ng main door ng mansiyon nila. Dito kami dumiretso dahil nauuna ang mansiyon nila Audrey mula sa entrance ng village kaysa sa bahay namin na may tatlong bahay pa ang pagitan mula rito. Pwede ko naman nang lakarin at hindi na 'ko kailangan ipag-drive ni Audrey 'ron.

"My babies." Halata rin ang excitement kay tita Amara habang bukas ang mga brasong naghihintay sa'min ni Audrey na makalapit sa kaniya.

Naunang lumapit si Audrey na mahigpit pang niyakap ni tita Amara saka pinugpog pa ng halik sa mukha ang best friend ko na natawa lang sa ginawang pang-bi-baby sa kaniya ng mommy niya‚ natawa na lang din ako saka sumunod naman kay Audrey at yumakap kay tita Amara, mahigpit din ang yakap sa'kin ni tita sabay ang paghalik pa sa gilid ng ulo ko.

"I still can't believe it‚ you girls are really grown up now. Bumabyahe na kayo without any adult supervision." Akala mo ay nag-re-reminisce pang sabi ni tita Amara‚ at akala mo ay first time rin 'to. Magda-dalawang taon na rin kaming nagpapabalik-balik ni Audrey from Laguna to Manila.

"Because we're the adults now!" Audrey giggled.

Pumasok kami sa mansiyon ng mga Morris nang yayain na kami ni tita Amara sa loob, of course they're living in a mansion‚ paano namang hindi? Audrey's dad is one of the most prominent business tycoon here in the country, every aspiring successful businessman look up to him, that includes my dad who is also an engineer turn businessman and even me! I look up to my ninong Bill! Bukod sa pagiging successful businessman ay galing din sa mayamang angkan sa America ang daddy ni Audrey kaya naman hindi na nakakapagtaka na mas angat pa rin ang paraan ng pamumuhay nila kumpara sa'min, o kanila Zico.

"Hello ninong! Magandang gabi bayan," natatawang pagbati ko pa sa daddy ni Audrey na natatawa naman akong niyakap pagkatapos niyang yakapin din si Audrey.

"My favorite inaanak," ninong Bill laughed as we hug. Purong amerikano si ninong Bill pero kumpara kay Audrey mas tuwid na ang tono niya sa pagtatagalog sa sobrang tagal na rin niya rito sa bansa.

"Syempre wala si Brooke rito," I pouted‚ kunwari ay nagtatampo. Tinawanan lang ako ni ninong 'don saka inaya na sa dining.

Pinaghain kami ni tita Amara ng snacks kaya naman kumain na lang din muna kami ni Audrey habang nakikipagkwentuhan sa parents niya about anything, particularly about school namin.

"You girls sure, no boyfriend yet?" ninong Bill said at mabilis naman akong napalingon kay Audrey‚ tahimik lang siyang kumakain halatang hindi manlang kinabahan sa sinabi ng daddy niya.

"We're sure dad‚" ani Audrey pagkatapos na lunukin ang pagkaing nasa bibig niya. "I'll let you guys know if meron na," ngiti pa niya at muntik na 'kong mapa-make-face ron‚ good thing napigilan ko.

"How about suitors? Imposibleng wala," tita Amara asked.

"Not my type at all," Audrey shrugged before looking at me‚ naghihintay ng sagot ko.

"Same‚ gusto ko mala-Atom Araullo," pagtawa ko pa‚ pero crush ko naman kasi talaga ang TV reporter na 'yon. Like, ang gwapo kaya!

Pasado alas onse na nang lumabas ako sa mansiyon‚ nagpresinta pa si tita Amara na samahan akong maglakad hanggang sa'min pero tumanggi na 'ko dahil malapit lang naman at safe sa loob ng village na 'to. Nag-text na rin ako kay mommy na nandito lang ako kanila Audrey‚ kaya naman naghihintay lang siya sa'kin sa bahay.

Heart Tamer (That Girl #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon